Chapter 8

1.5K 57 5
                                    

ELYSE'S POV

Tatlong bwan na ang naka lipas, ganon padin, nakaka 30k na ako kay Luke. Kapag may mga projects or kung ano ano na pinapagawa sakanya ang mga teachers ay sakin agad sya tumatakbo.

Dahil sakin, makaka akyat na sya ng 4th year college.

Isang bwan nalang. Malapit na matapos ang school year na ito. Kaylangan ko mag review para sa final exam namin. Napaka importante nun.

Habang nag susulat ng kung ano ano dito sa upuan, may biglang tumabi sakin at pinitik nanaman ang noo ko.

"Busy tayo ah?" Tumingin ako kung sino yun, akala ko si Luke, kasi lagi nya pinipitik ang noo ko. Si Patrick lang pala.

"Kaylangan ko maka pasa sa final exam." Tumango tango lang sya, hindi na kaylangan may review nitong si Patrick. Matalino nanaman ito.

"May pinapagawa nanaman ba sayo si Luke?" Tanong nya. Sa tatlong bwan na pagiging fake girlfriend at pag gagawa ng school works ni Luke. Si Patrick ang mas naging ka close ko, lagi nya nalang kasi ako nilalapitan.

"Wala naman, siguro wala na. Mag rereview na din yan. Malapit na finals natin e." Paliwanag ko at bumalik na sa pag susulat.

"May tanong ako."

"Oh?"

"May gusto ka na ba kay Luke?"

Natigil ako saglit sa pag susulat. Pero hindi parin ako lumilingon kay Patrick.

Sa tatlong bwan, parang merona na. Ewan ko ba. Lagi ako nasa kwarto nya tatlong beses sa isang linggo ata. Tapos minsan sinasama ako ni Luke sa mga dinner nila. Pero wala don yung mommy nya. Ang papa nya lang ang kasama namin kumain. Ngayong bwan ay nasa London daw ang mga magulang nya kaya wala na din daw mga dinner dinner na ganern.

At sa tatlong bwan na pag sasama namin ni Luke, napaka sungit nya sa'kin. Bibili lang sya ng pag kain tapos hihiga na sa kama. Kakausapin nya lang ako kapag may ipapagawa na project. Tas mag rereklamo pa kapag mabagal ako. Kapal talaga ng mukha.

"Wala! Wala akong gusto don. Taga gawa lang ako ng school works." Klaro kong sagot kay Patrick.

"Asus, hindi me naniniwala." Pabiro nyang sabi kaya hindi ko nalang pinansin.

Abay ewan ko lang kung may gusto ba ako sa lalaking yon, basta ang alam ko lang namumula ako kapag nakikita ko sya.

Lagi ko sinusunod ang mga gusto nya. Hindi yun crush, boss ko lang sya kasi binabayaran nya ako. Yun lang yon.

"Sup, ano ginagawa nyo dito." Napa kagat ako ng labi dahil narinig ko na ang boses nya.

"Pinapanood ko lang mag review si Elyse." Sagot ni Patrick kay Luke.

"Ang bagal mo mag review, Elyse. Kasing bagal ng mga pag gawa mo ng reports ko." Bahagyang nawala ang pag ka init ng pisngi ko at bumigat ang dibdib. Panigurado may ipapagawa nanaman sya ngayon.

"Pasyesya na."

"Punta ka ulit sa bahay ko. May ipapagawa ulit ako sayo." Pag ka sabi nya nun ay agad na syang umalis.

"Tamad nya talaga, di naman sya boblaks, tamad lang talaga." Komento ni Patrick habang pinapanood si Luke umalis.

"Aalis na muna Ako Patrick." Sabi ko at niligpit lahat ng aking gamit.

"Oh? San punta?"

"Sa library, pag aaralan ko na para madali ko matapos yung ipapagawa sakin ni Luke." Sabi ko at tumayo na, pero tumayo din sya at sumunod sakin.

"Kawawa ka naman Elyse."

"Ayos nga yon e," Sabi ko at nag madali na sa pag lalakad. Habang pa akyat sa library nakasalubong ko ang mga 3rd year na mga bully na babae.

Nilagpasan ko nalang sila.

"Elyse Monroe." Rinig ko sabi nung isa kaya napatigil nalang ako. "Pumupunta ka pala sa bahay ni Luke ah? Siguro bayaran ka din nya." Kumulo ang dugo ko sa sinabe nya, bayaran ako dahil sa pag gagawa ng school works.

"Hindi ako yung babae na iniisip mo." Walang emosyon kong sagot sakaya at nag patuloy na sa pag lalakad. Pero hinarang nya ako.

Nandito kami sa may hagdanan.

"Babalaan lang kita." Mataray nyang sabi sakin. "Hinding hindi magugustuhan ng isang Luke Areliano ang isang cheap na babaeng katulad mo." Napa buntong hininga nalang ako dahil don.

"Hindi ko hiniling na ma gustuhan nya, sayong sayo na si Luke, saksak mo sa baga mo." Ngiti kong sabi sakanya at nag iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Bigla nya akong tinulak, dahilan para mahulog ako sa hagdan, nabitawan ko lahat ng ang aking dala.

"Ops." Sabi nya nung nahulog na ako.

Napaka sakit ng likod ko at paa. Pakiramdam ko nabaliaan ako ng paa dahil don. Tinitiis ko ang sakit, naka higa lang ako dito sa lapag at pinilit na tumatayo.

Para kinukurot ang laman ko sa paa, at ang buto ko naman sa likod ay kumikirot.

Salamat at naka upo ako, hindi ako maka tayo dahil sa sakit ng paa. Patay talaga sakin yang babaeng yan. Mabuti walang nakakita sakin nung nahulog ako.

"Elyse? Bakit ka naman naka upo riyan?" Nag aalalang tanong ng isang teacher. Humarap ako don sa teachers habang hinihilot hilot ang paa.

Halos mahulog ang bitbit nyang laptop dahil nakita nya ako.

"Jusko, Elyse." Tumingin sya sa paligid.

"Niko!" Tawag nya kay Niko, naramdaman ko naman na may tumulo mula sa ulo ko.

"Bakit ma'am?" Tinignan ko at dugo ito, nagulat din ako dahil don.

"Buhatin mo si Elyse papuntang clinic." Hindi pa ako nakaka sagot agad ako binuhat ni Niko pa bridal style. Hindi nalang ako pumalag dahil hindi din naman ako makaka lakad.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now