Chapter 9

1.6K 58 28
                                    

Luke's pov

Nandito ako ngayon sa canteen, bumibili ng tubig, ako lang mag isa dito ngayon. Wala ang dalawang kumag. Nauhaw kasi ako kaka lakad.

Habang pa alis na sa canteen, bigla lumapit sa'kin si Niko na kumakaripas ng takbo.

"Pre! Pre!" Sigaw nya at hingal na hingal sya, napa hawak pa sya sa kanyang tuhod.

"Ano ba yun?" Inis kong tanong.

"Si, Elyse!" Kumunot ang aking noo.

"Ano?"

"Nasa clinic, may dugo ang ulo." Hingal nyang sumbong sakin, hindi ko na ako nag sayang ng oras at tumakbo na papunta sa clinic.

Hindi na ako kumatok at binuksan nalang ng kusa ang pinto, napaka lamig dito. Agad ko din sinara at hinanap ng mata ko kung nasaan si Elyse. Walang tumatakbo sa utak ko kundi si Elyse lamang.

Inaamin ko, naging masama ako nitong mga nakaraang araw. Pero may konting pakielam padin naman ako sakanya, tao din naman sya ano.

Tinanong ko yung nurse na naka upo sa may gilid ay may inaasikasong papel.

"Nasaan si Elyse?" Nagulat sya sakin, pero tinuro ng kanyang kamay kung nasaan ang babaeng ito, natatakpan lang pala ng kurtina.

Nakikita ko ngayon si Elyse na naka upo sa kama at nag ce-cellphone. Bumuntong hininga ako at nag salita.

"Hey."

Agad syang tumingin sakin. Tinago nya ang cellphone nya. "Ano?"

Umupo ako sa tabi nya at at seryoso syang tinignan. Nakita ko ang naka pulopot na benda sa ulo nya at sa paa.

"Anong nangyari sayo?" Sabi ko habang hinahawakan yung ulo nya. "Gumawa ka nanaman ng katangahan ano?" Ngumuso sya sa tanong ko at inalis ang kamay ko sa ulo nya.

"Umalis ka nalang nga dito, kung ano ano sinasabe mo sakin. Naaksidente na yung tao sasabihan mo pa ng tanga." May pag tatampo ang tono ng boses nya at tumingin nalang sa kawalan.

"Ito naman, ano nga nang yari sayo, nag aalala ako sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka, mahal na mahal ki-" Natigil ng kusa ang bibig ko na walang preno sa pag sasalita.. Napa lunok ako.

Nasaksihan ko kung paano namula ang pisngi nya.

"Ano?" Tanong nya ulit at punong puno ng pag asa ang pag titig nya sa'kin.

Bahagya akong nahiya at umiwas ng tingin.

"A-ano, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala ka kasi alam mo naman yung trabaho mo sa'kin. At m-mahal ang bayad ko sayo." Sumama nanaman ang tingin nya at bumaling nalang ulit sa kawalan.

Napa hawak ako ng labi, kung ano ano itong sinasabe ko, nag aalala lang siguro ako ng sobra sobra sa babaeng ito.

"P-pwede ka na ba lumabas?" Pag iiba ko ng topic.

"Pwede bang mag pahinga muna ako? Nahulug na nga sa hagdan yung tao, mag papagawa ka pa ng kung ano ano." Nguso nyang sabi sakin at kinuha ang cellphone.

"Hindi sa ganon, nag tatanong lang naman ako. Tsaka, bakit ka nahulog sa hagdan?" Kunot noo kong tanong sakanya.

Hindi naman sya lumpo para mahulog sa hagdanan diba.

Parang na blanko sya sa tanong ko.

"S-si Ma'am Irenes na ang tanongin mo." Akma syang tatayo pero kinuha ko ang braso nya, pero napa ngiwi sya.

"Aray!" Agad ko binitawan yun. "Masakit din ang kamay ko, nag pa gulong gulong ako sa hagdanan, hindi ko nga alam na natamaan pala anv ulo ko."

"May tumulak sayo?" Hindi sya mapakali.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now