Chapter 10

1.9K 58 20
                                    

ELYSE'S POV

Huwag raw muna ako pumasok, kaya naka tambay lang ako dito sa bahay namin ni Alyisha. Dito nalang din ako mag rereview, tsaka hangang ngayon. Iniisip ko padin kung para saan yung yakap sakin ni Luke kahapon.

Kinikilig padin ako hangang ngayon.

Tsaka, sino ba naman ang hindi mag kaka gusto sa lalaking yun. Kapag kasama namin ang papa nya or mama nya, sasabihin nya na Mahal na mahal nya ako. Hindi ko maiwsang ngumiti kapag sinasabi nya yun.

Nahuhulog na ako sakanya, nahulog na nga e.

Kahit sino naman mahuhulog sakanya diba, minsan ang protective nya sa'kin. Tapos minsan ang sweet, pero nasasaktan ako tuwing naalala ko na ginagamit nya lang ako para sa pag aaral nya. Pero dibale na, may pera naman e.

Tapos, pinadala ko yung 20k kanila mama, nagalit pa sakin si mama. Saan ba daw ako naka kuha ng ganon kalaking halaga ng pera.

Baka raw, nag bebenta ako ng drugs, jusko naman si mama overthinker naman nya. Hindi nya kasi alam ang trabaho kong ito. Tsaka, mas Malala king tulong ang pera na nakukuha ko kay Luke kada bwan, malaking sima ito para samin.

Gusto ko tuloy pumasok, gusto kong makita ang mukha ni Luke.

Biglang may kumatok, kaya agad ko ito binuksan.

Pero maliit lang nabukas, ulo lang ang kita sakin.

Oh, si Patrick.

"Hello." Bungad nya sa'kin kaya binuksan ko na ng maigi ang pinto.

"Oh, napadalaw ka." Lagi bumibisita dito si Patrick, halos maging best friend na nga kami e.

"Ah, oo. Nabalitaan ko kasi yung nang yari sayo, kaya may dala akong kwekwek." Sabi nya habang pumapasok. Sinara ko naman ang pinto.

"Oh, sarap nyan ah." Umupo sya.

"True, sama talaga ng ugali ng Natalie na yan e, ako na ang nag sosorry para sayo." Sabi nya habang inaasikaso ang plastic na may lama na milk tea at kwekwek.

"Ayos lang." Sagot ko naman.

"Gaga!" Sigaw nya. "Anong ayos? Nahulog ka sa hagdan uy, kung tusukin kaya kita ng stick. Ayos padin ba yun." Giit nya habang tinutok sakin ang stick.

"Syempre hindi!" Sagot ko naman at niyapos ko ang aking tuhod habang naka upo sa sofa, komportable na ako dito kay Patrick, mapag kaka tiwalaan naman sya.

"Oh, hindi naman pala e."

"Gusto ko pumasok." Sabi ko.

"Gaga, wala naman tayo masyaodomg gagawin, tsaka wag mo na alalahanin yung pinapagawa sayo ni Luke, ako na ang gumawa." Kumuha ako ng kwekwek.

"Ang bait mo talaga!" Masaya kong sigaw at masaya kaming kumain ng kwekwek.

Paburito ko talaga ito.

---

Isang linggo na ang naka lipas, finals na namin. Kaylangan ko na mag seryoso dito. Dito naka salalay ang lahat.

Habang nag tetest, seryoso ang lahat na naka tutok sa sarili nilang papel. Yung iba pinapatunog ang ballpen,yung iba diretsyo sagot nalang.

Habang ako ay binabasa mabuti ang mga tanong kahit alam ko naman ito lahat, gusto ko lang makapanigurado.

Para sa future ko ito.

Natapos ang lahat sa tamang oras, nag pasahan na ng papel, nag desisyon ang mga teachers na mamaya sasabihin ang mga scores namin, sasabihin nalang daw nya sa gc namin, para mas exciting.

Wala naman problema sakin yun.

"Kinakahabhan ako, baka baksak ako sa finals natin." Malungkot na sabi ni Alyisha.

"Siraulo, nag review ka ba?" Tanong ko.

"Oo, syempre. Nakaka kaba lang kasi." Nguso nyang sagot sa'kin at umupo na sa upuan. Tinigil ko na din ang pag lilinis ko sa school, kasi sapat nanaman yung kinikita ko kay Luke, at scholar din ako sa school na ito ano..

"Oonga naman, pero wag mo isipin yan. Positive lang lagi." Masaya kong sabi sakanya at niyakap sya.

"Oonga, wait ah, bibili na ako. Ibili na din ba kita?" Tanong nya at tumango tango ako, agad ko binigay sakanya ang 100 pesos ko at masaya syang umalis.

Habang naka tingin sa cellphone, may lalaking palapit sakin ngayon. Napa lunok nalang ako dahil nakita ko nanaman ang gwapo nyang mukha.

Umupo sya sa harap ko.

"Kamusta ang exam?" Tanong nya habang naka ngisi.

"A-ayos lang." Utal kong sagot,hays. Nahihiya ako.

"Hmm, dahil girlfriend kita." Bigla uminit ang pisngi ko. "I mean fake girlfriend, madami nanaman tayong napag samahan. Gusto kong sumama ka sa'kin." Nanlaki ang mata ko at tinipuhan ko sya ng tingin.

"Huh? Saan?" Tanong ko, halush, baka itanan nya ako.

"Sa party, malapit nanaman ang bakasyon, gusto kong sumama ka sa'kin." Inayos nya ang suot nyang damit habang seryosong naka tingin sakin. Hindi ako maka sagot at tulala lamang sakanya.

"Don't worry, kasama naman si Patrick." Pag ka sabi nya nun ay tumayo sya. "Isasama kita." Pinitik nya ang noo ko at agad nang umalis.

Hindi padin ako maka paniwala. Baka ipakilala na nya ako sa mga kaybigan nya bilang girlfriend kahit hindi naman talaga.

Tapos na kaming kumain at napag pasyahan kong pumunta sa garden, para mag basa ng libro. Tahimik kasi dun.

Nang bubuksan ko na ang libro. Narinig ko ang dalawang boses na pamilyar sakin.

"Plano? So what's your plano ba pre. Dyan kay Elyse." Tanong ni Niko, alam kong si Niko yan.

"I don't know man, gusto ko na syang iwan. Pero hindi ko pa kaya. Kaylangan ko pa sya sa next semester." Seryosong sagot ni Luke. Ano pa ba ang aasahan ko. Ginagamit nya lang ako. Tapos ako naman itong tanga tanga na nag ka gusto sakanya.

"Paano yan, e dadating na si ano." Narinig ko ang pag buntong hininga ni Luke.

"What the fuck man? Ayan ba ang dahilan kung bakit mo tinatanong sa'kin kung paano ko aalisin si Elyse sa buhay ko." Galit nyang tanong kay Niko.

"Hinde! Nag tatanong lang layk, malay mo diba may gusto ka pa sa babaeng yun."

Babaeng yun..

Nadurog ang puso ko sa narinig ko. Wala naman akong karapatan dahil fake girlfriend lang naman ako.

"Niko, wala na akong gusto sakanya, at iw." Narinig ko ang foot steps nya kaya agad ko binuksan ang libro ko kunwari na wala akong narinig.

Hindi nya ako tinanong kung may narinig ba ako, basta tumigil lang sya at nag patuloy sa pag lalakad.

Sino kaya ang babaeng yun. Imposible namang si Natalie? E nandito na sya e. Jusko, mag ooverthink nanaman ako..



Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now