Chapter 22

1.9K 59 5
                                    

LUKE'S POV

Bumili ako ng limang gamit sa antique shop  nila Elyse, ay sampu pala. 100,000 ang bayad sa mga yon, Ewna ko ba kung sampu basta 100k nabayad. Wala naman ako pag gagamitan.

"Pre, nasa ano daw si Patrick," Sabi ni Niko.

"Nasaan?"

"Mag kita nalang daw kayo sa SM," Agad ko pina andar ang sasakyan at agad pumunta sa SM, agad ko naman nahanap si Patrick.

"Patrick." Mahinahon kong tawag sakanya, agad naman syang lumingon sakin.

"Hey,"

"May mga katanungan lang ako," Panimula ko.

"Pre, kain tayo Jollibee ah?" Singit naman ni Niko.

"Ano ka ba naman Niko! 27 ka na." Inirapan nya ako at umupo nalang sa upuan.

"Long time no see, Luke." Ngumisi lang ako sakanya at nilapitan sya.

"Gusto ko lang sayo mag tanong, dahil makikita ko na ang anak ko. Gusto ko na lumayo ka na sa anak ko at tigilan ang pagiging father figure sakanya." Ngisi kong sabi at biglang naiba ang kanyang ekspresyon.

"Ano? Alam mo na?"

"Yes, at yun ang gusto ni Elyse."

"Bakit ko naman lalayuan si Lilith?" Tanong naman nya.

"Gusto ko." Seryoso kong tugon.

"Ayan lang naman pala ang sasabihin mo, una na ako." Aalis na sana sya pero hinarang ko sya.

"Sagutin mo mga tanong ko Patrick, alam kong mag kaybigan padin kayo ni Kuya." Gigil kong sabi.

"Wala akong oras sayo Luke." Hinarangan ko ulit sya sa dadaanan nya.

"May namagitan siguro sainyo ano?" Gigil kong tanong kaya tumigil sya.

"Wala." Simple nyang sagot kaya mas lalo ako nagalit. Pinigilan ko ang sarili ko dahil madaming tao ang makakakita kapag sinapak ko ang lalaking ito.

"Sabihin mo sakin ang lahat, lahat lahat." Kumunot ang noo nya,

"Hindi pwede, ayoko."

Kinwelyohan ko sya. "Sabihin mo!"

"Oona oona!" Inalis ko ang pag kaka kwelyo sakanya, "Galit agad."

Umupo kami sa inuupuan ni Niko.

"Ito na nga."

"Ano?"

"Sinabe ko sa Kuya mo na buntis si Elyse, edi ayun, tinutulungan nya si Elyse na lumayo at palakihin ang bata. Pero walang namagitan samin ni Elyse ah? Best friend lang kami, pero ewan ko lang sa kuya mo at sakanya. Gusto nya gamitin si Elyse at Lilith para makaganti sayo, pero ayun nahulog na sya kay Elyse kaya hindi na nya natuloy ang plano nyang pag ganti sayo.." Paliwanag nya.

"A-ano bang plano ni Kuya." Utal kong tanong.

"Plano nyang itago habang buhay sayo ang anak mo at si Elyse, like." Bumuntong hininga sya. "Gusto nyang mag dusa ka kakahanap sa mag ina mo."

"Ay grabe naman yan. Anyways tara na Jollibee." Singit nanaman ni Niko.

"Gusto ko makausap si kuya bago ang anak ko."

--

Nasa bahay lang si Kuya, alam ko. Babalik nanaman ako ng manila, hays pabalik balik nalang mawawa na kotse ko. Gabi nanaman ako makaka punta at umaga na ako makakabalik sa Rizal.

Pero kating kati na talaga ako maka usap si Kuya, may galit padin kami sa isat isa, ayoko naman madamay ang anak ko dito.

10:00pm na ako naka uwi samin, gising pa silang lahat.

"Luke." Tawga ni mama sakin.

Gusto din makita ni mama at papa ang apo nila, alam nila ang ginagawa kong ito.

"Pa," tawag ko kay papa.

"Nahanap ko na ang apo nyo." Ngiti kong sabi at napa takip si mama ng bibig.

"Oh my gosh? Totoo ba ito iho? Babae ba sya? Lalaki ba?" Excited na tanong ni mama.

Napa ngiti si papa dahil don, pangarap din nya kasi mag ka apo.

"Nako nako, nasaan ang apo ko?"

"Babae sya ma, bukas na tayo pumunta sa Rizal." Naka takip padin si mama ng bibig. Napa ngiti ako dahil halata sakanila ang saya dahil may apo talaga sila.

Tumayo ako, at nakita ko si Kuya sa taas na pinapanood kami, hindi maganda ang ekspresyon ng mukha nya kaya nginisian ko nalang sya.

Napa iling iling sya at umalis. Kaya agad ako tumaas ng para sundan sya. Gusto ko ng matinong usapan. Ayokong masira ang magandang araw kong ito.

"Kuya." Tawag ko sakanya pero dirediretosyo syang pumunta sa balcony.

"Kuya.."

"Go away Luke." Walang emosyon nyang sabi habang naka tingin lang sa labas.

"Can we talk?" Bumaling sya sakin ng tingin.

"Ano pa ba ang gusto mo Luke? Nabawi mo na ang mag ina mo," Ngumisi sya at marahas na tinapon sa lapag ang kanyang baso na hawak.

"Ako parin ang talunan sa dulo." Peke syang tumawa, "Napaka swerte ko talaga ano?"

"Kuya-"

"Mag saya ka na Luke, wag mo na ipamukha sakin na ikaw ang gusto ng lahat." Lalayasan nya sana ako kaso hinawakan ko sya sa balikat.

"Kuya, gusto ko lang mag thankyou sayo." Hindi sya bumaling sa'kin. Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nya.

"For what?"

"Dahil, dahil inalagaan mo ang mag ina ko." Mahinahon kong saad.

"Wag kang mag thankyou, pamangkin ko si Lilith." Aalis pa sana sya pero nag salita ulit ako.

"Pwede bang mag bati na tayo?" Natigil sya sa pag lalakad. "I miss my brother.."

"Seryoso kaba?" Tanong nya.

"Yes, at sorry. Sorry dahil naramdaman mo na ako lagi ang bida, i miss you so much bro. Nung nalaman ko kung bakit galit na galit ka sakin, agad kitang pinatawad noon." Lumapit ako sakanya at hinarap sya.

"Bro, mag bati na tayo." Tinapik tapik ko ang balikat nya pero wala padin syang reaksyon.

Bumaling sya sakin ng tingin.

"I miss you too." Niyakap nya ako. Hindi ko ma paliwanag ang nararamdaman ko, napaka saya ng puso ko.

Una, nalaman ko na may anak talaga kami ni Elyse, at ngayon. Nag ka bati na kami ng kuya ko, napaka swerte ng araw na ito.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now