Chapter 15

1.9K 58 8
                                    

ELYSE'S POV

Nasa may library ako ngayon, sabi ni Niko. Pupunta daw dito mamaya si Luke, baka ito na ang tamang pag kaka taon para sabihin na may anak kami. Ayoko tumigil sa pag aaral, pero may anak naman ako. Kaylangan ko tumigil.

Tahimik akong naka upo dito, nang may babae na tumayo sa harap ko.

Isa sa mga alagad ni Natalie.

"Elyse." Tawag nito sakin, tumingin lang ako sakanila.

"Ano?"

"Punta ka daw sa garden." Mayabang na sabi nito sakin.

"Sino may sabi?"

"Si Luke." Nabuhayan ako ng loob, pinapapunta ako ni Luke sa garden.

Agad ako tumayo. At nilayasan sila, agad akong nag lakad papunta sa garden.

Kung ano ano ang iniisip ko, baka may maganda syang gagawin sakin. At ito na ata ang tamang pag kaka taon na sabihin sakanya na mag kaka anak kami at mag kakaron ng maganda pamilya.

Nandito na ako at nilibot ko ang paningin ko.

Nang hina ang tuhod ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nahulog ko ang hawak kong libro..

Nakikita ko si Luke na kahalikan si Natalie.. akala ko ba nag bago na ang babaeng ito.

Mabilis namuo ang tubig sa mata ko, pero pinigilan ko yun. Nung humarap sakin si Luke, dahilan ng pag tigil ng pag hahalikan nila.

Napatayo sya.

Hindi ko na pinulot ang simpleng libro na binigay sakin ng doctor tungkol sa pag bubuntis, agad na ako tumakbo sa kahihiyan.

"Elyse!" Sigaw ni Luke habang hinahabol ako.

Tumulo ang luha ko habang mabilis na nag lalakad.

Bakit ang bilis ko masaktan, dahil ba sa pag bubuntis ko.

Napagod na ako at binagalan ang pag lalakad, dahil don ay naabutan na nya ako, agad nya kinuha ang mga braso ko ay hinarap nya ako sakanya.

"Ano ba Elyse!" Galit nyang sigaw sakin. Dahil don may lalong bumuhos ang luha ko.

Binitawan nya ang braso ko.

"Ano ba naman yan! Bakit ka nag kakaganyan?"

"Kase-"

"Hindi kita girlfriend! Ilang beses ko ba sasabihin sayo? Kung tignan mo ako kanina parang girlfriend kita? What the hell." Galit nyang reklamo sakin.

"Nakakahiya."

Napayuko ako.

"S-sorry-" Nadurog ang aking boses. "Gusto kasi kita.."

Nawala ang kunot sa noo nya.

"Gusto kita kaya nag kaka g-gnito ako." Pinunasan ko ang luha ko. "P-pasyensya na.."

"A-ano?" Utal nyang tanong na parang nagulat sa mga sinabe ko. Durog na durog na ang aking puso.

"A-aalis nalang ako, puputulin ko na ang trabaho ko sayo." Tama ito, dapat nakinig nalang talaga ako kay Patrick.

"Tsaka ako na mag isa mag papalaki ng--"

"Elyse!" Sigaw ni Patrick na palapit sakin. Dahil don naputol ang sasabihin ko..

"Go, wala akong pake kung umalis ka, dapat matagal ko nang ginawa na alisin ka sa buhay ko." Gigil nyang sabi at nilayasan kami ni Patrick.

Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now