ELYSE'S POV
"Tapos ka na ba mag walis? Ang bagal mo naman, para kang babae." Reklamo ko sakanya kasi kanina ko pa sya hinihintay.
"Malapit na! Ugh! My back hurts." Reklamo nya, sus kasalanan naman nya. Gaga sya.
Hangang natapos na sya at inilagay ang walis ting ting sa may gilid. Bumuntong hininga sya at tamayo sa harap ko. Pawis na pawis ang kanyang ulo at mukha dahil sa pagod sa pag wawalis.
"So?" Tanong nya sa'kin habang pinupunasan ang pawis. "May panyo ka ba?"
Agad ako tumango tango at kinuha ang panyo sa bag. "Thanks." Agad nya kinuha at pinunasan sa mukha nya. Habang ako ay natameme habang pinapanood mag punas ang lalaking ito.
Binato nya sa mukha ko ang panyo kaya natauhan ako, naamoy ko tuloy ang pawis nya. Kinuha nya ang bag nya.
"Tara na." Hindi ako naramdaman ng galit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Agad ako sumunod sakanya papunta sa parking lot, syempre sa backseat ako uupo. Nakaka hiya naman sakanya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong nya nung bubuksan ko na ang pinto sa backseat.
"Papasok? Ay? Hindi ba ako sasabay?" Binitawan ko ang pinto.
"No, dun ka sa passenger seat." Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko. Ano ba! Hindi naman nakaka kilig ang pag papasakay sa passenger seat.
Pag kasabi nya nun ay agad na sya pumasok sa sasakyan, habang ako ay agad agad pumunta sa pinto ng passenger seat para pumasok.
Pag ka upo ko agad ko nakita si Luke na naka tingin sakin kaya mas lalong nag init ang pisngi ko.
"You're blushing." Nanlaki ang mata ko kaya agad ako tumingin sa bintana.
"Ano bang pinag sasabe mo? Baliw kaba?" Maang maangan kong tanong sakanya, kahit alam ko sa sarili ko na pulang pula na ang pisngi ko.
"Ilagay mo sa likod yung bag mo." Utos nya kaya agad ko sinunod, hindi padin ako tumingin sakanya.
Maya maya ay nagulat nalang ako dahil bigla syang lumapit sakin at may kinuhang kung ano sa gilid ko.
"Uy! Ano b-"
Seatbelt lang pala, kaya tinikom ko nalang bibig ko.
"Seatbelt, safe lagi." Pag tapos nya ikabit sa katawan ko, pinitik naman nya ang noo ko
"Ano ba! Huwag mo nga pitikin ang noo ko." Palaban kong sabi at pina andar na nya ang sasakyan nya papunta sa bahay nila.
Ano naman kayang gagawin ko don? Huh, baka don nya ako papagawin ng mga requirements nya. Kainis sya ah?
Hangang sa naka dating na kami sa napaka laki nyang bahay, parang na stuck ako dito. Ayoko na lumabas.
Nauna syang bumaba.
Napa lunok nalang ako dahil napaka laki talaga ng bahay nya. Hindi ko namalayan na kinuha nya ang bag namin.
Binuksan nya ang pinto dito sa passenger seat, napa tulala lang ako dahil nakaka kaba talaga.
"Hey?" Tanong nya kaya natauhan ako, may lumapit naman na kasambahay at kinuha kay Luke ang bag.
"Hindi mo ba alam tangalin yung seatbelt?" Inis nyang tanong, mag sasalita sana ako kaso bigla syang lumapit sakin para tangalin.
Pag tapos nya tangalin ang seatbelt ay pinitik nya ulit ang noo ko.
Hindi na ako nag reklamo at umalis na din sa sasakyan, sya ang nag sara sa sasakyan. Tulala padin ako dahil ang ganda talaga ng bahay nya, puting puti. Sarap tuloy batuhin ng itlog.
"Ayos kalang?" Kinuha nya ang kamay ko at hinila papasok sa gate. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naka kita ng ganitong kalaking bahay, napaka yaman nya talaga.
Hawak nya padin ang kamay ko hangang naka pasok kami sa loob, sa taas ay may isang malaking chandelier at napaka liwanag nito.
"Hello Pa." Sabi ni Luke kaya agad ako napa tingin sa harap namin. Nagulat ako dahil papa ni Luke ito.
"H-hello po."
"Sino ang babaeng ito?" Tanong ng papa nya kay Luke.
"Well, she's my girlfriend." Nawala ang kunot sa mukha ng kanyang ama at napaltan ito ng mga ngiti sa labi.
"Wow, ang ganda ng girlfriend mo iho." Lumapit sya sakin para makipag kamay.
Tinangap ko yun at awkward na ngumiti sa papa nya, ito ang trabaho ko, maging isang fake girlfriend sa lalaking ito.
"Salamat po." Pag papasalamat ko at binitawan nya ang kamay ko.
"Mag dinner muna tayo?" Tanong nya, pero biglang sumingit si Luke samin.
"Nah, may gagawin pa kami sa kwarto ko." Binigyan kami ng papa ni Luke ng weirdong tingin, ang init sa pisngi ko ay napaka init.
Inakbayan ako ni Luke at dinala pataas sa kwarto nya, grabe napaka ganda talaga ng bahay nya puting puti.
Habang naka akbay sya sakin at nag lalakad papunta sa kwarto nya bigla ako nag tanong.
"A-ano gagawin natin?" Kabado kong tanong.
"Mag aaral tayo, pero mas magandang gawin yung nasa utak mo." Mas lalong uminit ang pisngi ko at inalis ang pag kaka akbay nya sa'kin.
"A-ano bang iniisip ko?" Tanong ko at hindi sya matignan sa mata.
Nauna sya mag lakad kaya sumunod nalang ako at hinawakan ang aking pisngi, panigurado akong parang kamatis na ako na nag lalakad dito sa sobrang pula.
Nung naka pasok na kami ay agad nya sinara ang pinto, dahil ayoko nang mapag halataan nya na kung so ano nararamdaman ko. Nag tanong na ako.
"Ano pag aaralan natin?" Ngiti kong tanong. Tunawa sya kaya nawala ang ngiti ko.
"Anong NATIN? Ikaw lang, diba binayaran kita?" Napa nga nga nalang ako dahil don, sinamaan ko lang sya ng tingin at umupo sa may kama nya.
"Nasaan ba?" Tanong ko ulit.
"Nandyan sa computer, upo ka nalang dyan sa may gaming chair ko." Sabi nya at huminga sa kama, agad naman ako tumayo at pumunta sa computer at tinignan ang mga dapat gawin ni Luke na gagawin ko.
Ano pa ba ang aasahan ko.
Habang kinakalikot ang computer bigla nag salita si Luke.
"Anong gusto mong pag kain? Oorder tayo." Nanlaki ang mata ko at kasabay nun ang pag saya ko.
"Kwekwek." Sabi ko nalang at patuloy sa pag kakalikot dito.
"Yun lang? At kwekwek talaga ah?" Inikot ko ang gaming chair paharap sakanya.
"Ano problema sa kwekwek?" Masungit kong tanong.
Umupo sya sa kama. "W-wala, sige mag papa bili ako." Hindi ko na sya pinansin at nag patuloy nalang sa pag kakalikot ng computer na nya.
Basic lang naman pala ito, charutes, mag babasa pa ako para malagyan lahat ng sagot ng requirements ng lalaking ito. Tamad tamad kasi e.
Habang nag tatype ay biglang bumukas ang pinto.
May dala dala si Luke na dalawang balot ng kwekwek at dalawang milkshake. Kaya pala natagalan, kasi sya ang bumili.
Natawa nalang ako dahil sa reaksyon ng kanyang mukha, napa iling iling nalang ako.
YOU ARE READING
Rent a Girlfriend | Completed
RomanceSi Elyse Monroe ay isang ordinaryong istudyante ng isang sikat na paraalan, mahirap lamang ang kanyang pamilya, simula nung namatay ang kanyang ama, don na nag simulang gumuho ang lahat. Pero bigla dumating ang lalaking si Luke Areliano na bulakbol...