Chapter 14

1.7K 56 17
                                    

ELYSE'S POV

Wala si Luke sa bahay nila ngayong gabi, may mahalaga raw pinuntahan kaya pinapunta ako dito ng mama nya.

Nag hintay ako dito sa sala. Kinakabahan ako sa pag uusapan namin ng mama nya. Ano kaya sasabihin nya sakin? Baka alam na nya na buntis ako.

Napatayo ako nung nakita ko syang palapit na dito.

"Good evening po." Ngumiti sya sakin at sinenyasan akong umupo, kaya ginawa ko.

"Good evening din, Elyse." Ngiti nyang sabi sakin, pero kaka iba ang ngiti nya sa'kin. Umayos sya ng upo.

"A-ano po pag uusapan natin?" Tanong ko.

"Tungkol sa relasyon nyo ni Luke." Napa lunok ako. "Gusto kong hiwalayan mo na sya at huwag na mag pakita sakanya kahit kaylangan. Ipapadala nalang kita sa ibang school, pag aaralin kita." Bumaksak ang aking balikat sa narinig ko, nadurog ang puso ko.

Talagang ayaw sakin ng mama nya.

Hindi ako maka sagot.

"Alam mo, maganda ka naman. Kaso hindi ka namin kasing taas." Mayabang nyang sabi, napa titig lang ako sa kawalan. Magugustuhan nya ako, kung mayaman ako..

"P-pero-"

"C'mon, bibigyan kita ng 500k." Pag putol nya sa sasabihin ko. "Halata naman na pera lang ang habol mo sa anak ko, walang paraan para magustuhan nya ang katulad mo." Nakuyom ko ang aking kamay sa mga naririnig ko.

"Hindi ko po tatangapin ang pera." Seryoso kong sabi, ang kaninang masakit na nararamdaman ko, bigla napaltan ng galit.

"Ano? Nakokontian ka pa din ba sa 500k? 1 million? Napaka laking halaga na ang pera na yan sa katulad nyo." Huminga ako ng malalim.

"M-mahal ko po ang anak nyo, hindi ko po kaylangan ng pera na yan. Hindi po ako ang babae na iniisip nyo." Natawa sya sinabe ko kaya mas nangingibabaw ang galit sakin.

"2 million? Layuan mo ang .anak ko." Tumayo ako.

"Aalis na po ako." Nilayasan ko sya, nung lumabas na ako ng pinto, saka lang bumuhos ang luha ko.

Bakit ganon ang tingin nya sa'kin? Hindi naman ganon. Oo binibigyan ako ni Luke ng 10k kada bwan, pero ayos lang sakin kung huwag na nya ako bayaran. Pag mamahal nalang yung ibigay nya sa'kin ayos na yun.

Nag lakad ako pa alis sa bahay nila.

Puro pang huhusga ang ginagawa nya sakin, hindi naman ako mukhang pokpok, baka ganon lang ang tingin nya sa lahat ng babae na mahirap. Kaylangan ng pera, gagawin lahat para mag ka pera.

Hindi ako ganon..

Umupo nalang ako dito sa may upuan, malapit sa gate. Napagod na ako sa pag lalakad. 8:30 na ng gabi. Mamaya nalang ako uuwi, nakaka pagod na. Kasabay pa ng sinabe sakin ni mama ni Luke. Napaka sakit

Umaabon, pero hindi padin ako tumayo sa kinauupuan ko, wala akong dalang payong.

Kung mahal din ako ni Luke, sasabihin ko na sakanya ang dinadala kong bata, sasabihin ko na sakanya na may anak kami.

Napaka lakas na ng ulan, at napaka lamig, pero naka upo padin ako dito. Tulala lang ako. Lutang ako, napaka sakit kasi. Umaasa ako na gusto din ako ni Luke. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga. Umaasa lang ako sa wala.

Ang gusto nya lang sakin ay katalinuhan ko, yun lang at wala nang iba.

Biglang may tao na tumayo sa harap ko kaya tumingala ako para makita kung sino yun.

Ang labo ng aking mata,

"Luke?" Tanong ko.

Hindi nya ata ako narinig.

Tinayo nya ako.

"Luke?" Malabo padin ang aking paningin, niyakap ko sya. "Luke, mahal kita. Nag ka gusto na ako sayo ng hindi ko sinasadya. L-luke," Humarap ako sakanya at pinunasan ang mata ko para luminaw.

Si Patrick.

"Elyse, pasok na." Inilagay nya ang kanyang kamay sa ulo ko.

Binuksan nya ang pinto ng passenger seat para sakin, sinara nya yun at agad tumakbo papunta sa driver's seat.

Tulala lang ako, hindi ako nahihiya sa ginawa ko kanina. Umasa kasi ako na si Luke yun. Si Patrick pala.

"Ano bang ginagawa mo Elyse? Nag papa ulan ka, baka mag ka sakit ka pa nyan, baka makasama sa baby mo at sa kalusugan mo." Sermon nya sa'kin at kinuha ang seatbelt sa gilid ko at kinabit sakin.

Tumulo nanaman ang luha ko.

Ang anak ko, paano ko sasabihin kay Luke na may anak kami.

"E-elyse, alam ko na gusto mo talaga si Luke, wag nalang natin sabihin kay Luke na may anak kayo? Tutulungan kitang palakihin ang bata, tutulungan ka namin ni Ia-" Humarap ako sakanya at pinutol ang sasabihin nya.

"B-bakit hindi ko sasabihin?" Nadurog ang boses ko. "Alam mo ba na hindi nya matatangap ang bata na nasakin?"

"H-hindi sa ganon pero-"

"Umuwi na tayo Patrick, salamat sa pag kuha sakin dito." Inalis ko ang tingin sakanya, bumaling nalang ako sa bintana.

Alam ko kung paano nya ako natagpuan dito, baka sinabe ni Alyisha, dahil sinabe ko kay Alyisha na pumunta ako dito.

Pina andar nya ang sasakyan at hindi na nag salita pa.

Maganda bang huwag nalang sabihin kay Luke na may anak kami, kahapon lang gusto nyang sabihin ko kay Luke ang pag bubuntis ko.

Baka katulad din si Luke ng mama nya.

Ang papa lang talaga ni Luke ang mabait, panigurado tangap na tangap ako nun pero ang mama lang talaga nya ang problema.

"Hindi naman ako gold digger." Iyak kong sabi.

"Ha? Sino nag sabi sayo nyan?" Bumuhos nanamn ang luha ko.

"M-mama ni Luke." Narinig ko ang pag buntong hininga ni Patrick.

"I'm sorry, ako na ang humihingi ng sorry dahil don, okay lang yan Elyse. Kalimutan mo na si Luke, at mag simula ulit." Paalala nya sa'kin pero kumunot ang noo ko.

"Gusto mo din ba akong lumayo kay Luke?"

"H-hindi sa ganon, pero patuloy kalang masasaktan kapag nanatili ka kay Luke, tignan mo pag trato sayo ng mama nya." Paliwanag nya sa'kin, nawala ang kunot ng noo ko.

Oonga, pero, masakit padin na layuan si Luke, mahal ko yun lalo na na mag kaka anak kami, ano ba naman ito. Umaasa lang ako na mahal nya ako e. Dapat ko na talaga layuan ang lalaking yun.


Rent a Girlfriend | Completed Where stories live. Discover now