FREIDA
"Wala pa rin daw ang uniform. Next week na ang intramurals pero hindi pa rin nabibigay 'yon sa atin samantalang sa ibang department hawak na nila." pahayag ni Yuna na kakalapit lang sa bench na kinauupuan ko.
Last day na practice na namin ngayon sa squad at tama s'ya wala pa rin ang uniform na gagamitin namin samantalang maaga naman kami nasukatan last week nung baklang designer.
"Paano kung hindi pala sa atin kasya o kaya naman sobrang luwag ng uniform? Kaya ba nila 'yon ma-adjust on the spot? Naku! Dapat ni-recommend ko na lang na mananahi si ate PJ." dismayang pahayag pa n'ya bago maupo sa tabi ko.
Hinihintay na lang namin ang iba pang member na dumating. Maaga kaming nakarating ni Yuna sa gym kaya kami itong kailangang maghintay.
"Tapos muna ba mga projects mo?"
"Patapos na. May natitira na lang akong isa para sa isa kong major subject." sagot ko.
"Okay." tipid n'yang usal.
Nakakapagtaka ang ikinikilos ni Yuna. Simula nang mapilit ko s'yang sumali sa cheering competition ay puro reklamo s'ya sa akin dahil imbis na raw nilalandi n'ya ngayon si Amari at napupunta na ang oras n'ya sa pagpa-practice.
"Ayos ka lang ba?" puno nang pagtatakang tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo n'ya.
"Oo naman? Bakit naman hindi?"
"Nag-away ba kayo ni Amari?" tanong ko dahilan para mabilis s'yang mapaiwas ng tingin sa akin. Maya-maya pa at narinig ko na ang mahihina n'yang pagsinghot. Umiiyak na ang gaga.
"Ano ba kasing nangyari?" Inakbayan ko s'ya saka ko tinapik nang mahina ang balikat n'ya.
"M-May...m-may boyfriend na s'ya Freida! Huhuhu!" hagulgol ni Yuna. "Tarantado s'ya! Ang landi-landi n'ya!"
"Okay lang 'yan. Pwede mo naman agawin si Amari 'e. Diba nga pokpok ka?"
Hindi ko alam kung tama ba ang mga lumalabas sa bibig ko para pagaanin ang pakiramdam n'ya pero gusto ko lang sabihin sa kanyang talaga namang pokpok s'ya. Halos gawin n'ya na ang lahat para maakit si Amari kaya bakit hindi n'ya na lang sagad-sagarin ngayon? Napansin ko namang effective ang ginagawa n'ya kaya malaki ang posibilidad na gumana ang plano n'ya kapag lumevel up s'ya.
"Huhuhu! Ang sakit ng puso ko Freida! Sa ngayon ay nawalan na ako ng ganang ipaglaban s'ya. Bahala s'ya sa buhay n'ya."
"Tama! Sa ngayon ay iwasan mo muna s'ya. Magpa-miss ka, malay mo hanap-hanapin ka n'ya tapos oneday ma-realize n'yang may nararamdaman pala s'ya sa'yo."
"Will it work?"
"I-try mo nga muna."
"O-Okay. Kapag hindi gumana after one week or two...I need to gave him up. Ayoko namang sirain ang relasyon nila dahil sa pagiging makasarili ko."
"F*ck! I'm so proud of you." aniko dahilan para matawa s'ya at mapayakap sa akin.
Botong-boto ako kay Amari para kay Yuna pero kung hindi n'ya kayang suklian ang pagmamahal sa kanya ng kaibigan ko sana ay hindi na n'ya ito pinaasa.
"Kanina pa ba kayo?" tanong ni Grey nakakarating lang kasama ang tatlo n'yang barkada. Hindi katulad ng grupo ni Milo na iniluwa ng impyerno ay mas mabait at gentleman naman ang grupo ni Grey.
"Hindi naman." tipid kong sagot sa kanya.
Kahit hindi sabihin ni Grey na may gusto s'ya sa akin ay halata naman 'yon sa mga ikinikilos n'ya. Lumapit s'ya sa akin dala ang isang paper bag ng Starbucks at iniabot 'yon sa akin.
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...