15 - Bleed and Bruise

6.1K 207 5
                                    

"Sure ka bang ayos ka lang?" tanong ko kay Yuna. Isinara n'ya ang zipper ng suot n'yang jacket saka tipid na ngumiti sa akin.

May sugat s'ya sa noo dahil sa ginawang pag-untog sa kanya ni Dakota sa sink. Ang tarantadong 'yon! Nagpapanggap lang palang bading para makapag-manyak.

"Nahihilo lang ako nang kaunti pero kaya naman. 'E ikaw? Hindi na ba masakit ang tiyan mo?" tanong n'ya.

"Masakit pa pero matitiis ko naman." sagot ko habang hinihimas ang tiyan kong sinipa ni Dakota.

"Then let's do this. Matagal nating pinaghandaan ang competition na ito kaya 'wag nating sayang ang chance na manalo." desididong pahayag ni Yuna.

Tumango ako bilang sagot kay Yuna. Nagsuot na lang ako ng black leggings para safe ako mamaya sa mga routines na gagawin ko. Samantalang nagsuot na lang si Yuna ng varsity jacket para matakpan ang dibdib n'ya.

Halos isa't kalahating oras din kaming nakapagpahinga matapos ang naging insidente. Nasa kulungan na si Dakota and for sure mas tatagal pa s'ya sa rehas kapag nalaman ng mga magulang ni Yuna ang nangyari.

"Tara na." saad ko.

Tumakas kami sa nurse na nakabantay sa amin sa clinic saka tinungo ang gymnasium. Lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari dahil kakaunti na lang ang mga estudyanting nasa main campus kanina. Halos lahat kasi ay naghahanda na sa school ground ng mga booth nila at iba pang activity para sa first day ng intramurals.

Pagpasok namin ng gym ay makikita ang mga nagkukumpulang mga estudyante na halata ang matinding excitement sa mga mukha. Malakas din ang tugtugan sa loob na mas lalong nagpaingay sa buong lugar. Sa kabila ng mga nangyari kanina ay kaagad 'yong nawakli sa isip namin ni Yuna nang makita ang naguumapaw na kasiyahan sa loob. Napahawak si Yuna sa braso ko saka nanggigigil na niyugyog 'yon.

"Excited na akong manalo." pahayag n'ya na ikinatawa ko na lang.

"Hanapin na natin sila."

Nakipag-patentero muna kami sa mga nagkalat na mga estudyante bago tuluyang makita sa isang sulok ang grupo namin na naghahanda. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Grey at sa iba pa naming ka-member nang makita kami ni Yuna. Mukhang hindi nila inaasahan ang pagdating naming dalawa dahil nga sa nangyari kanina.

"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ni Grey.

"Walang makakapigil sa amin!" sigaw ni Yuna na ikinatawa naming lahat.

"Ang cool mo talaga Yuna!"

"Hahaha! That's the spirit."

"Let's win this." Hiyawan ang lahat ng mga ka-teammates namin dahil sa sinabi ko. Confident ang lahat na manalo at kunin ng tropeyo na sa tingin namin ay para sa aming lahat.

May mga opening remarks and ceremony pang naganap bago tuluyang makarating sa main event. Ang Cheerleading Competition. Maririning ang sigaw ng mga estudyante kasabay nang kani-kanilang pagtambol ng mga mesa, railing o mga bagay na nahahawakan nila para suportahan ang kanilang team.

Pangatlo kami sa magpi-perform kaya may oras pa kaming magipon ng lakas ni Yuna.

Hinanap ng mga mata ko sina Jenno pero sa dami ng mga tao sa loob ng gym ay hindi ko magawang makita si bakla. Iniisip ko tuloy kung manunood ba s'ya o baka busy s'yang manlalaki. Sa gan'tong event kasi ay maluwag ang lahat na maglabas-pasok kung kelan nila gusto. Mabilis dayain ang attendance kaya walang takot ang mga estudyante.

"Wala si Amari." nakasimangot na bulong ni Yuna.

"Tss. Ayan ka na naman sa Amari mo. Don't tell me magba-back out ka na kaagad sa plano mong pag-iwas sa kanya."

"Hindi naman. Gusto ko lang ma-inspired na sumayaw." nakangusong sagot n'ya bago ihilig ang ulo n'ya sa balikat ko.

"Gusto mo lang s'yang akitin." pagtatama ko na ikinahagikgik n'ya. "Gaga! Dumudugo ang sugat mo." saad ko ng makita ang pamumula ng dressing bandage sa noo n'ya.

Mabilis n'yang kinuha sa bulsa ng jacket ang maliit n'yang salamin at tiningnan ang sugat n'ya.

"Sus. Okay lang 'yan." kampante n'yang saad. "Paki palitan na lang." Mula sa bulsa ay may kinuha s'yang dressing bandage at iniabot sa akin.

"Hala. Sure ka bang okay lang na sumayaw ka sa sugat na 'yan?" tanong ng isa naming ka-teammate ng makita ang ginagawa ko.

"Heto oh, tissue." Abot sa akin ng isa pa naming ka-team.

Pinunasan ko muna ang namumuong dugo bago ilagay ang panibagong bandage sa noo ni Yuna.

"Ano ba kayo. Hindi ako mamamatay dahil lang dito sa sugat ko." pabirong pahayag n'ya.

Nang masiguradong maayos na ang pagkakalagay ko ng bandage ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa pangalawang grupo na magpi-perform. Hindi ko mapigilang kabahan ngayong kami na ang susunod sa kanila. Napahawak ako sa bandang tiyan ko saka ito diniinan pero napangiwi ako nang maramdaman ang pananakit nito. 5 minutes ang range ng sayaw namin at hindi ko alam kung matatapos ko 'yon nang maayos dahil sa kondisyon ko.

"Matalo, manalo, maganda pa rin tayo." pakantang bulong ni Yuna sa akin dahilan para matawa na lang ako. Langyang babaing 'to! Nage-emote pa ko 'e. "Kapag naramdaman mong hindi mo na kaya ay walk-out ka na lang sa tabi. Hindi naman 'yon mapapansin kasi parang part na rin 'yon ng ilang routine natin." dugtong ni Yuna.

"Guys, tayo na." tawag sa amin ni Grey.

This is it.

Huminga ako nang malalim bago bumuga ng hangin. Sinubukan kong pakalmahin ang kabang nararamdaman ko at mukhang gumana naman 'yon.

Matinding excitement at saya ang bumuhay sa dugo ko dahil sa malakas na sigaw nang mga sumusuporta sa amin lalo na nang gawin namin ni Yuna killing part ng sayaw. Sigawan at hiyawan ang bumalot sa buong lugar nang maperpekto naming dalawa ang routine na 'yon. Tapos na kami sa kalahati ng sayaw at ramdam ko na rin ang pamumuo ng pasa sa tiyan ko. Abnormal ang malamig na pawis na lumalabas sa katawan ko dahil sa pananakit ng katawan ko.

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pag-alis ni Yuna. Hindi ko mapigilang mag-aalala para sa kanya dahil sa muling pamumula ng bandage n'ya sa noo.

"Freida, pwede ka nang mag-exit kung hindi mo na talaga kaya. Kami na ang bahala sa half part ng sayaw." bulong ni Grey kaya tumango na lang ako bago maayos na naglakad papalayo sa kanila.

"Yuna!" tawag ko sa kanya. "Ayos ka lang ba?"

"Oo. Nahilo lang ako bigla."

"Tara, bumalik na tayo sa clinic." Inalalayan ko s'ya sa paglalakad dahil sa pasuray-suray n'yang galaw. Namumukha tuloy s'yang lasing.

"Ikaw, kamusta ang tiyan mo?"

"Masakit." tipid kong sagot.

"We nailed it! Sana ay manalo tayo dahil kung hindi ay magwewelga ako."

"May lakas nang loob ka pang mag-welga 'e hindi mo nga natapos 'yong sayaw kanina." singhal ko sa kanya.

"Hahaha. Pucha. Lagi mo na lang akong binabara." kunwari'y nagtatampo ang boses na pahayag n'ya.

Nang makarating kami sa clinic ay sermon kaagad mula sa matandang nurse ang inabot namin. Kabado pa kami ni Yuna dahil baka matege sa harap namin ang matanda dahil sa paglabas ng ugat n'ya sa sintido. Para kasing mapuputol 'yon sa sobrang galit n'ya sa amin.

"Paano kung may nangyaring masama sa inyo? Edi ako pa 'tong nawalan ng trabaho?" asik n'ya habang ginagamot ang noo ni Yuna. Bumuka kasi ang hiwa n'ya sa noo kaya ayon, wala pa ring tigil sa pagdugo.

"Patingin ng tiyan mo!" galit na utos ng nurse kaya mabilis kong iniangat ang suot kong damit. "Ayan! Tingnan mo 'yan!"

Nang ibaba ko ang tingin ko sa makinis kong tiyan ay nakita ko ang malaki kong pasa. Napaka-colorful din nito. May violet, red yellow and brown.

"S-Sorry po." usal ko na lang.

"Dadalhin ko na kayo sa hospital. Kailangang matahi ang sugat mo dahil kung hindi ay pepeklat 'yan kapag gumaling. Ikaw, kailangang ma-check 'yang mga lamang loob mo." baling sa akin ng nurse kaya napatango na lang ako.

Kaya ayokong napapadpad sa clinic dahil sa matandang dalagang nurse na 'to. Ang sungit-sungit at ang higpit.

"Dito muna kayo. Huwag kayong lalabas, iiharam lang ako ng available na sasakyan kina father." maawtoridad na utos ng nurse kaya napatango na lang kami pareho ni Yuna.

"Pinaalam mo na ba sa parents mo ang nangyari?" tanong ko.

"Not yet. Should I tell them? Ayoko silang mag-alala."

"Ga-" Naputol sa ere ang sanang sasabihin ko ng biglang bumalya pabukas ang pinto ng clinic. Akala ko ay lilipad 'yon sa sobrang lakas ng pagbagsak sa pader. Kinabahan ako ng 5 seconds 'don.

Iniluwa nun si Amari na galit na galit habang nakatitig kay Yuna. Nagmartsa s'ya papalapit kay Yuna saka n'ya hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Gusto kong matawa dahil sa itsura ng kaibigan ko na nakanguso na at halatang naiiyak sa pagdating ng bading n'yang mahal.

"What happened? Hindi ka naman bumagsak kanina kaya bakit nagkasugat ka?" tanong ni Amari. Imbes na sagutin n'ya ang tanong ni bakla ay bigla na lang ngumawa ng parang bata si Yuna at yinakap ang bewang ni Amari.

Umiwas ako ng tingin sa kanila pero kasunod nun ay ang pagtatama ng mga mata namin ni Jenno. Parang nag-slow motion ang ginagawa n'yang paglalakad papunta sa direksyon ko. Narinig ko ang tunog ng paglunok ko nang laway habang pinagmamasdan ang gwapo n'yang mukha.

Jusko! Anong nangyayari sa akin? Bakit ang gwapo-gwapo ng baklang 'to sa paningin ko?

"Anong nangyari?" untag na tanong sa akin ni Jenno nang tuluyan s'yang makalapit.

"Huh?" usal ko na nagpakunot ng noo n'ya.

"H-He forced me take off my clothes pero nanlaban ako but he grabbed my hair and kissed me. P-Pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya kaya hindi ko sinasadyang makalmot s'ya sa mukha. H-He was so angry kaya iniuntog n'ya ako sa sink. I lost conscious and the next thing I knew, nandito na ako sa clinic." umiiyak na kwento ni Yuna.

Akala ko ay titigil na s'ya sa pagkukwento pero nagkamali ako. Gusto kong takpan ang bibig n'ya pero huli na dahil sinabi n'ya na ang lahat pati ang mga nangyari sa pagitan namin ni Dakota kanina.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon