JENNO
"Explain to me what happening. Hindi lang tungkol sa studies mo kundi sa nagiging behavior mo." pahayag ni Mrs. Delaney, dean ng Psychology Dept. "Hindi malayong maging summa cum laude ka pero ngayon ay lumalabo na ang opportunity na makuha mo ang title na 'yon this coming graduation. Ikaw ang pinakamatalino kung estudyante pero sa nakikita ko ngayon ay nagiging irresponsable ka na. Nalaman kong dalawang araw kang absent. Hindi lang 'yon ano 'tong naririnig ko na may binubully ka raw?"
"I'm sorry Mrs. Delaney, babawi po ako this coming finals and next semester."
Grumaduate akong Valedictorian noong high school at ngayong college ay target kong maging summa cum laude. Para sa akin ay malaking achievement 'yon na matagal ko ng pinaghahandaan at ngayong malapit na ako ay hindi ko hahayaang mauwi lang lahat ng pinaghirapan ko sa wala.
"It's not all about the academic Mr. Salazar. Kasama rin sa tinitingnan ang ugali mo sa loob ng eskwelahang 'to. Sa mga naririnig naming mga report ngayon ay mukhang hindi ganun kaganda ang pangalan mo. Hindi lang ito tungkol sa nangyaring away sa cr at cafeteria kundi pati na rin ang ginawa mong pangbu-bully kay Ms. Laroya."
She's pertaining to Freida.
Is this my karma?
Dahil sa ginawa ko noong pangbu-bully kay Freida ay unti-unti na ring lumalabas ang mga iyon ngayon. Hindi ko alam kung sinong Hudas ang nagsumbong sa akin pero sigurado akong isa s'ya sa may ayaw sa akin. Obviously.
Plano ko pa sanang hintayin si Freida pero nagpasya akong umuwi na lang ng bahay. Wala na akong pasok kaya naman naisip ko na lang na mag-review kahit hindi naman kailangan dahil brainy na ako. Gusto ko lang talaga may pagka-busy-han para ma-divert ang alalahanin ko. Tsaka para na rin ma-make sure na sasagad ng 1.0 ang grade ko sa lahat ng subject.
'Where are you?' - text ni Freida.
"Home."
Do you want me to go there?'
"I need to review. Bukas pupuntahan kita sa inyo. Sorry pechay. I love you." - I replied. Walang kasalanan si Freida sa kung ano man ang issue ko sa sarili ko at sa school pero bakit may part sa akin na sinisisi ko s'ya? This is wrong. Mahal ko si Freida at ayokong dumating sa point na masaktan ko s'ya.
'I love you too.'
Napangiti ako nang mabasa 'yon.
"I love you more." bulong ko sa sarili ko bago patayin ang cellphone ko at mag-focus sa pag-aaral ko.
ALAS-DOSE na nang tanghali nang magising ako. Madaling araw na nang matapos ako sa pagre-review kaya tinanghali na ako nang gising.
'Good morning. I love you, Jenno.'
'Nga pala, ngayon ako lilipat sa apartment. I'm with Uno, s'ya ang tutulong sa akin sa paghahakot. You seems busy kasi.'
'Wag kang magselos. Si Yuna talaga ang dapat na kasama ko pero may urgent s'ya na lakad. Ayaw naman kitang maistorbo kaya pumayag na akong magpasama sa kanya. Mahal kita Jellyfish, remember that! 'Wag nang magselos. I love you.'
I couldn't help but to smile. Hulog na hulog na nga talaga ako sa merlat na 'to. Gustuhin ko man na puntahan s'ya ay nagpasya akong mag-focus na lang muna sa studies ko. Katulad nang kung paano n'ya ipagkatiwala sa akin ang v-card n'ya ay ganun din ang gagawin ko. I will trust her. Tiwala naman ako na ako lang ang mahal n'ya kahit sino pang lalaki ang humabol sa kanya. She already proved it to me.
Babawi ako sa kanya kapag tapos na ang finals. Walang araw na hindi kami magkasama kapag nag-sembreak na. Napangiti na lang ako sa naiisip ko.
Parang timang!
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...