JENNO
"W-What the hell are you doing here?" kunot-noong tanong ko kay poka ng makita s'ya sa labas ng bahay ko na may bitbit na mga maleta at bag.
"I'm staying here. Hindi ba sinabi ni Jonah sa'yo?" walang emosyon na balik n'yang tanong sa akin. Mas lalong nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi n'ya. My shopatembang didn't tell me anything.
This week is full of surprises. Imbes na matuwa ako ay bwisit na bwisit ako. Nalaman kong close na si poka sa family ko at na-hired pa s'ya as my personal nurse-slash-alalay and now she will be staying her with me?
Ano pang surprise ang susunod?
"No way! Hindi pwede! Pumayag na akong maging alalay ka pero hindi ako makakapayag na maging housemate mo. Eww! Hindi ako makakatagal na makasama sa isang bahay ang maduming tulad mo." protesta ko.
Nakita ko ang paglumbay ng mga mata ni merlat. Napatikhim ako at napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko! Don't be guilty Jenno. If I know ay tuwang-tuwa s'ya sa nangyari sa akin dahil sa mga ginawa ko sa kanya before my accident.
Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at kaagad na dinial ang traydor kong kapatid. She betrayed me! Alam n'ya kung gaano ako kaasiwa sa babaing 'to tapos masho-shock na lang akong titira s'ya rito kasama ko? Are you kidding me?!
"Kuya,"
"Jonah! Wala kang sinabi sa akin natitira 'tong alalay kong higad dito sa bahay!"
"Oww. I forgot. Let her stay there. Pumayag din si mama, hindi mo naman 'yan bahay 'e."
"Kainis kayo! Wala man lang heads-up!"
"Sorry. Alam ko kasing gan'yan ang magiging reaksyon mo! Anyway, I love you. Babye na!"
Napapapadyak ako sa inis nang babaan ako ng tawag ni Jonah. Kagigil!
Mabilis kong nilingon si poka na nasa labas pa rin ng bahay at naghihintay. I glared at her but she just smirked at me.
"Pwede na ba akong pumasok?"
Imbes na sagutin ang tanong n'ya ay tinalikuran ko lang s'ya saka nag-martsa papuntang sala. Ibinagsak ko ang katawan ko sa sofa at binuksan ang tv.
"Nasa kwarto lang ako ni Jonah, mag-aayos ng gamit. Tawagin mo ako kung may kailangan ka." pahayag ni poka pero hindi ko s'ya pinansin. Snob lang ako.
Sa dami nang pweding maging personal nurse-slash-alalay ay bakit ang moral enemy ko pa?
I hate her.
I was in a coma for almost 6 months. I have no memory of the accident at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga nangyari. I lost my memories of the past 3 months. Nagkwento naman sa akin sina Amari at Beatrice pero feeling ko ay may kulang. Something is missing. Hindi ko sure kung ano pero pakiramdam ko ay 'yon ang pinakaimportanting happenings sa buhay ko sa loob ng tatlong buwan.
Kapag pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari ay sumasakit ang ulo ko. Hindi 'yon normal na headache lang. As in sobrang sakit to the piont na parang mahahati sa dalawa ang utak ko kaya ngayon ay iniiwasan kong ma-stress at mag-isip ng mga kung ano-ano na magti-trigger sa sakit ko.
Hinimas ko ang kaliwa kong balikat nang maramdaman ang kakulangan nito. I lost my left arm because of the accident . I still cry whenever I see myself in the mirror but I'm still thankful that I'm alive.
***
"Mabuti naman at gising ka na." Mabilis akong napabalikwas nang mapagtantong nakapaunan ako sa hita nang babaing malabo pa ang imahe sa akin. Kinusot-kusot ko ang mata ko at muling ibinalik ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...