17 - Rawrrr

6.4K 192 34
                                    

JENNO

"Dalawa!"

Napamura ako sa isip ko nang marinig ang biglang paglalim ng boses ko. Leche! My beautiful sexy voice bakit naging pang maton?

"Oh!" inis na usal pechay saka iniangat ang jacket n'ya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang very colorful n'yang pasa. Para s'yang lumunok ng rainbow dahil sa itsura nito. Akmang ibaba n'ya na sana ang damit n'ya ng pigilan ko s'ya.

"Wait lang naman!" reklamo ko bago idampi ang kamay ko sa tiyan n'ya at masuyo 'yong haplusin. Napaatras si Pechay palayo sa akin saka ako mabilis na tinalikuran. "Nasaktan ba kita kanina? I'm sorry. Hindi ko naman alam na gan'yan pala ang kinalabasan ng pagsipa sa'yo ng puchangamang baklang 'yon."

"Bukod sa namamaga ang ilang internal organs ko ay ayos lang naman ang pakiramdamn ko." biro n'yang sagot sa akin.

"Bruhilda ka! Pumayag ka pa sa alok ng shopatembang ko na mag-bar nang gan'yan ang lagay mo! Nasaan utak mo teh?"

"Nasa bungo ko. Duh!" sarkastiko n'yang sagot sa akin. Naku! Kung hindi lang s'ya may pasa sa tiyan baka I pinned her to the wall and kissed her torri- Wait what?! No no no. I mean baka sinabunutan ko na s'ya at pinaguuntog sa wall. Yurn!

Pareho kaming napalingon ni Freida nang pumasok ang dalawang merlat sa banyo. Nagulat pa sila ng makita ako pero nang makita nilang tumaas ang kilay ko at pumilantik ang mga daliri ko nawala rin sa mukha nila ang pagdududa.

"Umuwi ka na nga chaka! Lalandi ka pa talaga. Kutusan kaya kita!"

"Aba desisyon ka? See you sa bar." saad n'ya bago ako lampasan at lumabas ng banyo.

"Stop eye-raping me!" pagtataray ko sa dalawang babae. Imbis na mainis sila a akin ay humagikgik lang sila.

"Ang gwapo n'yo pong bakla."

"Pwede po pa-picture?"

"Che!" usal ko bago lumabas ng banyo at rumampa sa labas. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin si pechay pero naglaho na naman s'ya.

***

"Kuya nasaan na si ate Freida?" tanong ni Jonah na kakarating lang kasama si ate mong Beatrice.

Saan naman kaya gumala ang dalawang 'to? Maghapon ko silang hinanap sa school pero hindi ko sila matagpuan kaya ayon solo flight ang lola n'ya. Mga lintik 'to.

"Hindi na ata 'yon sasa-"

"Ate!" tawag ni Jonah kay Freida kaya napamura na lang akong ng crispy sa utak ko. Ang tigas din talaga ng skull ng pokpok na 'to. Nagawa pa talagang magpakita para lumandi. Kating-kati na ba ang bilatchi n'ya na matira.

"Tara na. Nasa loob na ata sila." excited na pahayag ni Beatrice.

Pumasok kami sa loob at sinundan ang baklang excited sa nota. Nakita ko ang oh-so-hot na mga taga-engineering department kaya naman bigla akong pinagpawisan at kinilig. Excited na akong ma-jowa ang isa sa kanila. Ehe!

"Hi guys!" bati ni Jonah sa kanila kaya naman lumawak ang ngiti ng mga lalaki na akala mo'y nakakita ng perlas sa silanganan. Ane dew?

"Mabuti ay nakarating kayo."

"Of course naman fafa Rowel." malanding sagot ni Beatrice.

Naupo si Beatrice katabi ni Rowel samantalang magkakatabi naman kaming tatlo nina Jonah at poka. Napapagitnaan namin ni Freida ang kapatid ko at ako ang nasa dulo ng pakurbang upuan. Gets?

Anyway, napansin ko ang malagkit na tingin sa akin ng isang taga-engineering kaya naman kinindatan ko s'ya na ikinatawa n'ya. Hala! Type n'ya ata ako. Bwahaha! Ang ganda ko talaga.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon