"Bye Freida." paalam ni Yuna na s'yang naghatid sa akin sa bahay. Si Jenno sana ang maghahatid sa akin kaya lang ay ipinatawag s'ya ng board para i-host ang gaganaping pageant mamaya.
"Thanks." saad ko bago tuluyang bumaba sa kotse n'ya.
Ilang segudo ko munang tinitigan ang luma naming bahay sa labas ng gate bago lakas-loob itong pasukin. Hindi na pamilyar sa akin ang ambiance nito. Kung dati ay mapanglaw lang ang nararamdaman ko sa tuwing umuuwi ako rito ngayon ay kasama na nito ang takot at dilim sa buong bahay.
Nagtaka ako nang makitang nakaawang ang pinto. Dahan-dahan ko 'yong itinulak para bigyan daan ako papasok pero laking gulat ko nang makita ang magulong loob nito. Maraming nagkalat na basag na mga plato at baso, isama na rin ang mga sira-sirang mga gamit namin sa bahay.
"M-ma!" sigaw ko. Tumakbo ako papaakyat sa kwarto n'ya pero wala s'ya roon. Hinanap ko s'ya sa bawat sulok ng bahay pero hindi ko s'ya makita. Mamayang alas-otso pa ang pasok n'ya kaya dapat ay nandito s'ya sa bahay at naghahanda sa trabaho.
Tumakbo ako palabas ng bahay ay tinanong ang kapitbahay naming si aling Bebang. S'ya ang no.1 chismosa sa block namin kaya baka alam n'ya ang nangyari.
"Freida Kate," tawag n'ya sa akin ng makita n'ya ako. Hinawakan n'ya ang magkabila kong braso at halata sa mukha n'ya ang matinding pag-aalala.
"Ang mama mo nasa pulisya."
"B-Bakit po?"
"Binugbog ng jowa n'ya kaya ayon ni-report namin sa pulis. Nandoon sila ng jowa n'ya ngayon."
Mabilis akong tumakbo papunta sa police station para puntahan si mama. Malapit lang 'yon sa block namin kaya naman wala pang sampung minuto at nandoon na ako at hinihingal. Hinanap ng mga mata ko si mama at nakitang yakap-yakap s'ya ngayon ni Darius sa bewang habang nakabaon ang mukha nito sa tiyan na. Umiiyak ang lalaki dahil sa pagtass-baba ng balikat nito habang nakakapit sa mama ko.
Napuno ng nang galit ang sitema ko kaya naman malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kinaroroonan nila. Marahas kong tinanggal an braso n'ya sa bewang ni mama bago s'ya sikuhin sa mukha.
"Freida!" suway ni mama kaya masama ko s'yang tiningnan. May blackeye s'ya sa mukha at namamagang pisngi dahil siguro sa pagsuntok sa kanya ni Darius.
"Magfi-file ako ng kaso sa hayop na 'yan ma! Hindi na ulit s'ya makakalapit sa atin!" sigaw ko.
"H-Hindi a-anak. Bati na kami ng papa Darius mo kaya hindi mo na kailangang gawin 'yon."
"Ma!" Sa sobrang lakas nang pagkakasigaw ko sa kanya ay nanahimik rin ang buong opisina nang pulisya. "Ma." mahinahon kong tawag ulit sa kanya.
"Anak please. H-Hindi sinasadya ng papa mo." pakiusap ni mama.
"Hindi sinasadya?! Nakita mo na ba ang itsura mo sa salamin, ma?" Bumaling ako kay Darius na kasalukuyang nagpupunas ng dugo sa ilong n'ya dahil sa ginawa ko. Mabilis na napalitan ang matalim n'yang tingin sa akin nang maamong mukha na mas lalo ko lang ikinainis.
Akmang susugurin ko na sana s'ya nang pagitnaan kami ng isang pulis.
"Hintayin mo ang kasong isasampa ko sa'yo dahil sisiguraduhin kong babalik ka sa kulungan!" naggagalaiting sigaw ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni mama sa braso ko pero kaagad ko 'yong winakli.
"Anak, parang awa mo na. Huwag mong gagawin 'yon."
Imbes na sagutin s'ya ay kaagad akong lumabas ng prisinto. Habang naglalakad pauwi ay ramdam ko ang panghihina ng mga binti ko. Napakapit ako sa isang poste at doon na tuluyang napahikbi.
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...