38 - Favorite Enemy

3.7K 130 8
                                    

Months have passed. Graduation day. Nakangiti ako habang pinapanood ang paglipad ng academic cap sa asul na kalangitan. Hindi umabot hanggang tenga ang ngiti ko dahil alam kong wala sa tabi ko si Jenno para i-celebrate namin ang araw na ito ng sabay. I just wish his here.

Limang buwan na ang lumipas pero mahimbing pa rin ang tulog n'ya sa hospital. Wala na ang mga tubong nakakabit sa katawan n'ya at magaling na rin lahat ng mga natamo n'yang sugat pero hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin s'ya na parang si Sleeping beauty. Araw-araw ko naman s'yang hinahalikan pero bakit hindi pa rin s'ya nagigising? I mentally laughed at myself for thinking that our story was a fairytail with a tragic twist.

Baka naman kasi hindi ako ang princess charming n'ya.

Ouch!

Bumaba ang tingin ko sa cellphone na hawak ko nang mag-ring ito.

Tita Jessa is calling.

"Yes tita?"

"Anak, J-Jenno is awake!"

Nanginig ang mga kalamnan ko nang marinig ang magandang balita ni tita. Tinaggal ko ang academic cap at kasabay ng pagtapon ko nito sa ere ay ang pagbagsak ng ilang butil ng luha sa mga mata ko.

Jenno's awake. Best graduation gift ever

Hindi na namin tinapos nina Yuna, Amari at Beatrice ang graduation ceremony dahil sa magandang balitang natanggap namin mula kay tita Jessa at Jonah. Sa ngayon ay mas masaya kami sa paggising ni Jenno kesa sa mismong graduation namin.

Hindi ko alam kung bakit pinagpapawisan ang mga kamay at underarms ko pero baka dahil lang 'yon sa pagtakbo namin ngayon. I'm just excited to see him again but what's making me nervous?

"Stop biting your nails Freida. Nakakalason ang nail polish." suway sa akin ni Yuna na katulad ko ay blush pink din ang kulay ng mga kuko. Twinnie daw dapat kami. "Relax Freida. Jenno will be delighted to see you. Baka nga anakan ka n'ya kaagad pagnagkita kayo." natatawang dugtong n'ya nang makaupo kami sa backseat ng sasakyan ni Amari.

Walangyang kaibigan ko 'to.

"Omgeee! Gising na si momshiee!" tili ni Beatrice na kakaupo lang sa passenger seat habang inaayos ang seatbelt n'ya.

"Let's go," usal naman ni Amari bago paandarin ang sasakyan n'ya.

Habang papalapit kami nang papalapit sa hospital ay mas lalong nanikip ang dibdib ko sa kaba. 'Everything will be fine, Freida. Everything will be alright.' - bulong ko sa sarili ko habang ipinupunas ang namasa kong palad sa suot ko pang toga.

Lakad-takbo ang ginawa naming apat habang binabaybay ang pasilyo papunta sa kwarto ni Jenno. Nang malapit na kami ay kumaway sa amin si Jonah. Hindi iyon wave of happiness bagkus ay may iba pang ibigsabihin. She's shedding tears. I don't think her tears means joy right now.

"Ate!" tawag sa akin ni Jonah saka n'ya ako mahigpit na yinakap. "Oh my ghad! Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo." hagulgol ni Jonah habang nakasubsob sa balikat ko. Kahit sina Yuna ay naguguluhan sa ikinikilos n'ya.

"May nangyari ba kay Jenno? He's fine right?" kabadong tanong ko sa kanya.

"What's wrong Jonah?" Beatrice asked her.

"His brain trauma resulted to memory loss."

"S-Sh*t!" usal ni Amari na marahas na napasuklay ng kanyang buhok. "He cannot remember any of us?"

"N-No. Ang huli n'yang natatandaan ay noong inihulog n'ya si ate Freida sa pool. Kahit ang nangyaring aksidente ay wala s'yang maalala. He has no memory of the past 3 months."

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon