FINALE

6.8K 185 73
                                    

"Freida," tawag ni Dra. Georgina sa dalaga na nasa kabilang linya.

"Hi doktora." masayang bati ni Freida.

"Are you excited?"

"Yup. Pero ayos lang bang umalis ako ngayon? Parating na ang third batch ng mga patients mo. They need me here."

"No. They don't need a pregnant woman there. Ikaw talaga, manganganak ka na pero trabaho pa rin ang iniisip mo." Napapailing na lang na pahayag ni Dra. Georgina habang may ngiti sa labi.

Nakatulong ang pagbubuntis ni Freida para muling maiahon ang sarili sa matinding depresyon. Ayaw na n'yang maulit pa ang nangyari sa nauna n'yang anghel na hindi man lang n'ya nasilayan at nayakap nang mahigpit. Matapos ang matagumpay na theraphy ni Freida ay nagtrabaho ang dalaga sa institusyon ni Dra. Georgina. Nakita ng doktora ang pagpupursige ng dalaga na matulungan din ang mga taong katulad nito ay nasa matinding depresyon din.

"Excited ako pero kasabay nun ay kinakabahan din ako doktora. Paano kung galit sa akin si Jenno? Paano kung hindi n'ya matanggap ang anak naming dalawa? Paano kung may mahal na s'yang iba?"

"Masyado kang nago-overthink Freida. Siguradong matutuwa si Jenno kapag nakita ka n'ya at may paparating pang plus 1."

Narinig ni Dra. Georgina ang mahabang pagbuga ng dalaga sa kabilang linya kaya lihim s'yang natawa. Hindi na s'ya makapaghintay pa na magkitang muli ang dalawa n'yang pasyente na patay na patay sa isa't-isa.

Mapapasana-all ka na lang talaga.

"Susunduin kita bukas Freida sa airport. See you tomorrow."

"Okay, doc. Thank you."

***

"When did it all start? Pwede mo na bang sabihin sa akin?" tanong ni Dra. Georgina kay Jenno habang naghahanda ng kape para sa kanilang dalawa. Sa loob ng apat na buwan ay iyon ang palaging bungad na tanong ng doktora sa tuwing may appointment ang binata sa kanya.

Tatlong buwan matapos umalis ni Freida ay pinuntahan s'ya ni Jenno para alamin ang kondisyon ng dalaga at ngayong pitong buwan na ang lumipas ay hindi tumigil si Jenno sa pagbisita sa doktora para kamustahin ang lagay ng kanyang nobya. Alam n'yang nasa isang isla si Freida pero hindi pinapaalam sa kanya ni Dra. Georgina ang eksaktong lokasyon nito.

Alam na n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Freida. Lahat ng mga napagdaanan nito noong nasa coma s'ya ay sinabi lahat sa kanya ni Dra. Georgina. Kahit s'ya ay kinailangang i-monitor ng doctor. Naging psychiatrist n'ya rin si Dra. Georgina.

Namatay ang dapat sanang unang anak nila Freida. Masakit para sa kanya nang malaman iyon pero hindi n'ya ma-imagine ang bigat nun para sa kanyang nobya na mag-isang binuhat ang pasang problema habang natutulog s'ya.

"Ang kulit mo doktora. Hindi ka ba nagsasawang tanungin 'yan parati sa akin?"

"Hindi. Hahaha. Pagdating sa relasyon ng iba ay makulit ako."

"Ganyan ba kapag walang lovelife?"

"Siguro." kibit-balikat na sagot ni Dra. Georgina bago ilapag sa center table ang kape na kanyang tinimpla. "I answered all of your questions and curiousity about my patient even though it's against our protocol. Tapos simpling tanong ko ay hindi mo masagot? I'm so disappointed." Umiiling na pahayag ng dalaga.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon