19 - Jealousy

6.8K 185 8
                                    

2nd day of intramurals. Imbes na umuwi si pechay sa kanila ay dumiretso na s'ya sa school kasama ko. Humiram na lang s'ya ng damit at unused underwear kay Jonah kaya naman fresh pa rin ang lola n'yo.

Ramdam ko ang ilang tingin ipinupukol sa amin ng mga estudyante lalo na nang bumaba sa kotse ko si chaka. Well, alam sa department ang war sa pagitan namin ni Freida kaya nagtataka siguro sila kung bakit kami magkasama.

Mind 1: Iniisip nilang binubully ko pa rin si pechay.
Mind 2: Iniisip nilang inakit ako ni pechay at ikinama.

Kung alin man 'don sa dalawa ay wala akong pake. Mukhang wala rin namang pakialam si pechay kaya snob na lang din ako sa kanila.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kaya napalingon s'ya sa akin.

"Kay Yuna." tipid n'yang sagot saka mabilis na umiwas ng tingin sa akin.

Aba't! Ngayon pa talaga s'ya nahiya. Nasaan na ang tapang n'ya kagabi?!

"I'll come with you." sabi ko.

"Bakit? Gusto mo na ba ako?" tanong n'ya nagpangiwi sa akin.

"Feeling ka. In your dreams." maarte kong sabi. Sumama ang mukha n'ya saka nag-martsa papalayo sa akin pero kaagad ko s'yang sinundan at ikinawit ang braso ko sa kanya. Actually gusto ko sanang hawakan ang kamay n'ya pero 'wag na lang pala kasi merlat s'ya at otoko lang ang gusto kong maka-holding hands. 'Bat ang defensive kong pakinggan?

"Bitaw." madiin n'yang utos sa akin pero inirapan ko lang s'ya at ako na ang humila sa kanya papunta sa quadrangle. Mas gusto ko maglakad 'don dahil marami akong nakikitang fafa. Sa tuwing may events lang talaga nagsisilabasan ang mga gwapings sa lungga nila. Nasaan sila kapag regular na may pasok?

"Jelly!" tawag sa akin nang kung sino.

Marahas na tinanggal ni merlat ang kamay ko. Nang makita kong papalapit sa direksyon namin si Rio ay napangiti ako. Well, hindi dahil sa pagdating ni Rio kundi dahil sa pagseselos ni chaka. Oo, I'm sure na nagseselos s'ya dahil inamin n'ya naman 'yon kagabi.

"Mabuti nakita kita." nakangiting pahayag ni Rio.


"Oh hi." usal ko.
"Pwede ba kitang mayaya mamaya mag-lunch? May treat."

Sandaling nabaling ang tingin ko kay chaka na nakatalikod sa amin at inip na inip na ipinapadyak ang isa n'yang paa. Ayaw n'ya raw akong kasama at magmo-move on na s'ya pero nagagawa n'ya pa rin akong hintayin. Taliwas ang lumalabas sa bibig n'ya sa mga ikinikilos n'ya ngayon.

"Ba't ka tumatawa?" tanong ni Rio kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa kanya. Tumatawa na pala akong mag-isa.

"Sorry pero may lakad kasi kaming magkakaibigan. Peace tayo."

"Okay. Maybe next time. Can I get your number?"

"Sure." sagot ko. Iniabot n'ya sa akin ang cellphone n'ya kaya kaagad ko namang itinype ang number ko bago tuluyang magba-bye sa kanya. Mukha naman s'yang mabait pero literal na mukha lang.

"Hoy petchay! Wait lang naman." reklamo ko nang makitang lakad-takbo na ang ginagawa n'ya palayo sa akin. Umagang-umaga pinagpapawisan ang kili-kili ko dahil sa kanya.

Bago ko pa man maabutan si Freida ay isang lalaki na ang humarang sa harap n'ya. I'm sure na hindi s'ya estudyante o professor diito pero parang pamilyar sa akin ang itsura nito.

"Ben?" narinig kong sambit ni pechay.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong n'ya kay pechay kaya naman kaagad akong lumapit sa kanila. "Yong tayong dalawa lang sana." dugtong pa nito nang makita n'ya akong kumapit sa braso ni chaka.

"Sa tingin mo ba ay mapagkakatiwalaan pa kita matapos ang ginawa mo? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin?" seryosong pahayag ni chaka.

"G-Gusto ko lang humingi ng tawad sa'yo."

"Apology accepted. It's been 3 years. Kalimutan mo na ang nangyari noon dahil matagal ko na rin naman 'yon ibinaon sa alaala ko."

Anong bang nangyari noon sa pagitan nila?

Napasunod ako kay pechay nang magsimula na s'yang maglakad palayo sa lalaki. Hindi s'ya umiimik kaya sinilip ko ang mukha n'ya. Seryoso lang s'ya na para bang may malalim na iniisip.

"Freida!" tawag ni Yuna sa kanya. Kaagad ko s'yang binitawan sa braso at hinayaan si Yuna na yakapin s'ya.

Nalipat ang tingin ko sa jonakis kong si Amari na lutang habang naglalakad pa rin papalapit sa amin. Snapped my finger infront of him kaya naman napaangat s'ya ng tingin sa akin.

"Your spacing out bakla. Anong problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Nagyayaya si France mag-camping trip kami sa sembreak. Papayag ba ako?" tanong n'ya a akin. "5 days and 4 night din 'yon." alalang dugtong n'ya.

"Aba malay ko sa'yo. Boyfriend mo naman 'yon kaya why not go with him? Bakit alalang-alala ka?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Bahala na nga." Bumuntonghininga s'ya saka maarting napa-flip ng kanyang invisible hair.

***

"Do you like Freida?" tanong ni Yuna sa akin. Kaming dalawa lang ang nasa mesa ngayon dahil sina Amari at Freida ang nagpresentang umorder para sa amin.

"Eww no." sagot ko na ikinatawa nito. Naalog ata utak n'ya nang iuntog s'ya sa sink kaya iintindihan ko na lang ang babaing 'to. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko pero kung makatawa s'ya ay parang nagjo-joke ako.

"Okay. If you say so. Hindi ko na kayo papakialamang dalawa." Nagkibit-balikat s'ya bago nangalumbaba sa mesa habang hindi pa rin inaalis ang mapang-asar n'yang tingin sa akin. "Pero kung sakaling gusto mo nang tulong ko, I'm ready to help. Kung para sa kasiyahan ng bestfriend ko matutulungan kita d'yan bayaw." dugtong n'ya bago humagikgik na parang kinikilig.

Bayaw?

"Don't call me bayaw. Kadiri ka! Sapatusin kaya kita." pagbabanta ko na mas lalo n'ya lang ikinatawa.

"No. Whether you like it or not I will call you bayaw."

Inirapan ko lang s'ya saka ko itinuon sa cellphone ko ang atensyon ko. Kapag nagpa-asar pa ako sa kanya ay baka hindi ko mapgilan ang sarili ko at silihan ang bibig n'ya.

Naalala ko bigla ang kaninang lalaki na nangngangalang Ben. I'm wondering kung kilala ba s'ya ni Yuna. She might now something about that guy.

"What?" mataray kong tanong sa kanya nang mahuli ko s'yang nakatingin sa akin.

"You can ask me anything. Come on Jelly."

Mukhang na-sense n'ya atang may gusto akong itanong sa kanya. Tsk. Fine. Ngayon lang ako magtatanong sa kanya.

"Who's Ben?"

"Ben? Hmm. Ben." usal n'ya habang hinihimas ang baba n'ya at nag-iisip. "Oh sh*t! Ben the pervy!"

"Huh? Pervy?" kunot-noong tanong ko.

"Oo. I think it was 2 or 3 years ago. Freshman pa lang kami nun ni Freida. He was so obssess with her. Pinadalhan n'ya nun ng love letter si Freida and threatened her na kapag hindi s'ya pumunta ay magpapakamatay ito."

"What happened next?"

"Pinuntahan s'ya ni Freida. By the time my brother and got there ay muntik na s'yang ma-rape ng siraulong 'yon. I wanted to cut his d*ck kung hindi lang ako pinigilan ni kuya at Freida nun."

"S-Saan 'yon mangyari?" kabadong tanong ko kay Yuna.

"Sa indoor pool noong under renovation palang ito." sagot n'ya.

Nanghihinang napatayo ako at naglakad papalabas ng canteen. Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Yuna pero hindi ko s'ya pinansin. Para akong inaagawan ng hangin dahil sa paninikip ng dibdib ko.

I was there when it happened.

Ang tanga-tanga ko. Bakit hindi ko napansin na minomolestya na pala ng lalaking 'yon si Freida. Hindi ko mapigilang ma-disappoint sa sarili ko.

Nang makarating sa banyo ay ikinulong ko ang sarili ko sa loob ng cubicle. Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo papunta sa pisngi ko. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil sa panginginig nito bago suntukin nang malakas ang pintong kaharap ko.

Kung dati ay umiiyak na ako sa sakit sa tuwing ginagamit ko ang kamao ko, ngayon ay parang wala na lang 'yon sa akin. Sa galit ko sa sarili ko ay kulang pa iyon para sa kaparusahan ko.

Napasandal ako sa dingding at hinabol ang hininga ko. Kung nagawa ko sanang mapansin ang nangyari noon ay natulungan ko sana s'ya. I'm so stupid! Nabulag ako sa paniniwalang gamit na babae si Freida. Akala ko ay may ginagawa silang kababalaghan noon kaya naman pinabayaan ko lang s'ya kasama ang lalaking 'yon.

It's too late. Halos tatlong taon na nang mangyari 'yon at ang magagawa ko na lang ay ang bumawi kay Freida.

Paglabas ko nang banyo ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang lalaking nang bastos noon kay Freida. Si Ben. Malalaki ang hakbang ko na lumapit sa kanya bago ko s'ya sunggaban nang sunod-sunod na suntok.

"Anong problema mo?!" asik n'ya at gumanti rin sa akin ng suntok. Bumigay ang isa sa mga pinto ng cubicle nang ibalibag n'ya ako roon. Ramdam ko ang matinding sakit ng likuran ko pero hindi ko 'yon pinansin at sinugod muli ang lalaking kaharap ko.

Pumatong ako sa ibabaw n'ya at pinaulanan s'ya nang panibagong suntok. Todo sangga ang loko gamit ang braso n'ya pero dahil mas malaki 's'ya sa akin ay nagawa n'ya akong maitulak. Hinablot n'ya ang kwelyo ko saka n'ya ako inihampas sa pader at tinuhod sa sikmura. Son of a b*tch!

Pucha! Ito ang unang beses na nakipag-away ako sa lalaki. Madalas kasi ay babae ang kaaway ko at hanggang sampalan lang kami at wala pang sabunutan 'don.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon