"Uno!" tawag ni pechay sa lalaking nasa labas ng gate namin. Patakbo n'yang pinuntahan ang lalaki at yinakap. Sino ba ang lalaking 'to? Imbes na matuwa sa gwapo n'yang mukha ay hindi ko mapigilang mairita sa kanya.
Pinapasok ni pechay ang lalaking nagngangalang Uno na napagpataas ng kilay ko. Sinong nagsabi sa kanya na pwede s'yang tumanggap ng bisita sa sarili kong pamamahay?
"Jenno," tawag sa akin ni Uno.
He knew me?
"Jenno, si Uno, kapatid ni Yuna. Nakilala mo na s'ya noon." pahayag ni pechay.
"Bro, good to see you. Sorry kung ngayon lang ako nakabisita."
Bumaba ang tingin ko sa kamay ni pechay nang hawakan n'ya sa braso si Uno at pisilin 'yon. At sa harap ko pa talaga s'ya lumalandi.
Boyfriend n'ya ba ang lalaking 'to? Mukhang close na close sila.
"Wala s'yang alaala sa'yo." narinig kong bulong ni merlat kay Uno.
"I know. Nabanggit na ni Yuna. I know the drill." Uno winked at pechay. I want to puke.
Ang landi nilang dalawa.
"I brought pizza, pang meryenda."
"Thank you," saad ko.
Inihanda ni pechay sa mesa ang pagkain at naglabas din ng soft drinks sa refrigerator.
Gusto kong ahitin ang sarili kong kilay nang bigla itong tumaas nang tumabi si pechay kay Uno. Though, doon naman talaga s'ya laging nakaupo ay bakit naiirita akong magkatabi sila?
"Did you regained some of your missing memories Jenno?" tanong ni Uno kaya umiling ko sa kanya bilang tugon. "Pero gusto mong maalala at malaman ang mga nangyari sa'yo sa loob tatlong buwan, right?
"Of course, sinong hindi? A piece of me is missing. I feel it in my bones and veins.""Someone might be,"
"Someone? I don't know. Maybe? Sa ngayon ay may manliligaw ako bago ako maaksidente pero feeling ko ay hindi naman s'ya someone na 'yon."
"Manliligaw?" takang tanong ni Uno. Napabaling s'ya kay pechay na para bang s'ya ang tinatanong ng lalaki. "O-Okay. So, how was your condition?"
"I'm doing great but still under the process of recovery. I look fine but not my brain." sagot ko.
"Narinig ko nga sa kapatid ko. Hindi sila pwedeng magkwento sa'yo nang ikabibigla o ikaka-stress mo pero sa tingin ko ay hindi naman nakaka-stress ang mga nangyari sa'yo sa loob ng tatlong buwan. Siguro ay magugulat ka lang at mag-iisip nang sobra kung bakit dumating sa point na nangyari 'yon sa buhay mo. Though I know the feeling was still there." Itinuro ni Uno ang dibdib ko. "Nakalimot ka man pero hindi ang puso mo." dugtong pa n'ya.
He wants to tell me something that he cannot tell because of my condition. What is it?
"Banyo lang ako,"
Mabilis na tumayo sa pechay at nagtungo sa banyo kaya naiwan kaming dalawa ni Uno sa lamesa.
"She's pretty right? Hindi lang 'yon, mabait at masipag pa."
"Do you like her?"
"Yes," diretso n'yang sagot sa akin. Walang pause o pagdadal'wang isip. "Nakababatang kapatid na ang turing ko sa kanya at isa pa, hindi mahirap na magustuhan at mahalin si Freida."
"Halos isa, dalawang linggo na kaming magkasama pero ayoko pa rin sa kanya. I hate her. Ayoko sa mga lahi n'ya."
"Really? Ano bang lahi n'ya?"
"Lahing pokpok. Ganern."
Humagalpak nang tawa si Uno na muli na namang nagpataas ng kilay ko.
"What's so funny?"
"W-Wala. Hahaha. You don't hate her. Kung oo edi hindi mo sana s'ya pinatira rito. If you hate her, matagal ka na sanang gumawa nang paraan para matalsik s'ya sa pamamahay mo. Kung nagawa mo s'yang ihulog sa pool at ipahiya sa maraming tao ay magagawa mo ulit 'yon ngayon. So why did you let her stay?"
Ilang sandali akong natahimik dahil sa tanong ni Uno. Naghahanap ako nang tamang dahilan para bigyan s'ya nang kasagutan pero parang walang pumapasok ngayon sa isip ko. Bago pa man ako makapagsalita ulit at depensahan ang sarili ko ay bumalik na si Freida sa kinauupuan n'ya.
"Bakit ang tahimik n'yo?"
"Naniniwala kami ni Jenno sa kasabihan, 'Don't talk when your mouth is full'." sagot ni Uno sa kanya sabay kagat nang hawak n'yang pizza.
"Kuya, para ka talagang bata kumain." natatawang pahayag ni pechay. Kumuha s'ya ng tissue saka n'ya pinunasan ang gilid nang labi ni Uno.
Napatikhim ako kaya nabaling ang atensyon sa akin ni pechay bago bumaba ang tingin n'ya sa kaharap kong pizza na hindi ko pa nagagalaw.
"Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?"
"Feed mo. Nangangalay ang kamay ko. I can't hold it."
Akala ko ay aangal s'ya o sisimangot pero nagkamali ako. Tumabi s'ya sa akin at kinuha ang slice ng pizza para subuan ko. Parang nag-party bigla ang mga uod sa tiyan ko dahil matangumpay ko s'yang nailayo kay Uno.
Hinawakan ko ang upuan n'ya at hinila iyon papalapit sa akin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Uno pero hindi ko s'ya pinansin.
"Hihilutin ko mamaya ang braso mo." pahayag ni pechay kaya tumango na lang ako sa kanya. Hindi naman talaga nangangalay ang braso ko. Nagdahilan lang ako para mailayo s'ya kay Uno.
Why?
Hindi ko rin alam.
"Freida, gusto mo bang lumabas bukas? Date tayo."
Mabilis akong napalingon kay Uno. Gusto ko s'yang saksakin gamit ang plastic knife na nasa harapan ko. Ngumisi s'ya sa akin na para bang nang-aasar.
"Uhmm. M-May trabaho pa kasi ako."
"I'm sure na papayagan ka ni Jenno. Halos wala ka nang day off simula ang magtrabaho ka sa kanya." pangungumbinsi ni Uno na para bang hangin lang ako sa harap n'ya. "Jenno, pwede bang mag-day off muna si Freida bukas?" baling na tanong n'ya sa akin.
"No, may pupuntahan din kami bukas. I need her. Maghanap ka ng ibang isasama mo." masungit na sagot ko bago s'ya irapan.
"Hahaha. Ang higpit ng boss mo Freida. Kapag nag-resign ka ay kukunin kita sa office ko as my secretary kung gusto mo. Tatlong beses sa isang linggo ang day-off mo at may mga benefits pa."
Pigilan n'yo ako!
"Hindi pa naman ako magre-resign but I'll let you know." sagot ni pechay.
I'll let you know?
Binabalak n'ya bang mag-resign in the future?
Biglang sumama ang timpla ng tiyan ko kaya nagpaalam ako sa kanilang aakyat ng kwarto. Kapag hindi ako lumayo ay baka parehas ko silang mailibing ng buhay.
Bakit ba ako nagkakaganito? Para akong boyfriend na nagseselos sa lintik na lalaking 'yon.
Eww!
"Jenno," tawag sa akin ni pechay kaya kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga nang pumasok s'ya sa kwarto ko.
"Nasaan na ang bisita mo?"
"Umalis na." Naglakad s'ya papalapit sa akin bago maupo sa harap ko. Inabot n'ya ang kamay ko at minasahe ito. Naramdaman ko ang umakyat na kuryente sa braso ko papunta sa katawan ko dahil sa ginawa n'ya.
Ganito rin ba ang nararamdaman ng mga lalaking nahahawakan n'ya?
"Saan nga pala tayo pupunta bukas?"
"Huh?"
"Diba sabi mo may pupuntahan tayo kaya hindi ako pupweding mag-day off bukas."
Oo nga pala.
"S-Samahan mo ako sa mall bukas. Bibili ako ng bagong brief." pagdadahilan ko. Sa dami nan pweding idahilan na bibilhin ay brief pa talaga.
"Anong size mo?" tanong n'ya na nagpaubo sa akin. Hinampas-hampas ko ang dibdib ko dahil sa sama ng pagkakabara ng laway ko sa sarili kong lalamunan.
Ekkkkk!
"Lintik ka," Humahangos na sambit ko na ikinatawa lang ni pechay habang hinihimas n'ya ang likuran ko.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako para matulungan kita sa pagbili mo bukas."
Sinamaan ko s'ya nang tingin. Halatang pinagti-tripan n'ya ako. Napako ang tingin ko sa peslak n'ya habang pinapanood s'yang tumawa. Parang nag-slow motion ang paligid ko.
"Hoy!" untag n'ya sa akin kaya back to reality ako.
"Hoy ka rin!"
"Gusto mo ba ng tubig?"
"Ngayon ka pa talaga nagtanong kung kelan okay na ako. Nung mamatay-matay ako kanina ay pinagtawanan mo lang ako. Ang galing!" sarkastikong saad ko na ikinahagikgik n'ya.
"Sorry. Nakakatawa ka kasi."
At pinagmukha pa akong clown.
"So, anong size ka nga?"
"Stoppppp!" tili ko. Kung makapagtanong s'ya ay parang wala lang sa kanya. Pa-virigin ako ngayon dahil virgin naman talaga ako.
"Kung ayaw mong sabihin edi ichi-check ko na lang." Kumagat pa s'ya sa labi kaya sunod-sunod ang naging paglunok ko.
Napaatras ako nang umusog s'ya papalapit sa akin. Ngumisi s'ya at doon palang ay alam ko nang may binabalak s'yang masama sa akin. She'll rape me! Nagsitaasan lahat ng balahibo ko nang dumampi ang mainit n'yang palad sa hita ko.
P*tanginaaa!
"Patingin na,"
"Maharot ka! Lumayo nga sa akin!" sigaw ko pero imbes na sundin ako ay ipinagpatuloy n'ya ang paglapit sa akin. Nasa magkabilang hita ko na ngayon ang mga kamay n'ya habang hinahaplos 'yon.
"Nagba-blush ka. Affected ka ba sa alindog ko bakla?"
"C-Che!'"
Itinulak ko s'ya bago tumalon pababa ng kama. Humalakhak ng tawa na parang bruha si Freida.
"Sorry. Ang sarap mo kasing pag-tripan. Ohsya! Magluluto na ako ng dinner natin. Mamaya na lang ulit tayo magharutan." Kinindatan n'ya ako bago tulayang lumabas ng kwarto ko.
Napangiwi ako.
Pumasok kaagad ako sa banyo dahil ramdam ko ang pagkabuhay ng alaga ko dahil sa ginawang paghaplos sa akin ng gagang 'yon.
Calm down junior. Hindi ka dapat affected sa kalandian ang babaing 'yon!
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...