"J-Jenno." tawag ko sa pangalan n'ya nang makita ko s'yang nasa loob ng kwarto ko.
Apat o limang araw na ang dumaan at ngayon ko na lang ulit s'ya nakita. Pansin ko ang paggaling ng mga sugat at pasa n'ya sa mukha na lihim kong ikinatuwa.
"Pinapasok ako rito ng mudra mo. Umalis na s'ya papunta sa trabaho kaya ibinilin n'ya muna sa akin ang bahay habang naghihintay ako sa'yo." paliwanag n'ya. "Where have you been pechay? Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa school. Hindi pa sembreak kaya bakit feel na feel mo nang magbakasyon?"
"Anong sinabi sa'yo ni mama?" diretsong tanong ko.
"Wala. Bakit ano bang nangyari?" kunot-noong tanong n'ya saka s'ya naglakad papalapit sa akin. "Tell me," dugtong n'ya.
"W-Wala naman. Bakit ka nga pala nandito?"
"Pinahatid sa akin ni Yuna ang ilang notes na kakailanganin mo para sa final exam." sagot n'ya kaya tumango na lang ako. "At isa pa, may utang pa ako sa'yo. Taralets na." Hinawakan n'ya ako sa pulso at hinila palabas ng bahay.
"Aling utang?" tanong ko.
"Duhhh. 'Yong ice cream. Nakalimutan mo na?" maarte n'yang tanong sa akin.
Seneryoso n'ya talaga 'yon?
Naglakad lang kami papunta sa pinakamalapit na tindahan at bumili ng ice cream.
"Bakit ang dami?" tanong ko nang iabot n'ya sa akin ang nakaplastic pang apat na korneto.
"Baka lang mag-crave ka mamaya. I-ref mo na lang." sagot n'ya.
"Salamat." nahihiyang usal ko saka 'yon tinanggap.
Papalapit na kami sa bahay nang mapansin ko ang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. Si Darius.
"Tatay mo pechay." saad ni Jenno kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay n'ya. Napalingon s'ya sa akin pero nakatuon lang ang buong atensyon ko sa lalaking wala pang ideya sa presensya naming dalawa ni Jenno pero kaagad din akong napalunok ng laway nang bumaling s'ya sa amin.
"Dito ka lang." namamaos kong utos kay Jenno bago maglakad papalapit kay Darius at lakas-loob s'yang harapin.
"Ipapakulong mo na naman ako?" mayabang na anong n'ya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa hawak n'yang bote ng alak kaya kabadong napaatras ako.
"Umalis ka na Darius kung ayaw mong mapaaga ang pagpasok mo sa silda."
Imbes na matakot at sundin ang sinabi ko ay humagalpak lang s'ya ng tawa. Lasing na s'ya.
"H*yop ka." madiin pero pabulong na sabi n'ya. "Bago pa man ako makapasok sa kulungan ay papatayin muna kita." pagbabanta n'ya bago n'ya ako talikuran at maglakad papalayo sa akin.
Bumigat ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Darius. Napasapo ako sa dibdib ko at ginusot ang tela sa parteng iyon. Ramdam ko ang takot hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa kaligtasan ni mama. Paano kung may bigla s'yang gawing masama sa amin? Muli akong napahakbang paatras pero tumama ang likuran ko sa matigas na katawan ni Jenno. Kahit hindi ko s'ya lingunin ay alam kong s'ya 'yon dahil sa mabango n'yang pabango na tumatama sa ilong ko.
Iniharap n'ya ako sa kanya saka n'ya hinaplos ang magkabilang braso ko.
"Hey breath." saad ni Jenno. Para na pala akong hinihika dahil sa paghahabol ko ng hangin. Lumipat ang isa n'yang kamay sa likuran ko at marahan 'yong hinaplos dahilan para kumalma ako.
Iginaya n'ya ako papasok nang bahay saka n'ya ako pinaupo sa sofa. Umalis s'ya at pagbalik n'ya sa tabi ko ay may hawak na s'yang baso ng tubig.
"Drink b*tch. Pinakaba mo ako."
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romans/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...