45 - I'll Wait

4.7K 148 1
                                    

JENNO

"Alam mo nang girlfriend mo si Freida? Kelan pa? Bakit hindi mo sinabi sa kanya? Edi sana napigilan mo ang pag-alis n'ya." sunod-sunod na tanong sa akin ni Uno.

Pinanood ko lang s'ya na paikutin ang hawak n'yang ballpen sa kamay n'ya habang nakaupo at kagat-kagat ang kuko ko. Hindi ko mannerism ang pagkagat dito sadyang hindi lang ako mapakali kaya ito ang napagdiskitahan ko.

Sa dami ng pwede kong lapitan ay bakit sa lalaking 'to pa? Maybe because hindi s'ya kagaya ng mga kabaklaan na OA makapag-react. Hindi s'ya kaibigan ko na magaalala sa akin dahil may kaunti na akong nalalaman sa mga nangyari bago ang aksidente ko.

Nalaman ko lang din kay Milo na girlfriend ko si Freida noong araw na pumunta kami sa mall para bumili ng brief na hindi ko naman talaga kailangan.


"Jenno. Jenno, ikaw nga!"

"Milo."

"Nice to see you bro. Mabuti na lang at nagkita tayo." Inambahan n'ya ako nang mabilis na yakap saka tinapik ang balikat ko. "Let's forget what happened in the past. Alam kong ang g*go ko noon sa'yo at sa girlfriend mo kaya gusto kong humingi ng sorry. I'm glad that your fine now."

"Girlfriend?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

Sa pagkakaalam ko ay bakla ako at imposibling magka-jowa ng merlat. Hindi tahong ang goal ko kundi jumbo hotdog. Sabog ba 'to si Milo? Ilang pack ba ng ovaltine ang pinapak n'ya? Hindi kasi tinatangkilik ang sariling powder drink.

"Si Freida. Para ka namang nagka-amnesia para makalimutan mo ang girlfriend mo. Hahaha. Pinagsusuntok mo pa nga ako noon sa cafeteria dahil sa katarantaduhan ko. Ang lakas mo kayang manuntok. Infairness sa'yo."

Si Freida? Girlfriend ko?! Ang pechay na 'yon na lagi kong inaaway ay jowabells ko?

Napahawak ako sa sintido ko ng pumitik ang kaunting sakit dito. Walang flashback na naganap pero biglang nag-blurry ang paningin ko.

"Ayos ka lang ba Jenno?"

"O-Oo. Nahilo lang ako nang kaunti."

"Wala ka bang kasama?"

"M-Meron."

"Okay. Aalis na ako dahil naghihintay na rina ng kasama ko. Take care Jenno."

Saktong pag-alis ni Milo ay s'ya ring paglabas ni Freida sa banyo. Wala sa sariling napatitig ako sa mukha n'ya matapos malaman ang rebelasyong iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit may kakaibang kilig at saya akong nararamdaman sa tuwing malapit s'ya sa akin.

I fell in love with her? Sa dami ng mga babae ay sa kanya pa talaga.

"Ayos ka lang ba Jenno? You look pale." Lumapit sa akin si pechay at idinampi ang kamay n'ya sa pisngi ko kaya napaiktad ako at nanigas sa kinatatayuan ko. "Pinagpapawisan ka rin nang malamig. Tara na. Umuwi na tayo para makainom ka ng gamot mo."

Hindi na ako nagreklamo nang hawakan n'ya ang kamay ko at hilahin ako. Napako ang tingin ko sa magkahawak naming kamay. Napagtanto kong saktong-sakto lang ang laki ng kamay ko para sakupin ang kanya.

Pinagsaklob ko ang mga daliri namin. Kung bibitaw sa pagkakahawak ko si pechay ay hindi ko s'ya totoong girlfriend pero kapag hinayaan n'ya lang akong gawin ito ay confirm nang magkarelasyon kami bago pa man ang mangyaring aksidente.

Hinintay kong bumitaw s'ya pero para bang sanay na sanay na s'yang hinahawakan ko ng ganito ang kamay n'ya palagi. Hindi man lang s'ya lumingon sa akin para kwestyunin ang ginawa ko.

So, she really was my girlfriend.


Hindi ko sinabi sa kanyang alam ko na ang totoo naming relasyon dahil in denial pa ako noong una pero ng makasama ko nang matagal si Freida sa iisang bahay ay doon ko na naintindihang hindi nga malayong mahulog ang isang baklang tulad ko sa kanya. Ngayong umalis na s'ya ay sisingsisi ako na hindi ako naging honest sa kanya.

"So, what do you want from me? Inakala mo bang dito pupunta si Freida?"

"No."

"Kung ganun ay bakit ka nandito?" tanong ni Uno. He has a friendly smile on his face but the fact that he likes my girlfriend want me to punch him till he bleed. Malakas ang radar ko kaya ganun na lang ang inis ko sa kanya.

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon