37 - Identity

3.6K 118 14
                                    

Imbes na umuwi ay dumiretso ako sa maliit na park na katabi lang ng apartment building ko. Magaalas-nueve na ng gabi at kakatapos ko lang sa trabaho ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Darius. Wala sa sariling napahagalpak ako ng tawa nang maisip na isang babae ang patay na patay sa akin. Whoever she is, she's making me sick. Bakit kailangang umabot sa pananakot at pambabastos ang mga ginagawa n'ya.

Hindi lang s'ya ang sinisisi ko sa mga nangyari kay Jenno kundi pati na rin ang sarili ko. Para akong kinakain ng konsensya ko sa tuwing sinusubukan kong ipikit ang mga mata ko. He just lost one of his limbs! Kung pwede ko lang i-donate ang braso ko ay gagawin ko. He will be devastated when he sees his condition. My heart is breaking for him.

"Alam kong nandito ka." walang emosyong pahayag ko habang hinihilot ang magkabila kong sintido. Nakaupo ako sa dulo ng maliit na slide at alerto sa paligid ko. "F*ck you!" sigaw ko habang pinipigilang bumagsak ang nangingilid kong luha dahil sa matinding galit. "Akala mo ba ay makukuha mo ako matapos ang mga ginawa mo sa boyfriend ko?!"

"Bakit kasi hindi na lang ako?" Tumindig ang mga balahibo ko dahil sa malamig at walang kabuhay-buhay na boses na 'yon ng babae.

Mabilis ako napatayo at inilibot sa buong paligid ang tingin ko. Nakatayo s'ya sa tabi ng isang puno at dahil madilim ang parting iyon ay hindi ko gaanong makita ang mukha n'ya. Her voice, I heard it somewhere before.

"Pwede naman tayong dalawa na lang diba?"

"Sino ka ba? Kung makapag-demand ka ay parang kilalang-kilala kita!"

Sandali s'yang natahimik dahil sa sinabi ko.

"Ouch! That hurts. Hindi mo na ba ako natatandaan?" kalmado pero may talim ang mga salitang tanong n'ya sa akin.

I gulped when she started walking in my direction. Pinigilan ko ang sarili kong umatras dahil sa magkahalong kaba at takot. Gusto kong harapin ang babaing 'to. Gusto ko s'yang saktan hanggang sa mahigitan nun ang sakit na ibinigay n'ya kay Jenno. I won't hesitate.

"It's me, Jessica."

"Jessica," kunot-noong sambit ko. Sa kabila nang maamo at mala-anghel n'yang mukha ay ang kademonyohang nananalaytay sa kanya.

Isang beses lang kami noon nagkausap at sa pagkakaalam ko ay nag-drop out na s'ya matapos n'yang makipaghiwalay kay Ara.


Natigil ako sa pagi-scroll sa facebook ng marinig ang paghikbi ng babaing kakatabi lang sa akin sa upuan. Ang mahinang iyak nito ay napalitan nang malakas na paghagulgol at para bang hihikain na sa bigat ng kanyang paghinga. Napakagat ako sa kuko ko. Nagdadalawang isip ako kung aaluhin o papabayaan na lang s'yang humangos na parang nag-aagaw buhay sa tabi ko.

Napabuntonghininga ako bago s'ya tuluyang harapin.

"Gusto mo ba ng tubig? Here, s-sa'yo na lang 'to at saka itong panyo ko. Don't worry, malinis 'yan." paninigurado ko sa kanya.

"S-Salamat."

"Family, studies, lovelife? Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo ngayon ay sigurado akong malalampasan mo rin 'yan sa pagdaan ng mga araw. Life is tough lalo na sa ating mga kabataan na hindi pa alam kung saan ang bagsak in the future. Kung pwede ko lang i-fast forward ang buhay ko at silipin ang future ko ay gagawin ko. Kung may maling desisyon man akong nagawa na ikakaapeko ng future ko ay babaguhin ko 'yon, aayusin ko lahat ng 'yon. That would be amazing, don't you think?" baling ko sa babae na nakatitig na pala sa akin. "Sorry. Ang daldal ko ba?"

Hindi ako madaldal na tao pero parang ang sarap mag-open up sa taong walang alam sa buhay mo. Maraming tao ang mapagmarunong, kung ano ka man sa mga mata nila sa oras na ito ay alam na nila kaagad ang kapalaran mo.

'Pokpok 'yan, maraming lalaki ang aanakan lang 'yan.'

'Lulusyang din 'yan. Sa dami ba naman ng mga lalaking gumamit d'yan.'

'Pag-graduate n'ya, I'm sure sa strip club din ang bagsak n'ya.'

Iyon ang masasakit na salitang madalas kong marinig sa mga taong wala ng ginawa kundi pangunahan ang buhay ko.

"Lovelife. I-I saw my girlfriend making out with another girl."

"Mhhm. Sorry to hear that." aniko.

Muli na naman s'yang napahikbi kaya naman umusog ako papalapit sa kanya at marahang hinaplos ang likuran n'ya para patahanin s'ya. Nagulat ako nang bigla n'ya akong yakapin kaya naman hinayaan ko na lang s'ya.

"Wala akong maipapayo sa love dahil wala pa akong experience sa ganung bagay pero ang masasabi ko lang 'Karma is Bitch'. Hayaan mo ang karma ang gumanti para sa'yo."

"T-Thank you."

"Your welcome."

"I"m Jessica."

"Freida."

"Salamat ulit Freida." nakangiting pahayag n'ya nang iangat n'ya ang tingin sa akin habang hindi pa rin bumibitaw sa bewang ko.

This is awkward.

"W-Wala 'yon. I have a class. Bye Jessica."

"See you soon."

"S-Sure."


'See you soon' - Akala ko ay magkikita pa kami sa school pero hindi na nangyari iyon. Not until this day arrived.

"Bakit?"

"I was devasted by the fact that my 5 years relationship with Ara ended up. So I drop schooling. Akala ko ay hindi kaagad ako makakapag-move on sa kanya pero nang palagi kang dumadaan sa isip ko ay doon na nabago ang takbo ng puso ko. You catch the pieces of my heart that day, Freida. Laking pagsisisi ko na umalis ako sa school pero kahit ganun ay hindi ako tumigil na pagmasdan ka sa malayuan."

"You're creeping me out." madiing pahayag ko na nagpatiim ng bagang n'ya.

"D-Don't say that." buntonghiningang pahayag n'ya.

"That your a creep, an obssess psycho?" mapanguyam na tanong ko. Ang tigas ng mukha n'ya. "I'm not into woman Jessica."

"Bakit? Dahil ba sa baklang 'yon? F*ck him! Sana ay natuluyan na lang s'ya!" asik n'ya na nagpasagad ng pasensya ko sa kanya.

Mabilis akong humakbang papalapit sa kinatatayuan n'ya bago itama ang palad ko sa pagmumukha n'ya. Akmang isasampal ko pa sana ang isa ko pang kamay sa kabila n'yang pisngi ng masalo n'ya kaagad ang pulso ko pero hindi ako nagpatalo dahil ginamit ko ang natitira kong kamay para hilahin ang buhok n'ya.

"Masama akong magalit Jessica. Akala mo ba ay mapapalampas ko ang mga ginawa mo?" may pagbabantang tanong ko sa kanya.

"Love, calm down."

Mas lalo akong kinalibutan dahil sa narinig kong tawag n'ya sa akin. Baliw na nga ata talaga ang babaing 'to. "

"F*ck you!" asik ko.

Hindi na ako nakapag-isip nang mabuti. Gusto ko s'yang saktan kaya naman malakas kong iniuntog ang ulo ko sa noo n'ya. Namilipit s'ya sa sakit habang nakasalampak sa lupa samantalang napakapit ako sa gilid ng slide nang maramdaman ang matinding pagkahilo.

"I never thought that your a feisty woman, Love. You surprise me again. Nahuli mo na naman ang puso ko.

"I-I'm not finish y-yet." Akmang susugurin ko na sana s'ya ulit nang may humila bigla sa braso ko.

"H-Hayaan mo na ang mga pulis, Freida." Pagpigil sa akin ni Darius pero marahas kong winakli ang kamay n'ya.

"Wag kayong makialam! This monster don't deserve to live!"

Bago ko pa man malapitan si Jessica para tadyakan s'ya sa sikmura ay humarang na sa harap ko si Rio. Nakita kong pinupusasan na ni detective Arthor si Jessica kaya ganun na lang ang panghihinayang ko na hindi ko man s'ya nagawang lumpuhin.

"Times up Freida. Huminahon ka. Nahuli mo na s'ya." pagpapakalma sa akin ni Rio.

Halos isang linggo rin namin pinagplanuhan ang paghuli kay Jessica at ngayong nagawa na namin ito ay bakit hindi pa rin ako kontento?

"I-I'm not finish yet!" bulyaw ko.

"Yes, you are. Hayaan na natin ang mga pulis na humawak sa kanya."

"Freida! Love!" sigaw ni Jessica habang nagpupumiglas sa paghila sa kanya ng dalawang pulis. Hindi ko na masikmurang titigan pa s'ya nang matagal kaya naman tumalikod na ako at binaybay papasok ang apartment ko.

Bumuhos ang sunod-sunod na luha sa mga mata ko habang yakap ang kardigan ni Jenno na pinahiram n'ya sa akin noon. Dapat ay masaya akong nahuli na ang tarantadong stalker ko pero dahil alam kong hindi pa nagigising si Jenno ay mas nangibabaw pa rin ang matinding lungkot na nararamdaman ko sa sobrang pagka-miss sa kanya.

***

My Playmate Beki | Pechay Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon