Matapos akong kagatin ni pechay ay nakatulog na s'ya. I've decided to take her home. Baka kasi pagalitan s'ya kapag iniuwi ko s'yang lasing sa kanila. Hindi naman sa nag-aalala ako sa kanya pero nakita ko kasi kung gaano s'ya katakot at kagalit sa stepdad n'ya. I texted Amari to tell Yuna na i-call ang mudra or pudra ni Freida at sabihin na nasa kanila si chaka kahit ang totoo ay nasa bahay ko s'ya. Mabuti na lang ay mabait si Yuna at pumayag naman s'ya.
Inihiga ko s'ya nang maayos sa kama ni Jonah at nang masiguradong komportable na s'ya ay saka ko s'ya iniwan sa loob. Kumuha ako ng frozen pack ng tosino sa ref at iniakyat 'yon sa kwarto kung nasaan si merlat. Dahan-dahan kong iniangat ang damit n'ya saka 'yon ipinatong sa pasa n'ya. Gumalaw s'ya ng kaunti pero hindi natinag ang mahimbing n'yang tulog.
Since maaga pa naman ay naisipan kong magluto nang sopas para kay chaka. Kung sakali mang magising s'ya mamaya o bukas ay may iinitin ako para sa hangover n'ya. Pwede na akong maging wife. Chos!
Nang matapos ako sa niluluto ko ay nagpasya akong manood na lang muna ng movie. Gusto ko sana ng horror kaya lang ay wala naman ako kasamang kasigawan kaya I ended up watching action entitled 'Black Widow'.
Pak ehm! Palaban ang merlat n'yo. Dalang-dala na ako sa pinapanood ko nang biglang sumulpot sa gilid ko si chaka. Napatalon pa ako sa gulat dahil sa pagsulpot n'ya. Para s'yang serial killer sa mga palabas na bigla na lang susulpot sa tabi mo para manaksak.
"Lintik ka!" asik ko habang pinipigilan ang sarili kong hampasin s'ya. Napasilip ako sa wall clock at nakitang wala pang dalawang oras ang tulog ni Freida. Ang aga n'ya naman magising.
"Gusto kong maligo. Naiinitan ako." reklamo n'ya habang mapupungay pa rin ang mga mata n'ya.
"Edi maligo ka. May mga damit naman 'don si Jonah kaya hiramin mo na lang."
"Paliguan mo ako."
Napaubo ako nang wala sa oras dahil sa sinabi n'ya. Lasing pa nga talaga ang babaing 'to. Kung ano-ano ang mga sinasabi.
"Tigil-tigilan mo nga akong pokpok ka. Maligo ka na 'don!" pagtataboy ko sa kanya na ikinasimangot n'ya.
Hindi naman s'ya nagreklamo at nag-martsa na paakyat sa hagdan.
Muli kong ibinalik ang tingin sa palabas na pinapanood ko pero ilang minuto lang ang nakalipas nang marinig ko ang sigaw ni pechay sa taas kaya naman dali-dali ko s'yang hinanap.
"Hoy!"
Nang buksan ko ang pinto ng banyo ay nakita ko s'yang nakasalampak sa sahig habang hinihimas ang balakang n'ya. Tanging tuwalya lang ang saplot n'ya sa katawan kaya naman hindi ko mapigilang mapalunok habang nakapako ang tingin sa kanya.
"May mop naman kami pechay. Hindi mo kailangang lampasuhin ang sahig gamit ang pwet mo." pagtataray ko pero nginisihan n'ya lang ako. Inabot ko ang kamay n'ya at tinulungan s'yang makatayo.
"Papaliguan mo na ba ako?" tanong n'ya na ikinangiwi ko. Mabilis kong hinawakan ang mga kamay n'ya nang akmang tatanggalin n'ya na sana ang tuwalyang nagtatakip sa kahubaran n'ya.
"Talanding merlat ka. Alam ko 'yang ginagawa mo! Your seducing me!"
"Hindi ah. Gusto ko lang talagang maligo." nakangusong sabi n'ya. Putragis! Bakit ang cute ng pechay na 'to.
Napabuntonghininga ako saka muling ibinaba ang tingin sa kanya. May kamay naman s'ya para paliguan ang sarili n'ya kaya bakit ako pa?
"Fine. But don't be naughty. Sisipain kita." pagbabanta ko sa kanya pero napahagikgik lang s'ya. "Doon ka na lang sa kwarto ko since may bathtub ako roon." sabi ko kaya masayang tumango si merlat.
Maarte ako kaya nagpalagay ako ng bathtub sa banyo ko.
Hindi ko naman talaga s'ya literal na papaliguan. Lulunurin ko s'ya sa bathtub, charr. Ibababad ko lang s'ya 'ron tapos tapos na. Umahon s'ya kung kelan n'ya gusto. Alangan naman ako pa magkuskos sa kanya. Ano s'ya prinsesa?
Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila s'ya papunta sa kwarto ko. "Wait here. Ire-ready ko lang 'yon bathtub." utos ko sa kanya. Parang maamong tuta na tumango sa akin si chaka na lihim kong ikinatawa.
Maligamgam na tubig ang inilagay ko na tubig para hindi s'ya lamigin. Nang matunaw ang bubble bath bomb ay lumabas na ako para tawagin s'ya pero tulog na tulog si pechay nang maabutan ko habang nakahiga sa kama ko.
Walangya! Sayang nang bubble bath bomb ko! Ang mahal-mahal nun!
"Hoy chaka!" paggising ko sa kanya pero umungol lang s'ya. Nagpasya akong buhatin s'ya papuntang banyo saka s'ya dahan-dahan inilublob sa bathtub. Nang matakpan ang katawan n'ya ng mga bubbles ay saka ko inalis ang towel n'ya.
Hindi ko alam kung bakit hiyang-hiya ako na makita ang katawan n'ya 'e nahawakan ko naman na 'yon.
"Jenno." tawag sa akin ni Freida nang imulat n'ya ang mga mata n'ya. Inilagay nito ang braso n'ya sa gilid nang bathtub saka n'ya ipinatong ang baba n'ya doon bago tipid na ngumiti sa akin.
"Don't smile at me. Ang chaka mo." pahayag ko na mas lalo n'ya lang ikinatawa. Halata pa rin ang antok at kalasingan sa mga mata n'ya.
"Do you like him?"
"Sinetch?" kunot noong tanong ko. Wait. Si Rio ba?
"Si Rio?"
"Yah. You look happy with him tsaka bagay kayo." Halatang labas sa ilong ang papuring n'yang iyon.
Sumandal ako sa may pinto at tinitigan ang maamo n'yang mukha. "I like him." sagot ko.
"What?!" sigaw ni merlat na ikinagulat ko. Magkakasakit ako sa puso nang dahil sa kanya. Bungangang 'yan! "Walanghiya ka!" dugtong n'ya pa.
Nanlaki ang mata ko nang bigla s'yang tumayo at galit na galit sa akin. Lihim akong napa-tula ng mga malulutong na mura nang tuluyan kong makita ang hubad n'yang katawan. Sa pagpa-panic ay sinarahan ko s'ya ng pinto. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa nakita ko.
Sana sa next life ay ganun din ako ka sexy. Amen.
"Jenno!" sigaw n'ya sa loob habang inahampas nang paulit-ulit ang pinto. Siguradong kapag binitawan ko 'tong doorknob ay lalabas nang nakahubad si pechay at ipaparada sa harap ko ang kahubaran n'ya.
"Inaano ka ba?" balik kong sigaw sa kanya.
Kinakabahan ako sa kanya. Imbyerna ang merlat n'yo sa hindi ko malamang dahilan.
"How could you." mahinang usal n'ya na para bang iiyak na.
Tumahimik s'ya sa loob kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Naupo ako sa gilid ng kama ko at tinitigan lang ang pinto. Hinihintay ko kung lalabas s'ya. Hindi ko alam kung ano nang ginagawa n'ya sa loob pero sana pagpasok ko ay nakatulog na s'ya.
Juskong merlat na 'to! Sa susunod talaga ay papabayaan ko na lang s'ya sa bar. Charr. Para namang matitiis ko s'ya.
Matapos ang limang minuto ay nagpasya akong silipin na s'ya sa loob pero halos malaglag na naman ang puso ko sa gulat ng makita s'yang nakatayo sa harap ko at seryoso ang tingin sa akin. Nakatapis na s'ya ngayon ng tuwalya, thank goodness alleluyah, habang naka-cross sa dibdib n'ya ang kanyang mga braso.
"Bakit galit?"
"You don't get it don't you?"
"Hindi ka pa rin ba nahihimasmasan?" tanong ko.
"Don't change the subject Jenno!" sigaw n'ya. "Akala ko ba matalino ka!"
"Okay lady. Ang OA mo na. Hindi ko alam kung saan papunta ang usapang 'to. Pwede bang be direct to the point at 'wag mo na akong pahulain pa."
Ilang segundo s'yang nakipagtitigan sa akin bago ibuka ang kanyang bibig. "I like you dumb gay!" usal n'ya na nagpahinto sa paghinga ko.
Wait. Mali ata ang pagkakarinig ko. I'm sure na 'I hate you' 'yon at hindi 'I like you' kaya kalma ka lang bading."Alam mo ba kung gaano ako kainis kanina sa'yo at sa Rio na 'yon habang naglalandian kayong dalawa? Gusto kong basagin lahat ng bote sa ulo n'ya saka ko 'yon ipapalamon sa kanya!" nanggigigil na pahayag ni merlat.
Gusto kong tumawa pero baka ako 'tong mabasagan n'ya ng bote sa ulo o kung ano pa mang mahablot n'ya na malapit sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon Jenno! Basta gusto kita. Period!" maawtoridad n'yang sabi.
Iba rin talaga ang nagagawa ng alak. Wala kang maitatagong sekreto kapag nahaluan na ng alcohol ang sistema mo.
"Calm down pechay. Oo na, you like me na. Pwede ka namang mag-confess nang hindi nagagalit." natatawang sabi ko.
Ngumuso s'ya saka umiwas ng tingin sa akin. Kinuha ko ang kamay n'ya saka s'ya hinila palabas ng banyo at dalhin sa kwarto ni Jonah.
"Mag-usap tayo pagkatapos mong magbihis. Baka lamigin ka. Kasalanan ko pa kapag nagkasakit ka." saad ko bago isara ang pinto ng kwarto.
Sunod-sunod ang ginawa kong paghinga at pagbuga ng hangin habang pinapaypayan ang mukha ko. Chaka just confess to me! Ohemgee! Iba na talaga ang beauty ko pati babae ay natitibo at hindi ko akalaing matatamaan pati si merlat.
"Don't be to proud of yourself Jenno. Sisiguraduhin kong mawawala sa lalong madaling panahon ang nararamdaman ko para sa'yo. Gusto ko lang talagang mabawasan ang bigat sa dibdib ko kaya nasabi ko 'yon sa'yo kanina." pahayag ni pechay ng lumabas s'ya. Dumaan s'ya sa harap ko pero bago pa man s'ya makalayo ay marahas kong hinila ang pulso n'ya and pinned her to the wall.
"Tingnan natin kung saan ang tigas mo pechay. Do you really think na mabilis kang makakapag-move on sa akin?"
Ewan ko, pero nainis ako sa sinabi n'ya. Kaka-confess n'ya lang pero parang binabawi n'ya na kaagad. Aba! Hindi 'yon pupwede sa akin. Panindigan n'ya dapat ang sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
My Playmate Beki | Pechay Series #1
Romance/CO M P L E T E D/ |PECHAY SERIES # 1| Jenno King Salazar ♥️ Jenno is Freida's no. 1 hater. Why? Bukod sa nasasapawan na ng dalaga ang kanyang beauty ay naiirita rin s'ya sa ka-pokpokan nito ngunit lingid sa kaalaman ng baklang jellyfish a.k.a Jenn...