13th Affair

19 1 0
                                    


Andrea's POV




"What?" Lalong nag salubong ang kilay ng taong nakaupo sa Driver's seat. Kanina pa kasi ako nakatitig sa kanya. "Do you have something to say to me?" Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan yung ginawa niya kagabi. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kagagawan niya.


Ngayon tuloy hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatingin sa kaniya at mapaisip kung anong pumasok na masamang hangin sa kanya at sinalat niya ang noo at leeg ko kagabi.

I know walang masama sa ginawa niya pero hindi naman kami ganun ka close parin gawin niya yun sakin.


Sinapian ba siya ng masamang espiritu? Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko.


"What is it?" He asked. Nasa byahe kami papuntang school ngayon at siya ang nag d-drive dahil wala ang Family Driver nila.


"Nothing." Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Itinuon ko na lang ang tingin sa daan sa labas.


"Are you still sick?" He said. Napalingon ako agad sa kanya. Baka kasi mamaya bigla nanaman niya salatin noo at leeg ko. Feelingera na kung feelingera pero it's giving me goosebumps. We're not that close for him to do that.


"I'm not! Just focus on driving!" Nahihintakutan kong saad habang medyo nilayo ko ang upper body ko sa kanya. Kumunot ang noo niya pero ibinalik niya agad ang tingin niya sa daan.

After 30 mins. na byahe malapit na kami sa school.


"Stop. I'll get off here." Sabi ko sa kanya nang nasa harap na kami ng malapit na coffee shop sa school namin. He stopped the car and I immediately went outside. Mabilis akong nag lakad papasok ng coffee shop.

Bukod sa ayaw kong may makakita samin na magkasama sa kotse niya, lagi akong bumibili ng sweet drinks dito sa coffee shop malapit sa school bago pumasok sa klase or sa SC Room.

Nag order ako ng usual drink na ino-order ko and then sinalin ito sa dala kong tumbler. After ko mailagay ang straw at maisara ang lid, lumabas na ako shop.

Nagulat pa ako ng makitang nasa harap parin ng coffee shop ang kotse ni Monasterio. Nilampasan ko lang ito at naglakad papasok ng school.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may bumusina sa likod ko. Pag lingon ko, nakasunod ang kotse ni Monasterio sa likod ko.

"Get in." Saad ni Monasterio habang naka baba ang bintana ng passenger's seat.

Binilisan ko ang lakad ko. Medyo marami na rin ang mga estudyante sa paligid dahil malapit na kami sa gate ng school.

Pag pasok sa gate ng school tumakbo na ako papuntang SC Room. Hingal na hingal ako pag dating ng room.

"What happened? You look like you're being chased by a ghost." Nagtatakang tanong sakin ni Paolo.

"Monster." I corrected him. "I'm being chased by a monster." Huminga ako ng malalim para mahabol ang hininga ko.

Napailing na lang si Paolo sa sagot ko pero hindi na siya nag salita pa at nag focus sa paperwork sa harap niya.

Ni-review ko naman ang mga paperwork na nasa harap ko na need ng approval ko at pirma. May isang oras pa bago ang first subject ko for today.

Might as well be productive. I thought while I make myself busy.



Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon