14th Affair

19 1 0
                                    


Yuki's Note: Sorry for the long wait. Busy lang. Pero babawi ako.

Will change the format on how I write the stories kasi mobile lang gamit ko sa pag update. Nasira laptop ko.

May readers pa ba ako? Comment naman kayo.

:)

Happy Reading!

+ + +

Andrea's POV



"Okay class, for your final examination dito sa subject ko, I want you to think of a performance that you will present sa upcoming Intramurals natin." Our P.E. Professor said.

"You need to have at least two performances. The first performance should be presented on the first day of our Intramurals, while the second performance should be presented on the last day of our Intramurals." He added. Dahil tuloy sa sinabi niya nagka gulo ang klase.

"Settle down! Hindi pa ako tapos. I want everyone to participate, dalawang performance yun, kaya lahat pwedeng makapag participate. Kayo ng bahala mag isip ng kung anong performance ang gusto niyong gawin as long as it's still under our school's regulations. Later on, idi-distribute ng mga taga Student Council ang list of programs for everyone's guidance." Tinanguan niya pa ako, and I nodded at him as a response.

"Ang  hindi mag participate, bagsak sa final examination dito sa subject ko." I groaned. Halos lahat kami nag react dahil sa sinabi niya. "So from this day hanggang sa matapos ang Intramurals, wala munang discussion during my class. BUT! You have to discuss, plan, and practice for the upcoming performance that you're gonna present. You have 1 week to practice before the presentations."

Again nag kagulo nanaman ang lahat. Pinatigil ng Professor namin ang ingay ng mga kaklase ko at tinawag niya ang Class Representative na ni-appoint niya dito sa subject niya.

Nang tumayo ang Class Rep namin, nag brainstorm ang buong klase sa kung anong magiging performance namin sa darating na Intramurals.

Yung ibang may mga suggestions ay nag taas ng kamay at yung iba naman, ay nakinig lang. After 10 mins. may mga naisulat na siya sa White Board namin. 

"Wala ng ibang suggestion?" Wala ng nag taas pa ng kamay. "Okay, let's proceed sa votations. Just raise your right hand if you're in favor of the suggestion that would be mentioned. Isang beses lang po mag v-vote ah. Wag tayong salawahan."

Tiningnan ko ang white board, ang mga suggested performance na nakasulat ay..

Band Performance
Dance Performance
Play (Musical) ala PITCH (but not so) PERFECT
Korean Drama (RomCom)

Yang tatlo lang ang napag isipan ng buong class. Napailing na lang ako habang nakangiti. Nag simula na ang voting. The result?

Band Performance - 8
Dance Performance - 6
Play (Musical) - 1
Korean Drama - 1


Nagkagulo nanaman ang buong class dahil sa results. They are even fighting as to who will sing and dance. Itinuon ko ang pansin sa papel na nasa harap ko.


"Okay. So it's been decided that it will be Band and Dance Performance for the 1st and 2nd Performance. Now.. Pag usapan naman natin kung sino-sino ang mag p-participate sa Band Performance. Tapos the rest na matitira, they will participate of course sa Dance Performance." Ang daming mga side comments na maririnig sa paligid. Mostly, mga nag rereklamo.


"Any volunteer sa gusto kumanta? Yung dapat na kasali sa Band Performance knows how to sing and play an instrument or two. Para pag nakabuo tayo ng mag p-perform, bahala na sila mag usap-usap kung sino magiging vocalist nila.  And please lang, yung mag v-volunteer naman yung hindi tayo mapapahiya ah."

Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon