16th Affair

12 1 0
                                    









Andrea's POV








"Did you sleep well last night?" Hindi ko pinansin ang taong nasa harap ko at kasabay ko kumain ng breakfast. Nag focus lang ako sa pagkain ko. Sa tono pa lang ng boses niya, alam mo na agad na nang aasar 'tong isang 'to.


Mabilis na natapos ako sa pagkain ko kaya iniwan ko na agad si Monasterio sa dining area. Nagpunta ako sa garden at pumwesto sa duyan saka inilabas ang phone. Nag s-scroll lang ako sa social media apps ng biglang mag ring ang phone ko.

Incoming call from Paolo 😒

"Napaka clingy mo naman. Sunday ngayon pero gusto mo parin ako kausap." bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Yuck. Dream-on."  I can imagine him rolling his eyes. Haha!

"What do you want?"

"I'm on my way to pick you up."

"What?!" muntik na ako mahulog sa duyan ng bigla akong napatayo sa gulat. "W-What do you mean by that?"

"Diba bibili tayo ng tela for your costumes?" Drat! I completely forgot about it. Kahapon nag chat nga pala ako sa gc na kailangan namin bumili ng tela para sa isusuot namin na Student Council girls para sa Intrams.

"S-Sino kasama mo?" nagmadali ako tumakbo paakyat sa kwarto ko at nag hanap ng maisusuot.

"I'm alone. I'm going to pick you up, then we'll pick up Cassandra."

"Si Cassie na lang unahin mo sunduin, tapos magkita na lang tayo sa mall."

"What? Mas malapit na ako sayo kaysa kay Cassandra."

"Hindi pa ako nakakaligo. Siya na lang sunduin mo then sunod na lang ako sa mall." yun lang at ni-end ko na ang call. Mabilis akong pumasok sa banyo ng kwarto ko at naligo.



----------------------------------------



3rd Person POV





Napailing na lang si Paolo ng bigla na lang ni-end ng kausap ang call. Nag u-turn siya sa pinaka malapit na u-turn slot saka tinahak ang bahay ni Cassandra. He decided to dial her number.





"Hello?"


"I'm on my way to pick you up."


"Okay. Ingat." binabaan din siya agad ng kausap. Napailing na lang siya.


Women. Saad niya sa isip habang naiiling.


After 20 minutes, nasa harap na siya ng bahay ni Cassie. Tinext niya na lang ang dalaga na nasa labas na siya ng bahay nito. Wala pang isang minuto at palabas na ng gate ang dalaga.


Lumabas ang binata mula driver's seat saka umikot at binuksan ang pinto ng passenger seat na ikinagulat ni Cassie.


"Where's Pres?" tanong ni Cassie bago sumakay sa passenger's seat. Isinara ni Paolo ng marahan ang pinto ng passenger seat saka umikot at umupo sa driver's seat bago sumagot.


"Hindi pa raw siya nakakaligo. Sunod na lang daw siya sa mall." napatango na lang si Cassandra sa sagot ng binata.


Tahimik lang sila pareho sa byahe. Ayaw ni Cassandra mag salita dahil baka asarin nanaman siya ni Paolo. Ang bilis pa naman niya mapikon pag ito ang kausap. Inabala na lang niya ang sarili sa pag s-scroll sa facebook page ng school nila.


Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon