Andrea's POV
One of the privileges ng pagiging Member ng Student Council ay ang pagkakaroon ng access sa Basic Student Information ng mga estudyante.
At pag sinabi kong basic infromation, it means the Full Name, Age, Birthday, Student Number, Address, Email-Address, Contact Number, Contact Person In Case of Emergency, and Class Schedule of the Students.
At kasalukuyan kong hinahanap ang Information tungkol kay Monasterio. Don't get me wrong. Hindi ko siya ini-stalk. Gusto ko lang malaman ang schedule niya para naman maunahan ko siyang umuwi. Wala na akong pasok ngayong 3pm. At wala namang masyadong paperworks ngayon sa SC kaya plano kong umuwi agad lalo na kung ang last subject ni Monasterio ay late pa matatapos. HAHAHAHAHAHAHA!
Gusto kong umuwi ng hindi siya kasabay, para naman ma feel ko ang freedom ko and makapag lakwatsa pa ako. Lately kasi lagi ko siyang kasabay pauwi dahil na rin sa bilin ni Mama kaya 'di na ako nakakapag lakwatsa. Hindi ko naman pwedeng hindi sundin ang bilin ni Mama dahil panigurado akong nag susumbong ang lalaking 'yun kay Mama. For sure mag aalala 'yun. Ayoko namang nag aalala siya during they're so called honeymoon. -_-
After 5 mins. ng paghihintay na mag load ang Student Information niya, nakita ko na rin sa wakas ang Schedule ni Monasterio.
"Bingo." di ko napigilang sabihin.
Ang oras ng last subject niya sa araw na 'to ay 4:00 to 5:30pm. Major Subject.
*BLAG*
Bigla kong in-exit ang Student Profile na nasa harap ko dahil sa gulat at nilingon ko kaagad ang biglang pumasok.
"Don't you know how to knock?!"
"What's with your reaction? You looked like you were caught red-handed." Paolo said at lumapit pa sakin na may nakakalokong ngiti sa mukha. "What were you looking at?"
"F*ck off, b@st@rd!" Masamang tingin ko sa kaniya.
"Don't tell me you're watching porn?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pinalipad ko na sa gawi niya ang notebook na nasa tabi ko.
Mabilis naman siyang nakailag at tumawa ng malakas. "Hahahahahaha! Defensive? Tama ba hinala ko?"
"Dream on! Hindi ako tulad mo." Inayos ko na ang gamit ko sa table ko at nag simula ng mag ligpit ng gamit ko.
"Uuwi kana agad?" Nag p-panic na saad ni Paolo.
"Bakit ba? Wala na akong pasok, at wala namang paperworks ngayon. Once in a while, I'm allowed to go home early." Isinuot ko na ang shoulder bag ko. "Bukas tayo mag m-meeting about sa upcoming plans for our Intramurals."
"What time?"
" I'll send the details later."
"Copy that."
"Make sure to lock the door before going home."
"Yeah right."
Mabilis akong sumakay ng taxi papunta sa Mall. Pagdating sa Mall, dumiretso ako kaagad sa Timezone at nag load ng card ko.
Pagkatapos magpaload ng card, dumiretso kaagad ako sa Basketball Arcade at naglaro. Stress reliever ko kasi ang paglalaro dito sa Timezone lalo na nitong Basketball Arcade. Once a week ko 'tong ginagawa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
HumorFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?