At dahil inspired ako kasi nakasalubong ko at muntik ko pang mabangga si crush sa ramp ng school namin, ayan.. Maga update ako. Hahaha! The feels~!Kinikilig parin ako hanggang ngayon!
---
*Tail*
Andrea's POV
Sabado ngayon, wala akong pasok. Pero nag ayos parin ako para magpuntang school. I just wanna check the other officers kung kumusta na ang ginagawa nila.
Pababa na ako sa salas ng maabutan ko si Monasterio na prenteng naka upo habang nag babasa ng Newspaper. Para siya 'yung mga nasa Korean Drama na napapanood ko na mga tatay ng bida na umagang-umaga, dyaryo ang kaharap habang nag kakape. Ang kinaibahan lang, Monasterio's not bald.
Hahaha! A sudden flash of image came into my mind, and I almost laughed. Ano kaya itsura niya?
"Going somewhere?" He asked without looking up.
"School." Yun lang at nilayasan ko na siya. Pero hindi pa nga ako nakakalayo, nagsalita kaagad siya.
"Ihahatid kita." Sabi niya at sumunod sakin
"No need. Kaya ko naman mag commute. Tsaka may pupuntahan pa ako before school." Sabi ko at hindi siya pinansin. Pero hindi siya nakinig at inayos na ang kotse niya.
An Idea crossed my mind.
"Talaga bang sasamahan mo ako sa lahat ng pupuntahan ko?" I smirked.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, instead pumasok siya kotse niya at ini-start 'to.Ah ganun ah.. Ewan ko na lang kung susundan mo pa ako sa susunod.
---
"Ma'am, ano pong kulay ng manicure ang gusto niyo?" Tanong sakin ng taga manicure/pedicure dito sa salon.
"Ahh no. Papalinis lang ako ng kuko dito sa kamay, sa paa lang ako magpapa manicure." sagot ko naman sa manicurista. "Black manicure." tumango naman ang manicurista ko at nagpatuloy sa pag linis ng kuko sa kamay at paa.
"Kayo po Sir? papamanicure din po kayo?" Baling nung isang manicurista sa kasama ko. Lihim akong napangiti.
Hahaha! Yan kasi, ang hilig bumuntot sakin, yan ang napapala mo. now what will you do?
''No, it's fine. My hands and feet are still clean." Baliwalang sagot niya at naupo sa waiting area at kumuha ng magazine na mababasa.
Napasimangot naman ako. Tsk. Galing ah! Parang wala lang..
Kinuha ko na lang ang phone ko at nag surf na lang. I texted Cass na male-late ako sa pag punta ng school kasi may aasarin pa ako. Wala naman daw problema.
Hindi tumalab sa'yo yun? Pwes, ito tatalab 'to. Hahaha! Mamatay ka sa paghihintay!
I mentally laughed.
"Ate, ipaparebond ko pala 'tong buhok ko." Sabi ko kay Ate. Para maiba naman. Wavy kasi ang buhok ko at abot ng baywang. Kapag na rebond na siya papabawasan ko rin ng konti.
"Sige po Ma'am." Sagot naman niya.
Although okay lang naman sakin na ganito buhok ko, pero nandito na lang naman na kami, might as well grab the oppurtunity. Idagdag mo pang gusto ko inisin 'tong si Monasterio. Bahala siya mamatay sa paghihintay. Pwede naman kasing iwan niya na lang ako.
Nang matapos si Ate sa pag lilinis sa kuko ko sa kamay at pag lilinis at pag mamanicure sa kuko ko sa paa, lumapit sa'kin si Monasterio.
"What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Uuwi ka na ba?" Nakangiting tanong ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
HumorFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?