7th Affair

90 2 0
                                    



Andrea's POV


"What do you want?" Pambungad na tanong ko kay Paolo pagkasagot na pagkasagot ko pa lang sa tawag niya.

"Let's meet up."

"Huh?" Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. 9:15am. "Okay ka lang? Sunday ngayon, walang pasok baka nakakalimutan mo."

"I know it's Sunday today. Let's just meet up." Paolo said.

Masyado 'ata siyang seryoso ngayon. Nababaliw na 'ata talaga 'tong lalakeng 'to. Hahaha! Mapag-tripan nga. I smiled devilishly.

"Are you asking me out on a date? Grabe ah. Ang bilis mo namang nabaliw at nagkagusto ka kaagad sa'kin---"

"The f*ck! Something's really wrong with your head huh? Stop it! It creeps the hell out of me!" Napahagalpak na lang ako ng tawa dahil sa reaction niya.

Nang humupa na ang tawa ko, nag salita na ulit ako. "Saan naman tayo pupunta? Are you that bored? Pwedeng iba na lang ang yayain mo? Tinatamad akong lumabas ngayon eh. Hassle mag commute." Ang sarap kaya humilata sa kwarto habang naka full blast ang aircon.

"All right. If you don't want to commute, I'll pick you up. Be ready by---"

Bigla na lang akong napabalikwas ng bangon.

"WHAT?!--NO!! I mean--Magkita na lang tayo. Oo! Tama! Magkita na lang tayo. Saan ba?" Oh gosh! His offer is really good, but then again, there's no way in hell na papayag akong sunduin niya. Tsismoso pa naman 'yun.

"Wow! Choosy pa? Ikaw na nga susunduin,umaayaw ka pa?"

"May pera naman ako pamasahe 'no. Saan ba?"

"Sa Mall."

---


Cassandra's POV

MONDAY

"Umalis kasi kaming lahat by lunch 'nung saturday. Kumain kami sa Cafeteria 'nun. Pag balik namin, 'di ko naman napansin kaagad na ganun na 'yung bag ko. I noticed it siguro after an hour 'nung may kukunin ako, ayun ganun na ang itsura niya 'nung kinuha ko." Paliwanag ko kay Pres. Magkaharap kami ngayon at kami lang dito ang tao sa SC dahil pinalayas niya ang lahat para lang makapag usap kami.

"Sabay-sabay ba kayong umalis 'nung Sabado?" Tanong niya sakin na para bang napapaisip.

"Yes."

"Marami bang students 'nung Saturday dito sa School?" She stood up at nagpunta sa harap ng bintana.

"Medyo. 'Yung iba kasi sa kanila may mga pasok and the rest I don't know." Kahit naguguluhan ako sa tanong niya, sumagot parin ako.

"Gaano katagal kayo sa Cafeteria?" She asked while looking outside the window.

"An hour."

"Hmm.. Just enough time to make a crime." She said as she turned to face me.

"What do you mean? May ibang taong involved dito?" Napakunot ang noo ko.

"Yes. It's someone else's doing. It's not Paolo's doing. Hindi sa kinakampihan ko 'yun. Pero I've known him since we're in high school and yes, he's good at playing pranks but not to that extent. He won't destroy someone else's things just to have fun." Napangiwi si Pres. "Mahirap mang aminin, pero hindi naman siya ganun ka sama."

Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon