*Demanding?*
Andrea's POV
6pm na ng maisipin kong dumaan sa Student Council Room. Iche-check ko lang kung nagawa na nila 'yung mga naka assign sa kanilang trabaho.
Pagdating ko, nandoon pa sila Paolo at Cass, inaayos ang mga paperworks.
"Asan 'yung iba?" Tanong ko sa kanila pagpasok ko, pertaining to the other officers.
"They already finished what they need to do." Cass said. "Mauna na ako ah? May pasok pa kasi ako. You know. Night class." She said as she stormed out the room.
Napasulyap ako sa table na iniwan ni Cassandra, napailing na lang ako.
"What's wrong?" Tanong naman sakin ni Paolo.
Nilapitan ko naman siya at binigay ang librong naiwan ni Cass. "Give it to her. She needs it now." Sa sobrang kamamadali ng babaeng 'yun, naiwan niya ang libro niya.
"Why me? Tsk. Babalik na lang 'yun kapag naalala niya." Sabi naman ni Paolo at nag ayos na ng gamit niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay at tiningnan ng masama. "Oo na. Dadalhin ko na sa kanya." Napailing na lang siya at nilagpasan ako. "Slave driver." Bulong niya na narinig ko naman.
"May sinasabi ka Paolo?" Tinaasan ko siya ng kilay kahit nakatalikod siya sakin.
"Wala. Sabi ko, uwi na ako. Umuwi kana rin." Palabas na siya ng pinto ng..
"Yung libro." Paalala ko.
"Tsk." He said at humarap sakin at kinuha 'yung libro pagkatapos he stomped out of the room.
Kala niya siguro maiisahan niya ako.
Lumapit ako sa table ko, binasa ko naman 'yung mga reports nila.I was so engrossed with what I'm reading ng may kumatok. Nag angat naman ako ng tingin.
Leaning against the door is none other than my step-brother.
"What?" I asked.
"Let's go."
Oo nga pala, nakalimutan ko ang tungkol sa kaniya. Napangiwi na lang ako ng maalala ang mga sinabi ni Mama.
I looked at him. Nagdadalawang isip kung sasama ba ako sa kanya o hindi. He just raised one of his eyebrows at me. I guess hindi siya aalis hangga't hindi ako sumasama.
I sighed. I got up and fixed my things at sumunod na sa kanya na nag simula ng maglakad ng makita akong tumayo na.
Medyo marami-rami pa ang mga students sa hallway. Mostly 'yung mga may night class. At para naman hindi ako mag mukhang nakabuntot sa kanya eh inunahan ko na siya sa paglalakad, or should I say na iniwan ko na siya at nauna na sa Parking Lot ng school.
Pagdating sa parking lot, hindi ko alam kung alin ba ang kotse niya so I waited for him. At ang hudyo, ang tagal dumating! Mukhang pinaghihintay pa ako!
After almost 8 mins. na paghihintay ay sa wakas dumating na rin siya at lumapit at pumasok sa Itim na Porsche convertible. Napataas naman ang kilay ko.
Sayang naman ng convertible mo. Hindi mo naman pwede buksan, puno kaya ng pollution ang road. Unless, magbyahe ka papuntang probinsya. Oh well, I don't really care.
Pumasok na ako sa backseat. Akala ko aalis na agad kami pag pasok ko, pero hindi pala. Instead na i-start niya ang kotse niya ay lumabas siya tapos binuksan niya ang pinto sa backseat.
"Sit in the front. I'm not your driver." Nang hindi ako sumunod sa utos niya, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Kinuha niya ang braso ko at hinatak palabas.
"Wait--" Binuksan niya ang pinto sa passenger's seat at itinulak na ako doon. Mabilis naman siyang nakabalik sa driver's seat. I was about to say something ng bigla niyang paharurutin ang kotse.
Oh no! Sana naman kung may balak siya magpakamatay, iuwi niya muna ako sa bahay bago niya gawin 'yun!
I still value my life!
+++
Lame, I know. Kailangan ko lang talaga iraos 'to. Sayang ng idea eh. :)
Bawi ako next update!
-Yuki
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
ComédieFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?