Andrea's POV
"Okay team, nice play! Bukas ulit ang practice, same time and place." Napaupo ako sa sahig ng Volleyball court. Unang araw ngayon ng practice namin. Pagod na pagod ako dahil ang tagal ko rin na hindi nag laro ng volleyball kaya matagal na akong walang exercise.
Kanina lang habang nag s-stretching parang mababali na katawan ko dahil hindi na ako sanay mag stretch, lalo na at pinag laro pa kami ng isang match, paniguro bukas masakit ang buong katawan ko nito.
Nang mahabol ko na ang hininga ko, tumayo na ako at nag ayos ng gamit. After masigurong wala na akong naiwan na gamit, nag punta na ako sa SC room para makapag palit ng damit.
"Pres, kailan pala tayo mag p-practice? And saan tayo pwede mag practice?" Cassie asked pagdating ko sa SC room. Nilibot ko ang paningin sa SC room, halos kumpleto naman kami.
"May mga pasok pa ba kayo mamaya?"
"Wala." sabay-sabay nilang sagot.
"Good. Let's have a meeting after I changed." iniwan ko na sila at nag tungo sa banyo sa loob ng SC room. Since kumpleto naman amenities ng SC room, naisipan ko na rin mag hot shower para mawala ang pawis sa katawan ko. Hindi nag tagal natapos na ako sa paliligo at pag palit from P.E. uniform to our normal unifrom.
"Let's start." umupo na ako sa pwesto ko. "Final na 'yung mga taong mag p-perform ah. As for the place, I just have an idea where we can practice without worrying about the instruments." I grinned.
-----------------------
Paolo's POV
"Open the gate." Napatingin ako sa caller ID sa kabilang linya.
Tulay
00:30
Tama naman kausap ko si Bridgette, siya yung kanina pa tumatawag sakin habang nasa banyo ako at naliligo. Pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ibinalik ko sa tapat ng tenga ang phone ko.
"I think you're calling the wrong person." Sabado ngayon, wala akong pasok, at lalong wala rin napag usapan na may meeting or kailangan gawin sa office ang mga SC members kaya hindi ko alam kung bakit tumatawag sakin ang isang 'to.
"Open the gate. Let us in." Napakunot ako ng noo. Sinilip ko ang oras sa bedside table clock ko.
9:30
"What do you want?" Ang aga-aga pa pero ang lakas nanaman ng trip nitong si Bridgette.
*toot* *toot* *toot*
Napailing na lang ako ng mawala na sa kabilang linya ang kausap ko. Ibinulsa ko ang cell phone ko at nag palit ng damit. After mag bihis, kinuha ko ang towel ko at nag simulang punasan ang buhok ko.
*ding dong* *ding dong*
Lumabas ako ng kwarto ko at nag simulang bumaba sa hagdan, nakita ko naman na naka labas na ng pinto ng bahay ang nanay ko kaya imbes na lumabas din at silipin kung sino ang nasa labas ng gate, mas pinili ko na lang maupo sa living area namin at binuksan ang TV.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
HumorFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?