3rd Affair

188 4 0
                                    

Andrea's POV

Kakatapos ko lang maligo at mag ayos. Bumaba na ako kaagad para makapag agahan na at makapasok na sa school. Mahirap na. Baka ma-late ako. Medyo malayo pa naman 'tong bahay na 'to sa school.

Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko silang handa na kumain. Kaya naman naupo kaagad ako sa tabi ni Mama at nagsimula na rin kumain. Tumaas pa nga ang kilay ni Monasterio pagkakita na pagkakita niya pa lang sakin. Tinarayan ko lang siya. Hmph!

"How was your sleep? Are you comfortable with your new room?" tanong sakin ni Tito habang kumakain kami. Nilunok ko muna yung nginunguya ko saka ko siya nginitian.

"Yes. It's beautiful." sagot ko naman.

"I told you honey. Magugustuhan niya yun." sabi naman ni Mama kay Tito. So that explains it kung bakit halos lahat ng gusto ko at kailangan eh nandoon na.

Pagkatapos kong kumain eh tumayo na ako kaagad. Para makapasok na.

"Hija, saan ka pupunta?" takang tanong sakin ni Tito.

"Papasok na ako sa school." sagot ko naman.

"Hindi ka ba sasabay kay Seb?" tanong naman ni Mama.

"Ah.. Magta-taxi na lang ako. May dadaanan pa kasi ako." palusot ko naman. Ayoko ngang makasama sa iisang kotse yung lalakeng yun.

"Magpahatid kana lang sa driver natin. Nasa labas lang yun, naghihintay." sabi naman ni Tito. Tumango lang ako at saka umalis.

- - - - - - - - - - -

Lunch time ngayon, at instead na nasa Cafeteria ako para kumain, eh nagpabili na lang ako kay Paolo ng pagkain at dito na lang ako kakain sa Student Council Room. May tinatapos kasi akong paperwork. Though matagal pa naman ang deadline nito, pero habang maaga pa, gusto ko na 'to matapos. Ayoko kasing matambakan ng trabaho.

*knock* *knock*

"Pasok." siagw ko habang kumakain at nagsusulat. Narinig ko namang bumukas ang pinto, pero hindi parin ako lumilingon.

"Dedicated ka naman masyado sa mga trabaho mo, pati lunch break trabaho parin inaatupag mo." Napalingon naman kaagad ako sa nagsalita at nakita ko si Al na nasa tabi ko. Napangiti na lang ako.

[A/N: Cameo Roles! Si Al po or si Alliah po ng Bitchin' Love (another story ko po) ang kausap ngayon ni Bridgette. Promote promote din pag may time! :D ]

"At ikaw naman, ang dami mo talagang free time noh?" sabi ko sa kanya at inalok ko siya ng pagkain. Pero tinanggihan niya naman at naupo siya sa tabi ko.

"Ba't andito ka? Don't tell me, may ginawa ka nanamang kalokohan dun sa kapitbahay mong Koreanong hilaw, noh?" pang-aasar ko sa kanya.

"Tse! Tigilan mo ako. Napadaan lang naman ako dito eh. Gusto ko lang manggulo." sabi niya naman sabay tawa. Baliw talaga ang babaeng 'to. Hindi ko alam kung pano ko nga ba siya nakasundo kahit na magkaiba naman kami ng ugali.

Kung gusto niyo malaman kung pano nga ba kami nagkakilala at naging close, eh abangan niyo na lang ang updte ng baliw na otor natin sa BITCHIN' LOVE. Malapit na rin naman niya 'yun i-post.

"Ang mabuti pa, ibili mo na lang ako ng juice. Para naman makatulong ka sakin." sabi ko sa kanya at hinampas niya na lang ako bigla.

"Hoy! Hindi ako kasali sa mga underlings mo kaya magtigil ka. Sila na lang utusan mo. Speaking of them, nasan yung mga yun?" she asked, pertaining to my co-officers.

Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon