3rd Person POVAlas Sais pa lang ng umaga, gising na si Andrea at naghahanda na para pumasok. Kahit na Alas Diyes pa ang pasok niya, minabuti niyang umalis ng maaga para hindi makasabay pumasok si Jethro Sebastian Monasterio.
Ayaw niya kasing isabay nanaman siya ni Jethro sa kotse nito. Ayaw niyang may makakitang sabay sila pumasok what more nasa isang sasakyan pa galing. Mahirap na.
Pagkarating sa University nila, dumiretso agad siya sa Student Council Room. Isa pa sa mga rason kung bakit niya agahan ang pag punta sa school ay para may sigurong isang bagay.
Nadatnan niyang naglilinis si Paolo sa loob ng Student Council Room.
"Oh. Ang aga mo 'ata. Diba mamaya pang Ten ang pasok mo?" Saad ni Paolo. Alam niya kasi ang schedule ng dalaga dahil na rin sa pagiging Presidente nito ng SC.
Samantalang siya, mamayang Ten ay pangalawang subject niya na 'yun. Kanina pang 7:30 nag simula ang first subject niya.
He's using his vacant time to clean the SC Room. Alam niya kasing sa lahat ng members, siya ang may pinaka maagang pasok.
A very responsible VP I am. He thought. Nasira naman ang pagda-dialogue niya sa isip ng lampasan lang siya ni Andrea at hindi sagutin ang tanong.
"Hoy! Ang bastos mo minsan kausap." Reklamo niya kay Andrea. Pero imbes na mag react, ibinaba lang ni Andrea ang gamit niya sa mesa niya at lumabas ng SC Room.
"Hoy! Yung pinto! Wala bang pinto sainyo? Ang bastos mo na ngang kausap, 'di ka pa marunong mag sara ng pinto." Reklamo ulit ni Paolo at sinundan si Andrea sa labas ng SC Room.
Nadatnan niya itong nakatingala sa kisame. Sinundan niya naman ang tinitingnan nito.
CCTV Camera.
"Hoy.. Don't tell me, nagpapa cute ka diyan ah?" Tanong ni Paolo habang nakatingin parin sa CCTV Camera na nakalagay di kalayuan sa SC Room.
Imbes ma sumagot si Andrea, kinuha niya na lang ang walis na hawak-hawak ni Paolo at pumasok sa SC Room. Iniwan niyang nakatingala parin sa CCTV habang si Paolo habang nag iisip. Natauhan lang ang huli ng isinara niya ang pinto ng SC Room.
"Hoy! Kita mong may tao pa sa labas, sinasarhan mo na kaagad?" Dali-daling pumasok si Paolo ng SC Room. "What were you thinking?"
"Nothing. Ikaw na muna bahala dito sa SC Room. I need to go somewhere. Pag paalis kana at wala parin ako or 'yung ibang members, make sure to lock the door." Yun lang at lumabas na ulit si Andrea ng SC Room.
"Why do we have to lock the door.." then memory came rushing back to him. "Don't tell me.." Nakuha na niya kaagad ang lahat. He shrugged. "You're one hell of a smart-ass." Yun na lang ang nasabi ni Paolo at pinag patuloy ang ginagawa niya.
---
Pabalik na si Andrea sa SC Room ng may tumawag sa kanya. She turned around and saw Kryssa trying to catch up with her.
"Papunta ka ba ng SC Room? Sabay na tayo." Kryssa said. "Saan ka pala galing?"
"President's Office." Andrea glanced at her wristwatch. It says 9:50. "Kryssa, do me a favor." Andrea said as they continued to walk.
"Sure. Ano 'yun?" Tanong naman ni Kryssa. Masaya siya dahil unang beses niyang narinig na humingi ito ng pabor. Andrea never asks for favors kahit kanino sa SC Members.
"Please tell Paolo to bring my bag to my classroom by 10, I can't make it to class pag dumaan pa ako sa SC Room. And please text everyone that we'll have a meeting later by 12noon. No excuses."
Okay. Count on it." Krysaa smiled at her.
Paalis na sana si Andrea ng may maalala. Lumapit ulit siya kay Kryssa.
"Tell this to Paolo if ever ayaw niyang dalhin 'yung bag ko papunta sa room ko." Andrea smirked. "'If you don't want to bring my bag to my room. It's fine. Just say goodbye to your little secret.'" Andrea winked at Kryssa at tinalikuran na ang huli. Natawa naman si Kryssa kahit hindi niya alam ang sikreto ni Paolo.
She really knows how to hold someone by the neck. Kryssa thought, smiling while she started walking.
---
Paolo's POV
"Hey Pao~"
Napalingon naman kaagad ako sa nasa pinto.
"What?" Tanong ko sa kanya at isinukbit ang back pack ko sa right shoulders ko.
"Aalis kana?" Tanong sakin ni Elijah.
"Yup. May pasok ako." Sagot ko naman.
Lumapit sakin si Kryssa habang bitbit niya ang bag ni Bridgette.
"I saw Pres. awhile ago. Please bring this to her. Hindi na kasi siya aabot pa sa room niya kung dadaan pa siya dito." Kryssa said at isinukbit na rin niya ang sling bag ni Bridgette sa kaliwang balikat ko.
"Huh? Bakit ako? May pasok din ako ngayon. Pag dinaanan ko pa 'to sa room niya, male-late ako. At hindi niya ako utusan para gawin 'yun." Reklamo ko. I was about to give back the bag to her when she spoke.
"Oh, by the way. She has a message for you." She cleared her throat. "If I remember it correctly, it goes like this.. 'If you don't want to bring my bag to my room. It's fine. Just say goodbye to your little secret.'" Kryssa winked at me.
My eyes widened.
Kinuha ko kaagad kay Kryssa ang bag niya ay dali-daling tinungo ang pinto ng SC Room.
"She's really a slave driver!" Narinig kong komento ni Elijah.
"And a black-mailer!" Kryssa.
"Poor Paolo~" Miko.
Bago ako makalayo mula sa SC Room, narinig ko pa silang nagtatawanan.
Nagmadali akong tumakbo papuntang hagdan. Nasa 4th floor ang room niya.. Habang sakin naman ay nasa 1st floor!
Damn it, woman!
You're really a pain in the ass!
+++
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
HumorFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?