Andrea's POV
"Good game!" Sigaw ng Coach namin after namin mag laro. "That's it for today. Opening na bukas, so wala tayong practice, take this opportunity to rest. Magkita-kita tayo sa second day ng Intrams, two o'clock ang first game natin. Enjoy tomorrow's opening. Dismissed!" Yun lang at nag sipulasan na kaming mga kasali sa laro. Dumiretso kaagad ako sa shower room ng gymnasium namin para maligo.
Bukas na ang Opening ng Intrams namin. Mag sisimula ang opening ng four o'clock at magtatapos ito ng nine o'clock. Yun ang trip ng Principal at mga Professors which is pumabor naman saming mga estudyante kaya wala namang nag reklamo.
Pagkatapos kong mag shower at mag bihis, dumiretso agad ako Student Council para i-check ang mga co-officers ko.
"Hi guys!" Bati ko sa kanilang lahat. Inilapag ko ang bag ko sa table at nag simula na kaming mag meeting. "Kumpleto na ba mga papers? Kumusta naman ang booth? May problema pa ba?"
"Everything's good" sagot ni Paolo. Tumango naman ako. Nag usap pa kami saglit bago napag kasunduan na tapusin na ang meeting.
"A day before ng last day ng Intrams, saka tayo ulit mag practice, is that okay?" Tanong ko sa mga kasamahan kong mag p-perform for our band performance. Tumango naman silang lahat. "I'll see you tomorrow. Meeting adjourned." As if on cue, lahat ng co-officers ko ay nag si labasan na ng Stund Council Room. Ako na lang ang naiwan dito.
Inayos ko lang ang gamit ko at lumabas na ng Student Council Room at ni-lock ito. Habang nag lalakad palabas ng Campus, naramdaman kong panay vibrate ng phone ko, indikasyon na may tumatawag sakin kaya mabilis kong sinilip kung sino ito.
Incoming call from Grumpy Monster 😈
I rolled my eyes. Alam ko na agad kung bakit ito tumatawag kaya hinayaan ko lang ang tawag hanggang sa mag end ito. Nang matapos ang tawag, mabilis akong nag compose ng message, hindi ko pa ito na s-send ng may tumawag ulit. As usual, it's Monasterio again.
"I told you. Malapit na ako sa bahay." Bungad ko agad ng sinagot ko ang tawag. Monasterio chuckled on the other line. "What's funny?" Naiinis kong tanong.
"I know you're still inside the campus, Lagdameo told me. Unless you want everyone to see that I'm picking you up, you might want to go to the coffee shop near our campus and meet me so we can go home." Hindi na niya ako hinayaan pang makasagot at basta na lang niya ako binabaan ng tawag.
Sa inis ko, nagdadabog akong naglakad patungo sa coffee shop malapit sa campus. Natanaw ko kaagad ang sasakyan ni Monasterio kaya naman mabilis akong nag lakad at yumuko saka pumasok sa kotse niya.
Hindi ko siya pinansin dahil naiinis parin ako sa kanya kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag scroll sa soc meds ko. Tahimik lang kami buong byahe pauwi.
Pagkarating ng bahay, mabilis akong lumabas ng kotse niya at umakyat sa kwarto ko. Nag half bath lang ako at nag palit ng pantulog saka humilata sa kama ko at ipinikit ang mga mata.
——————
Intrams (Day 1)
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
HumorFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?