6th Affair

115 5 0
                                    

Paolo's POV


"So tell me, what did you do this time to pissed her off?" Tanong naman sakin ni Bridgette.

"Wala akong ginawang masama. " I glared at her.

"Kilala kita Paolo Asaytuno Lagdameo. You're a jerk sometimes." Napangiwi ako nung banggitin niya ang buong pangalan ko. And ano raw?

"A jerk sometimes?" Salubong ang kilay na tanong ko.

"Paulit-ulit? Sirang plaka? Masasapak na kita!" Naiinis na sabi niya. Napangiwi ulit ako. Mukhang mauubos na pasensya ne'to. Dragon pa naman 'to kung magalit minsan.

"Tsk.. "

(Flashback)

"Who did this?" Narinig kong tanong ni Cassandra. Since nakatalikod ako sa gawi niya, hindi ko makita kung ano tinutukoy niya.

I was busy checking all the papers kung napirmahan na ba ni Bridge ang mga 'yun ng bigla na lang akong nakaramdam ng parang may tumama sa likod ko na bagay. Kasabay nun ay nakaramdam ako ng sakit sa likod ko.

"What the f*ck!" Nilingon ko kung anong tumama sakin, isang bag. A white shoulder bag.

"What did you do to my bag?" Lumapit siya sakin habang masamang nakatingin sakin.

"Huh? What bag?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

Pinulot niya yung bag na tumama sakin. "This bag." Tiningnan ko naman 'yung bag.

Bukod sa ang dumi na ng bag, 'yung handler niya hindi na naka dikit pa sa kabila, at halatang dinaanan 'yun ng matalim na bagay para maputol lang. Most probably, a scissor. Someone played a prank on her. Or is it really a prank?

I looked at her. "Who did that?" I asked her. She snorted and based from her expression, I can tell that she's not happy because of what I've said.

"You tell me.."

"Why me?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Kasi ikaw lang naman ang laging nanti-trip sakin!"  Akusa pa niya.

"Wala nga akong alam na sa'yo pala 'yang bag na 'yan, tapos ako pa ang sisisihin mo tungkol diyan?" Medyo napapataas na ang boses ko sa inis.

"Stop lying!"

"I told you. I don't have any idea about it. " sigaw ko sa kanya. Wala na. Naubos na ang pasensya ko.

"Do you really think I'll believe you? We both know that you're lying! I mean, kelan ka ba hindi nag sinungaling? And knowing you, who keeps on pissing me without any reason, you're capable of doing it. No doubt about it." Nanggigigil pa niyang sigaw sakin.

"Ganun talaga ka sama ang tingin mo sakin?" I smirked. Trying to calm myself.

"Oo! Mas--"

"ENOUGH!" Sabay kaming napalingon sa bigla na lang sumigaw. At ng mapagtanto naming si Bridge 'yun. Sabay din kaming nag iwas ng tingin sa kanya.

(End of Flashback)

Kung hindi pa siguro dumating si Bridge, baka pinagbabato na ako 'nung babaeng 'yun sa sobrang galit kahit wala naman ako ginawang masama.

Buti na lang talaga at dumating si Bridge kasama si..

"Teka nga, ba't pala kayo magkasama ni Monasterio?" Tiningnan ko siya ng may pagdududa. "Ano mag bestfriend na kayo? Ganun?" Iniwas niya ang tingin niya sakin saka siya tumikhim.

"Wala ka ba talagang kinalaman tungkol sa bag ni Cassie?" She looked at me accusingly.

"Don't change the subject." I raised a brow at her. Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Did you do it? Or not?" May diin ang bawat words na binibitawan niya.

"I didn't. Okay? Ngayon ikaw naman ang sumagot sa tanong ko. Ba't kayo magkasama 'nun?" Imbes na sagutin ang tanong ko. Tumayo na siya at nag ayos ng gamit niya.

Bago siya makalabas ng pinto.. I threatened her.

"Sige. Si Monasterio na lang tatanungin ko kung ayaw mong sumagot." I stood up.

"Ang chismoso mo. Kung hindi ko pa alam kung sinong gusto mo, baka inisip ko nang nagseselos ka kasi kasama ko si Monasterio." Sabi niya sakin paglingon niya.

"Hindi pa ako baliw para magustuhan ka." I glared at her.

"Pero malapit ka ng mabaliw, so pwede mo talaga akong magustuhan." She smirked. Sinapian nanaman 'ata ng masamang espiritu 'to. Kung ano-anong sinasabi.

"Mandiri ka nga! Kahit pa mabaliw ako hindi kita magugustuhan." Lumapit na ako sa kanya.

"You're hurting my feelings." Umarte pa siya and she clutched her chest na para bang sumasakit 'yun. I just shrugged.

"Hahaha. Baliw." Inakbayan ko naman siya at iginaya papunta sa pinto.

"Alam ko naman na si Cassandra lang ang gusto mo." Bigla ko siyang naitulak dahil sa sinabi niya. Buti na lang at nakabalanse naman kaagad siya kaya hindi siya natumba.

"A-anong--! Hoy hindi ko 'yun gusto! U-umuwi kana nga! Ang dami mong alam!" Pagtataboy ko sa kanya. Lumayo pa ako para hindi niya ako mapagtrip-an.

"Hahaha! Choosy ka pa~" 'yun lang at lumabas na siya.

Woooh! Pinagpawisan ako 'dun ah! Kung ano-ano na lang na lason sa utak ang sinasabi niya.










GOOSEBUMPS!

+++

Y/N:

Alam kong ang dami kong ongoing stories, madadagdagan pa yan. I just can't ignore those scenes and ideas na pumapasok sa utak ko. :D

Pagbigyan~

Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon