Paolo's POV"Are you still mad at me?" I just ignored her.
"Uy.." sinundot-sundot niya pa ako sa tagiliran ko pero hindi ko talaga siya pinapansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-ubob sa mesa at ipinikit ko ang mga mata ko.
"Lagot ka Pres!"
"Ang galing mo kasi mam-blackmail Andrea."
"Pinahirapan mo naman kasi kaya ayan, cold treatment ka ngayon."
"Hahahahahahahahaha!"
Rinig kong mga komento ng mga co-member namin dito sa SC.
"Matampuhin din pala ang isang 'to." Elijah said.
*thug*
Napahawak ako bigla sa ulo ko at napabangon mula sa pag-ubob sa mesa. "Aray.. Ba't ka ba namumukpok?" Reklamo ko kay Bridgette.
"Tigilan mo na nga ang pag iinarte mo!" Hahampasin niya pa ako ulit ng libro na hawak niya pero napigilan ko ang braso niya. Inalis niya rin kaagad ang braso niya na hawak ko at inilapag ang libro na hawak niya sa mesa.
"Minsan na nga lang ako mag inarte.. Teka na. Ako 'tong naiinis dito, pero bakit parang ikaw pa ang galit?" Reklamo ko ulit sa kanya.
Kukunin ko na sana ang libromg nakalapag sa mesa pero mabilis pa sa hangin na naagaw niya ito ta ambang ihahampas ulit sakin pero naiharang ko kaagad ang braso ko sa ulo ko kaya hindi niya naituloy ang gagawin niya.
I smirked at her. Hahampasin niya ulit ako pero tumayo na ako at lumayo sa kanya.
"Hahahahahaha! Go Pres!" Cheer sa kanya ng mga co-members namin.
"Manahimik nga kayo! Gawin niyo lang trabaho niyo!" Sigaw ko sa kanila.
Binalingan ko ulit si Bridgette.
"Ikaw! Bakit ba napaka-bayolente mo?" Sigaw ko sa kanya.
Instead na sagutin ako, sinamaan niya lang ako ng tingin at naupo na ulit siya sa trono niya (mesa niya) dito sa SC Room.
"Tigilan mo na ako sa kaartehan mo at pirmahan mo na 'tong mga paperworks para mapirmahan ko na rin."
I cleared my throat at lumapit na rin sa mesa niya para kunin ang mga paperworks na kailangan kong pirmahan.
"Wala ka naman pala. Hindi ka naman pala lalaban kay Pres!" Pangaasar pa ni Elijah.
I put my middle finger up and showed it to him. He just chuckled at what I did.
Paglingon ko kay Bridgette ang sama nanaman ng tingin niya sakin dahil sa ginawa ko kaya naman lumayo na ako kaagad sa kanya habang bitbit ang mga paperworks.
She cleared her throat bago tumayo.
"As you know, pinapa lock ko na ang SC Room kapag walang tao dahil na rin sa bag incident na nangyari kay Cassie, so I advise everyone of you to bring your own keys dito sa SC Room. And lahat ng gamit pag iiwan dito sa loob ng SC kahit na naka-lock pa dito, doon sa Living Room iwan." Mahabang paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love Affair
MizahFalling in love is great. Having someone you can count on is good. Making that person happy is great. That's love. But is this so-called "LOVE" , right? Is it worth it?