18th Affair

4 1 0
                                    







3rd Person POV


Intrams (Day 2)



Nagising si Andrea na masakit ang ulo. Pilit niyang inaalala kung pano ba siya nakaakyat sa kwarto niya.

The last thing she could remember was being inside Sebastian's car. She couldn't recall how Sebastian ended up picking her up or what conversations she had with him.

She stood up, went into her room's bathroom, and took a shower. Afterwards, she prepared herself and gathered the clothes she needed for her volleyball game in the afternoon.

Nang matapos sa pag bibihis at paghahanda ng mga gamit niya, bitbit ang mga ito, saka siya bumaba at nag tungo sa dining area.


"Good morning" bati sa kanya ni Sebastian, nakangiti pa ang loko.

Hindi ito pinansin ni Andrea at naupo na siya sa kaharap ng binata. Saka nag simulang kumain. As usual, tahimik lang silang dalawa habang kumakain. Matapos kumain, nag toothbrush at mouthwash lang si Andrea saka nag handa na para umalis.

Pag labas niya ng bahay, nakasandal si Sebastian sa hood ng kotse at halatang hinihintay siya. Sumakay na agad siya sa passenger seat at hindi na nakapag matigasan dito na 'wag sila sabay na papasok.


"P-pano ako nakauwi?" Hindi na nakatiis na tanong ni Andrea habang nasa byahe sila. Kitang-kita ni Andrea kunng pano sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ng binata. Biglang nagsisi si Andrea na nag tanong pa siya.

"Do you really not remember, or are you just pretending you can't remember what happened?" he smirked at Andrea, who was now frowning.

"Do you really think I would ask you if I knew what happened?" inirapan ni Andrea ang binata. "You know what, nevermind. Don't worry about it."


Binuksan na lang ni Andrea ang phone niya at ni-open ang gc nilang mga Student Council members.

Wala naman bago sa gc nila kaya naman tinago na niya ulit ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya. At tumingin na lang sa labas mg bintana.

Malapit na sila sa campus ng iliko ni Sebastian ang kotse nito sa drive-thru ng coffee shop na malapit sa campus nila.

"Coffee or Strawberry?" baling nito sa kanya.

"Strawberry?" pagkatapos marinig ni Sebastian ang sagot niya, nag order ito ng tig isang iced cappuccino and iced strawberries and cream frappe.

Nang makuha ang order, inabot ng binata sa kanya ang strawberries and cream frappe, pagkatapos ay uminom si Sebastian sa iced cappuccino na order nito saka pinatakbo ulit ang sasakyan patungong campus nila.

"Thanks.." kahit nahihiwagaan kung bakit may pa strawberries and cream frappe ang binata, hindi na siya nag tanong pa kung para saan at pano nito nalaman ang paborito niyang flavor ng frappe. Tahimik sila pareho hanggang makarating sa tapat ng campus ang sasakyan ng binata.

Wala ng nagawa si Andrea ng idiniretso ni Sebastian ang kotse nito papasok ng campus hanggang sa iparada nito ang sasakyan sa parking lot.


"Thanks.." Mabilis na bumaba ng sasakyan si Andrea at tumakbo papuntang tent ng Student Council habang nananalangin na sana ay walang nakakita sa kanya na bumaba galing sa sasakyan ni Sebastian.

Humihingal na naupo si Andrea sa pwesto niya pag dating sa tent. Sila Paolo at Cassie pa lang ang naroon dahil maaga pa.

"Good morning Pres." bati ni Cassandra kay Andrea.

Forbidden Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon