Unang Tagpo

203 13 0
                                    

Chapter 1

Agatha's  POV

Ilang buntong hininga naba ang nagawa niya? Gusto niyang manuntok nang tao habang nakatingin sa driver ng sasakyan niya na halos mamutla na sa takot. Tsk the tire just got flat at sa gitna pa talaga nang kalsada. One thing she keep on reminding her people is to make sure na ok na lahat ang dadalhin o aasikasuhin para wala nang balikan o kakaharaping problema sa daan. Inshort always be prepared to the unexpected. At itong driver niya ay nakalimutang icheck ang sasakyan kaya ito sila ngayon. Nag aaksaya nang oras sa kalsada.

"Sorry po talaga ma'am." Sabi nito.

Bumuntong hininga siya bago bumaba nang sasakyan. "Call tatay carding and fix the car fast. Sabihin mo sa may coffee shop ako mag hihintay." She said bago ito tinalikuran at tumawid sa coffee shop na nakita niya kanina.

With the hassle her driver did ay pwede niya itong sisantehin pero wala siya sa mood ngayon kaya pasalamat ito. And carding is her butler or right hand na alam lahat ang dapat gawin sa buhay niya.

Bago paman siya makapasok sa coffee shop ay agad siyang napatigil nang mapatingin siya sa isang pamilya na tila ang saya saya. Mukhang nakatira ang mga ito sa gilid nang kalsada base narin sa mga suot at mga karton na nakalatag na kinauupuan nang mga ito.

Masayang kinikiliti nang ama ang bata na sa tingin niya ay nasa pitong taon lang habang nakangiting nakamasid naman sa mga ito ang ina. Gusto man niyang ibaling ang tingin sa iba ay tila napako siya sa kinatatayuan.

A pinch in her heart when she saw how happy those family are kahit na mahirap.

"Flower for you."

Agad siyang napabaling sa nagsalita only to see a handsome guy na nakangiting iniabot sa kanya ang isang tangkay nang pulang rosas. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon.

"Ayaw mo ba?" Tanong nito kaya tumingin siya sa bulaklak bago tumingin ulit dito.

"Who are you?" Tanong niya at hindi kinuha ang bulaklak. Ngumiti ito na ikinakunot noo niya.

"Liam. Ito kunin mo para sayo." He said bago nito kinuha ang kamay niya at ilagay doon ang bulaklak. And without a word ay tumalikod ito.

Nagtatakang nakasunod ang tingin niya dito bago tiningnan ang hawak na rosas. Never in her entire life na may isang lalaking nagbigay nang rosas sa kanya. Unless its an event but mostly they give her tulips not roses. She smelled it at napakunot noo nang may maamoy na pabango sa bulaklak. Agad niyang hinanap ang lalaki only to see him giving roses sa lahat nang babaeng nakakasalubong nito.

Umiling siya bago tumingin sa bulaklak tsaka napagdesisyonang pumasok sa coffee shop. When she get her order ay naghanap siya nang mauupuan at kunot noong nakatingin lang sa bulaklak.

Napakurap siya when her phone ring kaya agad niya iyong sinagot.

"Hello?"

"Ma'am ayos na po ang sasakyan, nasa labas po ako naghihintay." Arnold said her driver.

Without answering back ay pinatay na niya ang tawag at agad na lumabas. She was about to get in the car nang makita niya ang batang babae na nakatingin sa kanya. Nang ngumiti ito ay agad siyang napangiti bago ito sinenyasang lumapit.

"Bakit po miss ganda?"

Mas napangiti siya lalo sa tanong nito. She grab some money in her wallet bago iyon binigay dito.

"Here, bigay mo sa papa at mama mo ok?" She said at sa gulat niya ay yumakap ito sa kanya.

"Wahh salamat po. Makakakain napo kami." Sabi nito na agad nag bigay emosyon sa kanya. Yumuko siya bago hinaplos ang marungis nitong mukha.

"Sabihin mo sa mama at papa na babalik ako bukas at gusto ko silang makausap ok? Ano nga palang pangalan mo?"

"Angela po."

Ngumiti siya bago tumango. "Ako naman si Agatha. Tawagin mo akong ate Agatha"

Tumango ito bago tumingin ulit sa dalawang libo na binigay niya. "Go punta kana sa mama at papa mo." She said na agad nitong tinanguan.

Agad na din siyang tumalikod at sumakay sa sasakyan ignoring her driver's amaze expression.

—————————-

Liam's POV

Nakangiting sinundan niya nang tingin ang sasakyan nang babaeng binigyan niya ng bulaklak kanina. Agad nitong nakuha ang atensiyon niya nang maglakad ito patungong coffee shop at nung makita niya ang pagbalatay nang lungkot sa mukha nito habang nakatingin sa isang pamilya ay hindi na siya nagdalawang isip na bigyan ito nang bulaklak.

At isa lang ang masasabi niya, mas maganda ito sa malapitan pero napakataray nang dating. Hindi paman nagsasalita ay ang lakas na nang awra nito. Kaya hindi na siya nagulat nang sumakay ito sa mamahaling sasakyan pero ang mas kinagulat niya ay ang pagbabago nang itsura nito habang kausap ang bata. Bigla iyong umamo at nung ngumiti ito ewan ko nalang.

"Ubos na ang bulaklak mo?" Napatingin siya sa kasama bago tumango.

Speaking of bulaklak. Dala pa kaya nang babae yun ang bulaklak na bigay niya?

————————-

Agatha's POV

Agad siyang napatingin sa bag niya nang ilapag niya iyon at nakita ang bulaklak na nakaipit dito. She grabs it bago pinakititigan and without realizing ay napangiti siya bago iyon nilagay sa may vanity dresser niya.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon