Chapter 5
Liam's POV
Natatawang tinitingnan niya ang dalaga na aliw na aliw sa kakatingin sa mga batang pulubi na halos mag agawan sa pagkaing binili nito. Well, binili lang naman nito lahat nang tinda nang dalawang matanda na nagtitinda nang fishball at kung ano ano pa tsaka din yung cotton candy.
"Oi mga bata wag kayo magtulakan at may share naman kayong lahat. " sabi niya bago tumabi sa dalaga. Nasa luneta parin silang dalawa at halos magtatatlong oras na magkasama. "Ok ka lang ba?" tanong niya dito bago ito abutan nang mineral water.
Lumingon ito bago ngumiti. "yes, actually ang saya nang puso ko ngayon." sabi nito kaya napangiti siya.
Nang makita kasi nito ang mga bata kanina na nanglilimos ay agad siya nitong inutusan na tawagin ang mga bagets dahil papakainin daw nito. Kaya ganun nalang ang gulat niya nang pagbalik eh naghihintay na ang dalawang matanda sa kanila. Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot at ganun nalang ang kaba niya nang madinig ang sabi sa kabilang linya.
"Ok ka lang?" napatingin siya sa dalaga at bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Kaya mo bang umuwi mag isa?" tanong niya bago tumayo. Tumayo nadin ito bago hawakan ang pulsuhan niya.
"May problema ba?"
"Kailangan kong mag punta sa ospital." sabi niya bago tatalikod na sana nang hilahin siya nito paharap.
"Ihahatid kita." sabi nito bago ito na mismo ang naunang maglakad at hinila siya. "Nabayaran ko na kanina ang mga nagtitinda kaya tara saang ospital ba yan?"
"PGH tayo."
Tumango lang ito at kahit malapit ang ospital sa kinaroroonan nila ay inabot parin sila nang halos bente minutos dahil sa traffic. Agad siyang nagpasalamat sa dalaga at agad na bumaba sa sasakyan nito. Nang makarating sa kwarto kung saan naroon ang nanay niya ay agad siyang nanlumo nang makitang naka oxygen ito.
"Kuya." bati nang kapatid niya sabay yakap sa kanya. "Bigla nalang natumba si nanay kanina kaya nagtawag na ako nang tulong sa kapit bahay." naiiyak na sabi nito kaya niyakap niya ito tsaka sila lumapit sa kama nang nanay nila.
"Nagpunta na ba ang doctor dito?"
Umiling ito kaya napabuntong hininga siya. May lung cancer ang nanay niya at sabi nang doctor nung maospital ito dati ay nasa stage 4 nadaw. Kaya nga halos kayod kalabaw siya sa kakapasok sa mga part time job para lang mabili ang gamot nito at mapag ipunan ang pang chemo nito.
"Liam."
Napabaling siya sa likuran niya at nagulat nang makita si Agatha. Agad siyang tumayo at nilapitan ito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya dahil akala niya umalis na ito nung bumaba siya sa sasakyan nito.
"Sumunod ako, baka kasi may maitulong ako." seryosong sabi nito at sasagut na sana siya nang biglang lumapit sa kanya ang doctor.
"Anak kaba nang pasyente?" tanong nito kaya tumango siya. "Hindi na ako magpaligoy ligoy iho, kalat na ang cancer nang nanay mo at kahit ipa chemo pa natin siya eh huli na rin dahil di na kakayanin nang katawan niya." sabi nito bago siya tinapik sa balikat. "I am sorry to say this pero any moment now baka bumitaw na ang nanay mo. " sabi nito bago nagpaalam na umalis.
Agad siyang napatingin sa dalaga nang hawakan nito ang kamay niya, bakas sa mukha nito ang awa at pag aalala habang nakatingin sa kanya. "Need a hug?" sabi nito at bago paman siya makasagot ay ito na mismo ang yumakap sa kanya.
Agad siyang gumanti nang yakap dito at wala na siyang pakialam pero tila may nabuksang dam sa loob niya at hindi niya napigil ang umiyak sa balikat nito. Ayaw tanggapin nang buong sistema niya ang sinabi nang doctor pero alam niya na wala na siyang magagawa.
"Iyak lang andito lang ako." bulong nito bago niya naramdaman ang paghigpit nang yakap nito.
------------------------
Agatha's POV
"Tell the board na hindi ako makakapunta, sabihin mo may mahalagang bagay akong ginagawa." sabi niya bago pinatay ang tawag at bumalik sa kwartong inuukupa nang nanay ni Liam.
Nasa ospital padin siya at kahit sinabihan siya nang binata na umuwi na ay hindi siya pumayag. After hearing what the doctor said ay hindi niya mapigilan ang maawa lalo na at may kapatid pa pala itong bata. Kahit hindi man niya mapagaan ang loob nito pero atleast gusto niyang malaman nito na andito siya nakaalalay dito.
"Ma kung di mo na kaya ok lang, magpahinga kana. Ako na ang bahala kay Lara."
Napatigil siya sa paglapit dito sa nadinig, ganun nalang ang pagkagat niya sa labi nang makita ang pagyakap nito sa nanay nito habang umiiyak. She knows what he felt right now, naranasan nadin niya ang mawalan ng magulang at walang kahit na anong salita ang magpapagaan sa loob nang binata. Dahan dahan siyang lumapit dito bago niya hinaplos ang likod nito. When he looks at her ay tipid siyang ngumiti dito pero di siya nagsalita.
Wala ang kapatid nito dahil kinuha ito nang isang ginang na kapitbahay daw ng mga ito kaya silang dalawa lang nang binata ang andito.
"Pahinga ka muna ako muna magbabantay sa mama mo." sabi niya dito bago ito hinila patayo at pinaupo sa may plastic na sofa sa gilid nang kama nang mama nito. "Incase hindi mo ramdam may lagnat ka kaya pahinga ka muna." she said nang aangal pa sana ito. Kanina niya pa naramdaman na mainit ito tas subrang pungay din nang mga mata nito halatang may sakit din.
Nang humiga ang binata ay agad siyang lumapit sa gilid nang kama nang nanay nito bago hinawakan ang kamay nito. "Hello po ako po si Agatha, ako po muna ang magbabantay sa inyo." she said bago hinayaan ang sarili na hawakan lang ang kamay nito habang palipat lipat ang tingin niya sa ginang at sa anak nitong tila tulog na.
Hindi niya alam kung ilang oras ang nagdaan pero nagising nalang siyang nakaakap sa binata habang nakaupo sa plastic na sofa na hinihigaan nito kanina at pareho silang nakabalot nang kumot. When she look up ay tulog na tulog parin si Liam at ramdam niya sa brasong nakapalibot sa bewang niya na mainit parin ito.
"Gising kana pala."
Napatingin siya sa nagsalita only to see the old woman na kumuha sa kapatid nito kanina. "Kinarga ka ni Liam at tinabi sa kanya dahil naabutan nalang kitang tulog at di kumportable dito sa upuan. Kakatulog lang din niya ulit dahil pinainom ko nang gamot."sabi nito bago siya ngitian. "Nobya kaba ni Liam? Alagaan mo yan ha, mabait ang batang yan, napalaki nang tama nang nanay niya." sabi nito sasagot sana siya nang biglang mag ring ang cellphone niya kaya agad siyang humiwalay sa binata at hinanap ang bag niya. When she found it ay agad niya iyong sinagot.
"Hello?"
"Ma'am di ka po ba uuwi ngayon?" napatingin siya sa cellphone at nagulat nang makitang alas otso na pala nang gabi.
"Uuwi po." she said bago pinatay ang tawag at tumingin sa ale na nakangiting nakatingin sa kanya. "Ahm uuwi po muna ako. Pakisabi nalang po kay Liam na umuwi na ako. " She said na tinanguan nito.
Lumakad siya sa kabilang side nang kama nang nanay ni Liam bago yumuko. "uuwi po muna ko, sana po pag balik ko magising ka na at magkakilala tayo." bulong niya dito bago lumapit sa inuupuan kanina at kukunin na sana niya ang bag pero napatigil nang makita ang maamong mukha nang binata na tulog na tulog.
And before she could stop herself ay nahaplos na niya ang pisngi nito. "Pagaling ka." bulong niya bago umayos nang tayo at nagpaalam ulit sa ale.
