I will be here

116 10 0
                                    


Chapter 6

Agatha's POV

"Ate wala pa si Kuya."

Napangiti siya bago nilapitan at tinapik ang pisngi ni Lara. Nasa ospital ulit siya at dumadalaw sa nanay nang mga to. Bali pangatlong araw na mula nung unang makita at makilala ang pamilya ni Liam. At mula nang dalhin dito eh hindi pa nagigising ang nanay nito.

"Ok lang di naman siya ang ipinunta ko." She said bago tumabi sa bata pagkatapos batiin si Aling Anna yung aleng naabutan din niya dito dati. "May pag kain akong dala gutom ka naba?" She asks the little girl na agad na tumango.

Pinahatid pa niya kay kuya arnold ang lutong bahay na pinagawa niya kanina. Araw araw after work ay dumadalaw siya dito at lagi silang hindi nag pang abot ni Liam. At pag tumawag naman ito ay lagi niyang di nasasagot dahil lagi itong wrong timing kung tumawag at pag siya naman ang tumawag dito eh di rin nito sinasagot kaya nag gave up na siya.

"May balita na po ba ang doctor kung kailan magigising si Aling Camille?" Tanong niya kay aling anna.

"Anong aling camille ka diyan. Nanay to nang nobyo mo bata ka. Dapat mama o nanay din tawag mo."

Namula siya bago umiling. "Diko po nobyo si Liam aling anna."

Umiling ito at halatang di naniwala. "Sus mga kabataan nga naman. Hala hindi na kung hindi. Pero sa tanong mo sabi nang doctor na kay camille nadaw ang desisyon kung gigising pa siya." Sabi nito kaya napatingin siya kay Lara na kumakain na ngayon.

"Alam na po ba ni Lara?"

Tumango ang matanda. "Oo kinausap yan nang kuya niya. Syempre nag iyakan pero sa tagal nang ininda ni Camille ang sakit niya mukhang tanggap nadin nang magkakapatid eh." Sabi nito kaya tumango siya bago sinabihan si Aling anna na kumain narin.

And for three hours ay nandun lang siya nakikipag usap kay Aling anna at Lara at sinasamahan ang mga ito na mag bantay sa nanay ni Liam. She doesn't know why she's doing this but she can't make herself not be worried about Liam. And speaking of Liam sabi nang kapatid nito ay kung saan saan na naman daw ito rumaraket. Gusto nga niyang mainis kasi hindi pa daw ito ganun kagaling sabi ni Aling Anna. Nung bandang alas syete na nang gabi ay nagpaalam na siya sa dalawa at gaya nang dati ay bumulong siya nang pag papaalam sa nanay ni Liam bago lumabas.

Papasok na sana siya sa sasakyan niya nang may tumawag sa kanya. When she looks back ay agad siyang napakunot noo nang makita ang binata na tila pagod na pagod habang palapit sa kanya.

"Pauwi ka na?" Tanong nito nang makalapit.

Tumango siya bago paraanan nang tingin ang itsura nito. Mukhang kagagaling lang nito sa restaurant dahil yun din ang uniporme nito nang dalhin siya nang binata dun.

"Ok ka lang?" She asks bago lumapit dito at ilagay ang palad sa noo nito. Agad siyang napailing nang maramdaman ang mainit nitong noo. "Nagpapakamatay ka ba?" Tanong niya dito.

Nang hindi ito sumagot ay tinampal niya ang noo nito sa inis. "May lagnat ka pa pero inaabuso mo na ang katawan mo." Singhal niya dito bago ito hinawakan sa kamay at patulak na pinaupo sa passenger side nang sasakyan niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito kaya nilingon niya ang binata na bakas ang pagtataka habang nakatingin sa kanya.

"Basta." She said bago pinaandar ang sasakyan at nag drive papunta sa paborito niyang lugar. When they reach their destination ay agad siyang napatigil nang makita ang tulog na tulog ma binata sa passenger seat, bakas ang pagod sa itsura nito kaya pailing na dahan dahan siyang lumabas at tinawagan ang gwardiya na buksan ang gate at ang mga ilaw sa hardin. She then gets back to the car and drove inside her sanctuary na talagang pinasadya. It was actually her safe house inside an exclusive subdivision at bihira siya dito. And her favorite spot is the garden na talagang siya mismo ang nagtanim at nagpalago nang mga pulang rosas her favorite flower.

She sends message to the maid inside na lagyan nang mala picnic blanket ang hardin niya at nagpaluto din siya nang sopas para kay Liam.

"Liam." She said sabay tapik nang dahan dahan sa mukha nito. 

When his sleepy eyes open ay agad siyang napangiti nang tila kinikilala siya nito. "Lets go?" She ask bago nauna nang bumaba.

Tila nagtaka pa ito habang nililibot ang tingin sa paligid. Kaya lumapit siya dito at hinawakan ang kamay nang binata bago ito hinila papunta sa hardin niya. May malaking comforter blanket nang nakalatag dun at mga unan may prutas din na nakalagay sa gilid.

"Welcome to my favorite place." She said bago binitawan ang kamay nito. Agad siyang umupo sa gitna nang nakalatag na blanket bago tiningala ang binata na bakas padin ang gulat at pagtataka sa mukha nito. "Come here and sit with me." She said na agad nitong sinunod.

"Nasaan tayo?" Tanong nito.

"My safehouse." She said bago ngumiti. "Don't worry nasa manila padin tayo. At ipapahatid kita mamaya sa driver pabalik nang ospital after you rest for awhile."

Tumango ito at agad siyang nailang sa klase nang titig nito. Magsasalita sana siya nang mamataan niya ang maid na may dalang umuusok na dalawang mangkok at maiinom sa tray. Nang ilapag nito iyon ay agad din itong nagpaalam na umalis.

She grabs the first bowl bago sumandok dun at hinipan iyon bago inioffer sa binata. "Eat." She said na ikinalaki nang mga mata nito. Halos ramdam niya ang pamumula nang maisip ang ginawa.

 Ibababa na sana niya ang kamay nang sinubo nito sopas. And for the whole duration of time ay hinayaan siya nitong subuan ito nang wala silang imikan.

"Salamat." He said nang matapos itong kumain. Tinabi niya ang bowl at ngumiti dito. Hindi siya kumain dahil hindi naman siya gutom at talagang natuwa siya nang makitang naubos nito ang sopas na para dito.

"Welcome." She said bago umayos nang upo she then grabs a pillow at lagay nun sa hita niya bago tumingin sa binata. "Higa ka." Sabi niya at nang tingnan siya nang gulat nitong itsura ay hinila niya ang kamay nito. "Higa na, mamasahiin ko ulo mo." Sabi niya bago ito hinila para humiga at umunan sa hita niya.

Nang makahiga ito ay agad niyang pinaraanan nang masahe ang noo nito na ikinapikit nang binata. Mainit pa ito at kahit hindi nito sabihin alam niyang pagod na pagod na ang katawan  at ang emosyon nito.

"Bakit mo to ginagawa?" Dinig niyang tanong nito.

Bumuntong hininga siya bago pinagpatuloy ang pagmasahe sa noo nito. "Dahil hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Kaya ako nalang."

"Ang alin?" Sabi nito bago dumilat at tinitigan siya.

She smiles bago sinalubong ang tingin nito. "Ako nalang muna, ang mag aalaga sayo."

And after she answer ay pareho silang natahimik. Hindi niya alam kung bakit pero bukal sa loob niya ang sinabi. Wala siyang makapang pag kailang o kahit ano habang kasama ang binata instead she felt genuine everytime na kasama niya ito. Tipong lumalabas ang totoong siya nang Natural pag kasama ito.

Baka naman nahuhulog ka na. Her mind said kaya napatingin sa binatang nakapikit na ngayon and for that a smile appear on her lips. Siguro kahit ang aga pa para sabihin iyon pero bahala na.

"Agatha."

Dumilat ito ulit bago hinawakan ang kamay niyang nasa noo nito. "Bakit?"

"Natatakot ako." Bulong nito bago tumingin sa mga mata niya at pisil sa kamay niya. At kitang kita niya ang pamamasa nang mga mata nito. "Si mama nalang at ang kapatid ko ang meron ako,  diko ata kakayanin." He said.

Hindi siya umimik at hinayaan lang itong mag salita.

"Pero ayaw ko na ding mag dusa si mama. Dahil alam kung mas pagod siya kesa sa akin." He said kasabay nang pagtulo nang luha nito. After saying that ay yumakap ito sa kanya with his face facing her belly. At doon umiyak na parang bata.

She stares at his sideview bago tinapik tapik ang likod nito nang isang kamay niya na di nito hawak. She then starts singing in a low voice the song na sana makapag comfort dito.

🎶 Tomorrow mornin' if you wake up

And the sun does not appear

I...I will be here.🎶

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon