Lunch

127 8 0
                                    

Chapter 10

Agatha's POV

"For Christ sake kakarating ko lang sa pinas tas may aberya na agad diyan?" Pasigaw na sabi niya sa kausap. "Wag niyong hintayin na bumalik ako diya dahil hindi ako mangingiming tanggalin kayong lahat." Gigil na sabi niya. "Ayusin niyo yan hindi ko kayo binabayaran para dayain ang ibang kumpanya. And you better tell Mr. Chua na mag balot balot na siya dahil babalik ako diyan para ipakain sa kanya ang termination paper niya." She said bago inis na inioff ang cellphone. Mga letseng yun nakatalikod lang siya gumawa na agad nang aberya ang branch nang kumpanya niya sa bangkok.

"Wow."

Napalingon siya sa nagsalita at nagulat na makita si Liam na nanlalaki ang matang nakatingin sa kanya habang takot naman ang dalawa niyang sekretarya na nakatayo sa likod nito.

Huminga siya nang malalim bago umupo sa swivel chair niya. "What are you doing here? At paano mo nalaman ang kumpanya ko" Tanong niya dito.

Lumapit ito at tumayo sa harap nang mesa niya. "Seriously tinanong mo ako niyan? Eh ikaw ang nagbigay sa akin nang address na to at sinabi mong puntahan kita pag balik mo galing sa Thailand." Sabi nito kaya napailing siya. Nakalimutan niyang natext nga niya yun dito bago siya umalis nang pinas,  "Ok ka lang ba?"

Tiningnan niya ito at napangiti nang makitang naka pantalon at simpleng tshirt na puti lang ito at may bitbit na backpack. Kahit sa simpleng get up nito napaka lakas padin nang dating. After his mom's death masasabi niyang naging mas malapit silang dalawa nang binata. Magkaibigan? Siguro basta ang mahaga komportable siya dito ganun din ito sa kanya.

"Ok lang." she said pero tumawa ito kaya napataas ang kilay niya. "Bakit? Anong nakakatawa?"

"Wala naman. Naa amaze lang ako na makita ang isa mo pang pagkatao." Nakangiti nitong sabi bago umupo sa gilid nang mesa niya. "Ang taray mo ngang talaga." He said kaya binato niya ito nang ballpen na agad naman nitong nailagan. "Joke lang napakapikon mo. Lika nga." Sabi nito pero ito ang lumapit at sa gulat niya ay hinila siya nito patayo at niyakap. "Ang init nang ulo ng Agatha namin." Malambing nitong sabi kaya siniko niya ang tiyan nito kaya napahiwalay siya.

Letseng baka madinig nito ang lakas nang tibok nang puso niya.

"Sorry na." Sabi nito bago siya hinila at inakbayan. He then kiss the side of her head bago siya pahila na inilabas sa opisina niya.

Agad nagtayuan ang mga sekretarya niya at nanlalaki ang matang nakatingin sa kanila ni Liam.

"Ahm saan ang canteen dito?" Tanong nang binata kaya napatingin siya dito. Ngumiti ito sa kanya bago ginulo ang buhok niya kaya pinalo niya ang kamay nito. "May dala akong pagkain, pero wala akong dalang maiinum kaya sa canteen tayo kumain." He said kaya napaikot ang mata niya.

"Sa pantry nalang po kayo sir may mga inumin na dun kayo nalang ang mamili." Rina said bago itinuro ang pantry.

Hinayaan niya lang na hilahin siya nang binata pero nakailang hakbang palang sila ay tumigil ito at tiningnan ang mga sekretarya niya. "Hali kayo kumain tayo." Aya nito na agad inilingan nang dalawa.

"Ok lang po. May mga gagawin pa po kasi kami, kayo nalang po ni Ma'am." Rina said kaya nagkibit balikat ang binata bago siya tuluyang inakay papasok sa pantry.

Nang makaupo siya ay excited itong kinuha ang baon sa bag nito. May dalawa itong lunchbox na dala, at may dalawang saging pa talaga. Agad siyang napakunot noo nang makita ang laman nang baunan nito.

"What the hell is that? At bakit mabaho?" She said pero di naman siya nagtakip nang ilong tolerable naman ang amoy nang pritong maliit na isda.

Ngumisi ito bago tumabi sa kanya. Agad niya itong sinamaan nang tingin dahil nakakaduda ang pag ngisi nito. "Anong binabalak mo ha?"

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon