Married

153 10 0
                                        

Chapter 20

Agatha's POV

"Ate kaninong bahay to?"

Napatingin siya kay Lara at napangiti, nasa kotse sila kasama ang dalawang sekretarya niya na papasok sa bahay niya. After her andLiam shared a steamy moment sa loob nang kwarto nang opisina niya ay umalis ito para kakatagpuin ang mga kaibigan nitong abogado na siyang gumawa nang mga papeles na pinirmahan niya. At agad niyang pinasundo kay Kuya Arnold si Lara sa bahay nang mga ito.

Bumaba siya sa kotse nang huminto ito sa harap nang bahay at agad namang sumunod ang tatlo. "Welcome to my house girls." She said na ikinasinghap nang mga sekretarya niya.

Well this is the first time na nagdala siya nang empleyado sa bahay niya kaya di na siya nagulat sa reaksiyon nang dalawa. "Come on, lets get inside." Aya niya sa mga ito.

Agad silang sinalubong nang butler niya na agad kinuha ang bag niya. May ni ring itong bell at lahat nang mga maid sa bahay na yun ay naglabasan. Napangiti siya nang makita si Ate Edna at Angela na may masayang ngiti nang makita siya. "Guys ito yung mga kasama ko sa bahay. Mga ate at tay Carding sila po yung dalawang sekretarya ko at ito naman ang kapatid nang asawa ko." She said na ikinagulat nang mga ito maliban sa dalawang bata na tila hindi na gets ang sinabi niya.

Tumango siya at lumapit sa butler niya bago yumakap sa braso nito. "Nagpakasal po ako tay. Nagpakasal ako sa lalaking nagpapasaya sa puso ko at mahal ko." She said na ikinangiti nito.

Among all the people there kay Butler Carding siya mas malapit dahil nakasama na niya ito mula nang mamatay ang mga magulang niya dahil kaibigan ito nang papa niya at kahit mahirap ito ay naging tapat ito sa paglilingkod sa pamilya nila. Ginulo nito ang buhok niya bago siya tiningnan.

"Finally after a long years. Hindi ko kekwestiyonin ang desisyon mo anak dahil alam kung napakahusay mong bumasa nang mga taong may mabubuting loob. Isa pa sabi mo nga napapasaya ka nito at yun ang importante sa akin ang makitang may nagpapasaya sayo." Sabi nito kaya yumakap siya dito. His words is important to her dahil ito ang nagpalaki sa kanya at gumabay sa kanya mula nang maulila siya. Tahimik lang ito pero pag may mali siyang nagagawa isa ito sa magsasabi sa kanya.

"Salamat po tay." She said bago humarap sa mga kasambahay niya. "And please make some food for all of us. Wag kayong mag aalala hindi pihikan ang asawa ko, galing din siya sa di mayamang pamilya pero mabait yun. Actually nakita niyo na siya ate Edna, yung crew na kumaha nang order niyo sa mcdo." She said na ikinagulat nito bago ito tumango. "So please make some food and let's celebrate my wedding." She said bago humarap sa butler niya.

"Mahirap lang siya tay pero bar exam nalang ang kulang at magiging ganap na siyang abogado." She said at agad napasimangot nang maalala ang pinapirmahan nito kanina. "Naiinis ho ako dahil pinapirma niya ako nang prenuptial agreement." Sabi niya na ikinatawa nito.

"Ibig sabihin lang nun walang interes ang asawa mo sa yaman mo. Ikaw ang gusto niya at hindi ang pera kaya dapat magsaya ka dahil mga matitinong lalaki at talagang mahal ka ang gagawa nun sayo."he said magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hello?"

"Honey nasa labas ako, di ako makapasok sa gate nang subdivision niyo." Tila bata nitong sabi na ikinatawa niya. "Wag kang tumawa honey, kakagatin kita." Pilyong sabi nito.

"Fine, just wait I'll ask kuya arnold to pick you up."

"Hindi na nandito naman ang kaibigan ko. Tawagan mo nalang ang mga gwardiya dito para makapasok kami." He said kaya tumango kahit di nito nakikita. She then turn off the phone at humarap sa butler niya.

"Tay paki tawagan po ang mga gwardiya sa labas nang subdivision nasa labas po ang asawa ko di pinapasok. Paki sabi yung Liam Scott." She said. Na agad naman nitong sinunod.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon