Chapter 12
Agatha's POV
Kanina pa nanakit ang mukha niya sa kakangiti nang plastic sa mga ka schoolmate/ classmate niya nung high school. At kanina padin siya naiinis, letseng Liam yun iindyanin pa ata siya.
"Excuse me." Paalam niya sa mga ka table niya na hindi naman niya mga ka close dati pero kung makangiti o makipag usap sa kanya akala mo bestfriend niya. She grab her phone at tinawagan si Liam.
"Oo na andito na ako papasok na ako mahal na reyna."bago paman siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.
"Bakit kasi di ka pumayag na sunduin ka ni Kuya Arnold?" Sabi niya bago humarap sa mga alak at nag order nang tequila.
"Ayaw ko nga kasi. Ano ako babae? Basta malapit na ako sa hallway kitakits Agatha." He said bago nito binaba ang tawag niya.
Napapailing na uminom siya nang alak bago lumingon sa bulwagan. All of them are wearing gowns and suits, mga ka artihan nang iba para lang mag payabangan nang mga gown. She already send Liam's suit kanina kaya di siya mamomroblema sa sosuutin nito. While she's wearing a red tube gown na sagana sa glitters at may mahabang slit sa kaliwang hita.
"Look what we have here, the billionaire herself Agatha Dela Cruz."
Napalingon siya sa nagsalita at napataas kilay nang makita ang babaeng tila sinampal nang makeup sa mukha. Literal ang kapal eh.
"Who are you?" She ask.
Tila nagulat ito na hindi niya ito kilala, tsk why is it feeling nang iba na intittled ang mga tao na kilala dapat sila.
"Akera Santiago, council president nang batch natin." Sabi nito kaya tumango siya bago lumagok sa alak na hawak niya.
"Ok." She response na tila nagpagalit dito.
"So we heard na hanggang ngayon single ka parin? I'm sorry but I also heard your reputation in business world and all I could say its a pitty." Nang iinsulto nitong sabi kaya humarap siya dito at hayagang tiningnan ito mula ulo hanggang paa bago siya napatawa na ikinainis nito. "What's funny?"
Huminga siya nang malalim bago nakangising tiningnan ito. "You. I didn't know my life is so interesting para sumagap ka nang tsismis. What a pathetic act of those bimbos na walang magawa sa buhay." She said.
Gusto niyang humalakhak nang makita ang pag pula nang mukha nito. "Ops did I hit the nerve? Sorry but not sorry." She said tsaka bored na tiningnan ito. "Anything else?"
Sinamaan siya nito nang tingin bago nagsalita. "Ikaw ang pathetic, bagay lang sayo na naging ulila ka dahil masama ang ugali mo. At nakakatawa dahil sa yaman mo wala ni isang lalaking nagka interes sayo. Wanna know why? Dahil isa kang demonyo." Malakas na boses na sabi nito.
She was about to say something nang biglang may braso na yumakap sa bewang niya at hinalikan ang noo niya. "Sorry im late honey, traffic kasi."
Napatingin siya sa nagsalita at agad napakunot noo nang makita ang nakangiting si Liam. Bago paman siya makapag react ay hinalikan na nito ang tungki nang ilong niya bago siya hinapit palapit dito. "Stop frowning hon, nakakapangit yan." Malambing na sabi nito bago hinarap ang kausap niya kanina. "Hi I'm Liam Scott, Agatha's boyfriend."
Napatingin siya sa babae nang suminghap ito at humahangang naka tingin kay Liam.
"Ibaba mo nga yang kamay mo, may germs ang babaeng yan." She said bago inirapan ang babae at hinila si Liam palayo. Nang makalayo sila ay agad silang nag tinginan at sabay na humalakhak. "Sh*t have you seen her face?" She said at halos maiyak iyak sa kakatawa.
"You look gorgeous Agatha."
Agad siyang napatigil sa pagtawa nang madinig ang sinabi nito. Nakangiti ito habang nakatitig sa kanya.
Tumikhim siya bago pinasadahan ito nang tingin. "You look gorgeous as well honey." She said sabay ngisi dito. "Ang corny nun Liam." She said at sabay silang natawa.
Hinawakan niya ang kamay nito bago ito hinila sa gitna nang dance floor. "Isayaw mo ako, dahil late ka ito ang kabayaran." She said bago iniakap ang mga kamay sa batok nito. Ngumiti ito bago yumakap sa bewang niya.
"Oo na mahal na reyna. Tsk dimo man lang ako pinakain eh gutom na ako." Pangungunsensya nito magsasalita na sana siya nang bigla nitong hinapit siya lalo at inalalayan ang ulo niya na sumadal sa dibdib nito bago siya isayaw sa malamyos na kanta.
🎶 You by the light
Is the greatest find
In the world full wrong
You're the thing that's right
Finally made it
Through the lonely
To the other side
You said it again
My heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge
Of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time
In the last time
In my only life.🎶
—————————
Liam's POV
Hinapit niya lalo ang dalaga habang sumasayaw sila sa kanta. Ang ganda ganda nito at napaka bango, at kahit ayaw niya ramdam niya ang pagkainis nang makita ang ibang lalaki sa hall nato na kanina pa ito tinititigan. He's just glad na wala itong paki sa paligid.
"Ang lakas nang tibok nang puso mo. Ok ka lang?" Patanong na bulong nito.
He didn't answer pero hinalikan niya ang noo nito. Bago ito tinitigan.
"Ok ka lang?" She ask at ayun na naman ang mga mata nitong puno nang pag aalala sa kanya.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito. "Ok pa sa alright." He said na ikinangiti nito bago yumakap ulit sa kanya.
And in the middle of that hall, holding her and dancing with her, he realize something.
She is not just a friend for him. She's more than that.