Kiss

132 10 0
                                    

Chapter 13

Agatha's POV

Nakangiting naka tingin siya kay Liam na ngayon ay palapit sa kanya habang may bitbit na dalawang cup noodles. Nasa 7/11 silang dalawa ngayon dahil tinamaan na sila nang pagod sa kakalakad mula kanina.

They ditched the reunion party at napag pasyahang gumala na lang. She was wearing his jacket sa suit nito at nakapagpalit nadin siya nang tsinelas na nabili nila sa hotel kanina. She's still wearing her red gown though pero wala na siyang paki.

"Oh." Sabi nito sabay lagay nang cup noddles sa harap niya. This is her first time sa 7/11 at hindi paman pero naaliw na siya. "Dahan dahan ang kain ha, mainit yan." Sabi nito kaya tumango siya.

Nang matikman ang mainit na sabaw nang noodles ay napabuntong hininga siya, ok naman ang lasa sadyang nakakarelax ang pag daloy nang mainit na sabaw mula sa bibig hanggang sikmura.

"Di kaba hahanapin sa reunion niyo?" Liam ask kaya napatingin siya dito. Ang cute nitong tingnan dahil talagang gutom na gutom ito.

"Diko alam at wala akong paki." She said na ikinatawa nito.

"Taray nang honey ko." Sabi nito bago ginulo ang buhok niya. Kaya tinampal niya ang kamay nito na ikinatawa nang binata.

"Isa Liam ha, uupakan na kita." Banta niya dito nang tangkang aabutin ulit ang buhok niya.

"Papangit ka kaya Agatha." Biglang sabi nito kaya napakunot noo siya. "Tsk daming napapalingon sa ganda mo ngayon." He said na nagpapula agad sa kanya.

 Umirap siya at hindi na nagsalita at kumain nalang.

Alas onse nadin nang gabi at marami rami parin ang nag lalakad sa kalsada.

"Nga pala baka hindi tayo mag kita nang madalas." Sabi nito kaya napalingon siya sa binata. Kumakain parin ito kaya tinampal niya ang noo nito. "Ang hard mo talaga sa akin Agatha." Nakasimangot nitong sabi.

"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong niya.

Uminom ito nang tubig at talagang napatingin siya sa adams apple nito, peste model ang peg?

"Hmm mag rereview ako." Sagot nito bago siya tinitigan. "Panahon na siguro para gawin ko ang gusto ko." He said.

"Review saan?"

Ngumiti ito bago pinisil ang ilong niya. "Sa Bar exam." He said na ikina ubo niya. Natatawa nitong hinagod ang likod niya bago siya bigyan nang tubig para inomin. "Nakakagulat ba?" Nakangisi nitong sabi kaya sa inis niya ay kinurot niya ang pisngi nito. "Aray ko, wag ang mukha honey. Agatha bitaw." He said kaya binitiwan niya ito. Napangiti siya nang makita ang pulang marka sa kurot niya sa pisngi nito. "Ang sadista mo talaga."

"Ako nga eh seryosohin mo Liam."

"Seryoso naman ako sa yo ah."

Napalunok siya.

Inis na pinagigilan niya ang mukha nito bago pinitik ang noo nito. "Ayusin mo ang pag sagot ha, sasamain ka sakin." She said. "Talaga bang magrereview ka for bar exam?"

Tumango ito na parang bata bago may kinalikot sa cellphone nito. "See, that's me when I graduated law school." Proud nitong sabi habang pinapakita sa kanya ang litrato nitong nakatoga at may hawak na certificate. "Di lang ako nakapag exam dahil naging busy ako sa buhay dahil kay mama." He said at tila wala lang ang sinabi nito dahil nag simula ulit itong kumain.

"Why?"

Nagtataka siya nitong tiningnan. "Huh?"

"Bakit ganyan ang trabaho mo kung nakapagtapos ka naman pala? I mean I don't belittle your jobs pero kung nag apply ka sa mga kumpanya kahit di kapa ganap na abogado may tatanggap padin sayo." She said.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon