Cotton Candy

184 11 0
                                        


Chapter 4

Liam's POV

"Liam ok kaba sa raket mamaya? Isang libo din yun para sa anim ma oras." Sabi ng kasama niya dito sa carwash.

"Ano ba ang gagawin?"

"Relyebo ka lang sa isang waiter sa bar." Sagot nito. Hindi niya alam kung oo siya dahil tila lalagnatin siya pero sayang din ang isang libo.

Sasagot na sana siya nang lumabas na ang kotse sa carwash area, pupunasan nalang nila ito nang pampakintab. Gusto niyang mapasipol nang makita ang kulay itim na Porche, kailangan niyang mag ingat sa pag punas nito dahil napakamahal nang kotseng to.

Napatigil siya sa pagpupunas nang maaninag ang driver nang kotse. Kaya kinatok niya iyon at gaya niya ay tila nagtaka ito kung bakit siya andun.

"Agatha." Sabi niya kumunot ang noo nito pero mas napakunot ang noo niya nang matitigan ito. "Umiiyak ka ba?" Tanong niya dahil sa mamula mula nitong mata na may bakas pa ng luha at sa mamula mula nitong ilong.

Halos dalawang linggo nadin mula nang makita niya ito at nung gabing binabaan siya nito nang tawag. Gusto man niya itong itext eh wala naman siyang sasabihin kaya wala siya ginawang hakbang. Tas wala siyang pang load para mag unli call kaya di din siya tumawag isa pa bakit naman niya gagawin yun?

"Sinusundan mo ba ako?" Pagtataray na tanong nito.

Napangiti siya bago ipinakita ang basahan na hawak. "Yan ba ang lagi mong itatanong pag nagkikita tayo?" Sagot nita bago pailing na ipinagpatuloy ang pagpupunas nang kotse nito.

Talagang mayaman ang babae dahil bihira sa pinas ang mag ka kotse nang ganito pero tingnan mo at meron ito. Nang matapos punasan nang pampakintab ang kotse nito ay bumalik siya sa harap only to get stunned nang makita ang dalaga na nakatingin sa malayo habang malungkot ang bakas nang mukha.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya at tila may kumurot sa puso niya nang makita ang malungkot nitong mata bago pilit na ngumiti.

"Ok lang." sagot nito bago paandarin na sana ang kotse nang bigla itong bumaling sa kanya. "Pag tinawagan ba kita ay sasagutin mo agad ang tawag ko?" Tanong nito na nagpagulat sa kanya.

Nagtataka man ay tumango siya dito. "Oo naman basta ba hindi ako busy at nasa tabi ko ang cellphone."

Ngumiti ito pero di abot sa mata. "Eh pag sinabi kung puntahan mo ako, pupunta ka ba?"

Without thinking twice ay tumango siya. Totoo naman at bukal sa loob niya.

Bigla nitong kinuha ang cellphone nito bago tila may tinawagan. Tatalikod na sana siya nang biglang mag ring ang cellphone niya at ganun nalang ang paglingon niya sa dalaga nang makitang ito ang tumatawag. Naka tingin lang sa kanya ang walang emosyon nitong mata.

"Hello?"

"Malungkot ako, pwede mo ba akong puntahan?" She said on the phone habang naka tingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Nasaan ka ba?"

"Sa loob nang kotse ko."

Napangiti siya sa sagot nito bago tumango dito na ikinangiti nito sa wakas. Ini off niya ang tawag nito bago yumuko para makaharap ito. "Hintayin mo ako dito, magpapaalam lang ako." Sabi niya bago nagmamadaling tumalikod at nagpaalam sa may ari nang carwash kung saan siya nag papart time nang regular.

Nang makabalik siya ay agad siyang pumasok sa passenger seat at halos mapasipol nang makita ang ganda nang loob ng kotse.

"Do you like cars?" Napatingin siya dito nang bigla itong magtanong.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon