Road to Forever

294 12 0
                                    


EPILOGUE

"A relationship is not based on the length of time you have spent together, its based on the foundation you've built together."

———————

Agatha's POV

Naiiyak na napasalampak siya nang upo sa sahig bago umiyak or should she say ngumawa nang malakas. Subrang naiinis siya dahil yung mga gusto niyang damit ay hindi na kasya sa kanya.

"What the...."

Napalingon siya sa pinto at mas naiyak lalo nang makita ang asawa na mukhang kakarating lang. Ang gwapo gwapo nito sa suot na americana habang siya? Napahikbi siya sa naisip na agad ikinataranta nang asawa.

"What the heck hon. Bat ka umiiyak? At bakit ang daming damit sa sahig at kama?" sunod sunod na tanong nito bago siya hinila patayo at umupo ito sa kama tsaka siya kinandong. "May masakit ba sayo? May magnanakaw ba ? Ano?"

"Honeyyyyy." She said bago yumakap sa leeg nito. "Lahat nang damit ko masikip na. Yung pants wala nang mag kasya. Ang taba ko na." She said na ikinatawa nito.

Ramdam niya ang pag halik nito sa noo niya bago hinawakan ang mukha niya. "Baka lang po nakakalimutan niyong buntis ka po. Nasa pang apat na buwan ka na at may kalakihan na ang tiyan mo, syempre honey wala nang magkakasya." Paliwanag nito bago kintalan nang halik ang ilong niya. "Yung mga tshirt ko muna suotin mo tas bukas half day tayong dalawa para mapag shopping ko ang honey ko." Malambing nitong sabi kaya napangiti siya.

Being married to him is always a blessing na palagi niyang ipinagpapasalamat gabi gabi. Napakabait at napakahaba nang pasensya nito sa kanya kahit alam naman niyang nakakasakit sa ulo ang pagka maldita niya. Lalo na ngayong buntis siya, pero wala itong ka angal angal instead mas pinaparamdam nitong mahal siya nitong talaga. Sa durasiyon nang paglilihi niya ay wala itong angal na bumangon sa hating gabi para kunin o bilhin ang mga gusto niyang pagkain. Tas hindi ito nagrereklamo pag gabi gabi niyang pinapamasahe ang paa niya dito. Kaya ito siya ngayon lubog na lubog sa kumunoy nang pagmamahal nito at wala siyang balak na umahon.

—————————-

Five months later

Liam's POV

"Aray ko. Bakit ba?" Sabi niya nang magising siya sa isang sampal sa mukha. Napatingin siya sa asawa at nagtaka nang makitang umiiyak ito nang tahimik habang bakas ang takot sa mukha. "Hon bakit?"

Tumingin ito sa kanya at napasinghap siya nang inginuso nito ang bandang ibaba nito. It has blood in it.

"Manganganak ka na?" Pasigaw na tanong niya bago siya dali daling bumangon at nagbihis. "Pumutok naba ang panubigan mo?" He ask.

"D-diko alam, umihi lang ako tas pag balik ko sa kama biglang yan na." Sabi nito.

"Oh god yun ata panubigan mo iniihi mo. Sandali kaya mo bang tumayo?" He ask tsaka pinindot ang intercom sa gilid nang kama nila. "Tay paki handa po nang kotse manganganak na si Agatha." He said at kahit nanginginig ang kamay ay pinilit niyang kargahin ang asawa na agad na kumapit nang mahigpit sa kanya. "Hang on honey."

"Liam di na ata tayo aabot." biglang sabi nito na ikinatigil niya tsaka niya ito tiningnan. "Parang lalabas na si baby." Sabi nito bago ito napaigik sa sakit kaya agad siyang bumalik sa kwarto at inihiga ito ulit.

"Nak nakahanda na ang kotse." Biglang pasok ni tay carding.

"Tay change of plan mukhang manganganak na siya ngayon. Paki tawagan nalang po ang doctor tas paakyatin mo po  sina Nay Lucing at ate edna. Pakisabi magdala nang mainit na tubig." He said bago bumuntong hininga at pinilit na kalmahin ang sarili. "Relax honey ok? Remember mo yung breathing exercise natin? Gawin mo yun ok?" Kausap niya dito at kahit nasasaktan ay tumango ito kaya agad din niyang kinuha ang mga kailangan gamit na inihanda pa nang obgyne nito. Yes nakahanda sila sa ganitong bagay, they ask their doctor to train them if this happen and prepare all the necessary first aid they need if hindi sila umabot sa hospital.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon