Shoulder to lean on

130 12 0
                                        


Chapter 8

Liam's POV

"Anak ilipat mo muna kaya si Agatha sa kwarto mo."

Napatingin siya kay Aling Anna nang sinabi nito iyon. He looks around at agad nakita ang dalaga na pasandal na nakatulog sa isa sa mga upuan. Kakalibing lang nila sa mama niya dahil hiling nito dati paman na wag na itong paabutin nang matagal na burol so hanggang tatlong araw lang nila itong binurol. And sa loob nang mga araw na yun hanggang libing ay palaging andito si Agatha, mula opisina ay dumederetso ito dito tas uuwi lang pag halos hating gabi na.

Ito ang nag asikaso nang lahat at nagpapasalamat siya at nabayaran na niya ang hospital bill dahil sigurado siyang walang reklamo nito iyong babayaran. Ipinagpapasalamat niya ang pag alalay nito sa kanya dahil sa kalutangan nang isip niya baka di niya malaman kung ano ang gagawin.

Lumapit siya dito at gigisingin na sana nang makita niya ang mahimbing nitong pagkakatulog. Tsk araw araw na kasama niya ito ay lagi siyang ginugulat nang dalaga. Wala siyang nadinig na reklamo dito nang mag punta ito dito sa lugar nila na hindi naman squatter area pero tirahan parin nang mga walang kaya tulad nila. Pero ni hindi niya ito nakitaan nang pandidiri bagkus naging instant na paborito ito nang mga kabarangay niya lalo na nang mga matatandang babae dahil marunong itong makisama.

"Kargahin mo nalang iho." One of the older women whose still there said kaya tumango siya at kinarga ang dalaga at inihiga ito sa kama niya na may manipis na kutson. Nang makumutan ito at makitang kumportable na ito ay tsaka palang siya lumabas at inistema ang iba pa nilang kapitbahay na nakilibing sa kanila.

"Bait din niyang girlfriend mo noh?" Sabi nang matandang lalaki na tawag ng lahat sa barangay nila eh Mang kanor. "Napakasarap kausap. Halata mong mayaman pero walang ka arte arte na nakikihubilo sa amin. Swerte mo sa kanya dong." Sabi nito na sinagot niya lang nang ngiti.

Isa din yan kalat sa barangay nila na girlfriend niya ito, hindi na niya tinama ang tsismis dahil baka pag tripan ito pag nalaman ng nga tambay na wala naman silang relasyon. Isa pa kahit sabihin niyang hindi wala naman maniniwala.

——————————

Agatha's POV

Agad niyang inilibot ang tingin sa paligid nang magising siya. Di niya alam kung paano siya napadpad dito at hindi niya akalain na makakatulog siya kanina. Dahan dahan siyang umalis sa kama at agad na tinupi ang kumot. She grabs her purse at agad na lumabas ng kwarto.

Agad siyang napatingin sa orasan nang makitang madilim na pala. It's already 7 pm kaya bali apat na oras siyang tulog, lilibutin sana niya ang bahay para hanapin ang mga tao dito nang mamataan niya si Liam  na nakahiga at tulog sa isa sa mga mahabang upuan. She walks slowly towards him at napabuntong hininga nang makita ang pagod na pagod nitong itsura. Gusto man niya itong gisingin ay di nalang niya ginawa. Mukha naman itong kumportable sa hinihigaan kaya napag pasyahan nalang niyang tumayo at magpunta sa kabilang bahay para mag paalam kay Aling anna.

Pero nakailang hakbang palang siya nang biglang may kamay na humawak sa pulsuhan niya and when she looks back ay hawak siya ni Liam habang ang inaantok at mamula mula nitong mata ay direktang nakatitig sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Paos ang boses na tanong nito bago ito umupo at hinila siya kaya napaupo siya sa tabi nito.

"Ahm uuwi na ako. Mag papaalam sana ako kina Aling Anna dahil tulog ka naman. Nagising ba kita ?" She asks at sinagot siya nito nang iling. Magsasalita na sana siya nang bigla nitong ipalibot ang mga braso sa bewang niya at hinila siya palapit sa katawan nito. He then places his head on her shoulder bago tila ito nakontento sa pagkakayakap sa kanya.

Hindi siya nag reklamo na niyakap siya nito dahil base sa higpit nang yakap nito ramdam niyang kailangan siya nito kaya binitawan niya ang bag niya at hinaplos ang buhok nito. "Ok ka lang?" She asks. 

Umiling ito bago higpitan ang yakap sa kanya. And for quite some time ay tahimik lang sila. "Pwede kang umiyak. Tayo lang ang andito." Bulong niya bago hinawakan ang mukha nito at hinarap sa kanya.

Napakagwapo parin nito kahit walang kabuhay buhay ang namumulang mata. "Iyak na, nakakagaan nang loob yan." She said bago niya iniyakap ang braso sa leeg nito. Napangiti siya nang madinig ang pag hikbi nito kaya pinagkasya niya ang sarili sa paghaplos sa likuran nito.

For the whole time na nasa tabi siya nito habang nakaburol ang ina nito ay sa hospital lang ang huling iyak nito kahit nung ilibing ang mama nito di rin ito umiyak kaya nagpapasalamat siya at umiyak ito ngayon. Dahil alam niya kung gaano ka bigat ang dala dala nito dahil naranasan din niya ang mawalan.

Nakita niyang papasok sana si Aling anna at dalawa pang matandang babae nang makita sila ay ngumiti nalang ang mga ito bago siya tinanguan at sabay na tumalikod ang mga ito at iwan sila.

"Ang sakit Agatha, paano ko kakayanin?" Sabi nito sa pagitan nang pag iyak. Bumitaw siya dito para makita ang mukha nito. Tila ito bata na inagawan nang candy dahil sa mga luhang dumadaloy sa pisngi nito. She wipes those tears bago pinitik ang noo nito.

"Kaya mo. Dapat kayanin mo. You still have Lara na ikaw nalang din ang meron siya. Hindi ikakatuwa nang mama mo pag pinabayaan mo ang sarili mo pati ang kapatid mo." She said bago hinaplos ang pisngi nito. "Just think on the bright side. Kahit wala na mama mo atleast hindi na siya nasasaktan at naghihirap ngayon. Payapa na siya kaya dapat ikaw bumangon ka, it will be ok Liam. You will be ok." She said.

Ilang segundo din itong tumitig sa kanya bago ito tumango at hinawakan ang kamay niya. "Salamat." Bulong nito. "Hindi man tayo magkakilala nang matagal pero dimo ako iniwan."

Ngumiti siya bago sumandal sa balikat nito. "Hindi naman kasi basehan kung gaano mo katagal na kilala ang tao para samahan ito kung may mahirap itong pinagdadaanan. Isa pa kung sa akin to nangyari alam ko at ramdam ko na gagawin mo din ang ginawa ko." She said.

"Hatid na kita?" He said after a while.

Umayos siya nang upo bago ito tinitigan. "Ok ka naba?"

Ngumiti ito bago tumango. "Magiging ok din ako." Sabi nito habang nakatitig sa kanya kaya tumango siya at tumayo na. Hawak hawak nito ang kamay niya habang naglalakad siya patungong kotse niya na alaga sa pagbabantay nang mga tambay dito. "Sige na ok na ako dito. Magpahinga kana." She said to Liam nang makarating sila sa kotse niya.

Ganun nalang ang gulat niya nang bigla siya nitong niyakap na ikatukso nang mga tambay na nanonood sa kanila. She then felt Liam kiss on the side of her head bago ito humiwalay sa kanya. "Ingat sa pagdadrive Agatha." Sabi nito kaya tumango nalang siya at agad na sumakay sa kotse. Bumusina siya dito bago tuluyang umalis.

And while driving on the way home ay agad siyang napahawak sa dibdib niya na hindi parin humuhupa ang lakas nang tibok ng puso niya.

Kalma, kalma lang.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon