Kapatid

161 11 0
                                    

Chapter 23

Liam's POV

Agad siyang napatingin sa cellphone nang tumunog ito, he is now working as a lawyer in a firm na itinayo nang mga kaibigan niya.

"Hello?"

"Sir si Ma'am Agatha po nasa hospital."

Agad siyang napatayo sa nadinig. "What? Bakit?"

"Di ko pa po alam tumawag nalang si Rina at sinabing dinala si Ma'am sa hospital at tawagan daw po kayo."

"Saang hospital?" he said bago kinuha ang mga gamit then he go out of his office. Hindi na niya nilingon ang sekretarya niya na tumawag. Padadalhan nalang niya ito nang message mamaya.

"St. Lukes po."

After hearing where hospital they bring his wife ay agad na niyang ibinaba ang tawag at patakbong nag punta sa parking lot.

---------------------

"Where's my wife?" Agad niyang tanong kay Rina nang makita niya ito palabas sa isang kwarto. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at agad na siyang pumasok sa loob.

He walk closer to her bed at agad napabuntong hininga nang makitang wala itong galos at mukhang natutulog lang.

"Sir."

Napalingon siya kay Rina at lumapit dito. "What happen?"

"May meeting ho kami sa labas nang biglang hinimatay si Ma'am habang nakikipag usap sa mga investor. Sila din po ang nagdala kay ma'am dito." paliwanag nito kaya tumango siya.

"Asan na sila ngayon?" tukoy niya sa mga investor.

"May gagawin lang daw po pero babalik sila mamaya to check on Ma'am Agatha. "

MAgsasalita pa sana siya nang biglang umungol ang asawa kaya napalapit siya agad dito. "Hon." he said bago hinaplos ang mukha nito. And when she open her eyes ay agad binalot nang relief ang puso niya na kanina pa di mapakali. "Are you ok?"

Tumitig ito sa kanya bago siya niyakap. "Ok na, andito ka na eh."sabi nito bago siya tingnan sa mukha. "Sino ang nagdala sa akin dito?"

"Yung mga ka meeting mo. BAt kaba hinimatay? Kumain ka naman kanina bago kita inihatid sa opisina mo." he said bago itinapat ang kamay sa noo nito. "Di ka naman mainit."

Sasagot na sana ito nang biglang bumukas ang pinto nang kwarto at pumasok ang isang doctor. "Good Afternoon Mrs. Scott at sa iyo that I'll presume na husband nang pasyente. Well, I have the result and so far everything is ok. Pero kailangan mo lang nang dobleng pag iingat misis dahil nasa unang semester ka palang nang pag bubuntis. Kahit makapit ang bata hindi parin tayo m----."

"Wait, what did you say? Buntis? Buntis ang asawa ko?"

Ngumiti ang doctor bago siya tinanguan na ikinasinghap ni Agatha at ikina nganga niya. "Yes your wife is one month pregnant. At gaya nang sabi ko ibayong pag iingat ang kailangan, and here's the list of vitamins and medicine na kailangan niyang inumin para maging healthy ang pagbubuntis niya. Anyway I still have some patient to attend to, so congratulations on your new blessing." sabi nito bago sila iniwan.

Agad siyang napatingin sa asawa na naiiyak na nakatingin sa kanya.

"Yesssssss." sigaw niya bago yumakap dito. "A baby, our baby." sabi niya dito bago ito pinugpog nang halik sa mukha. "Oh god thank you. Gosh honey magiging nanay at tatay na tayo." sabi niya bago pinalis ang luha sa mata nito. "Thank you, I love you." he said bago hinaplos ang tiyan nito at di pa siya na kuntento at inilapit niya ang tenga sa tiyan nito. "Hello baby, ako ang tatay mo."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon