Chapter 21
Liam's POV
"Ang daya mo Liam. Bat ako palagi ang taya?"
Agad siyang napatawa nang makita ang asar na asar na mukha nang asawa. Naglalaro sila nang tumbang preso kasama ang dalawang bata na sina Angela at Lara sa bakuran nang bahay nang asawa niya na bahay niya narin dahil hindi na sila nito pinauwi kaya dito na sila nang kapatid tumira. At halos dalawang buwan nadin silang kasal nang asawa.
"Honey ang bagal mo kasing tumakbo." He said bago ngumisi nang tila wala itong magawa kundi itayo ang lata sa gitna nang bilog.
They're playing all street games dahil hindi daw na experience nang asawa niya na maglaro nang ganun dahil wala naman daw itong mga kaibigan dati at puro aral lang ang inaatupag. Ganun nalang ang halakhak niya nang matira ni Lara ang lata at malayo ang itinapo nito na agad namang tinakbo nang asawa niya pero dahil nga mabagal ito tumakbo eh nakabalik na ang kapatid niya sa base bago nito na tayo ang lata..
"Ayaw ko na, palagi nalang akong taya." Tila bata na reklamo nito kaya agad siyang lumapit dito at niyakap ito bago pinahiran ang pawis sa noo.
"Pagod na honey ko?" He ask at tila naglalambing itong tumango bago yumakap sa kanya.
"Kuya piko naman laruin natin." Lara said kaya napangiti siya. Looking at his sister and seeing how happy she is being here with them makes him happy. Kahit nawala man ang ina nila pero sa dami nang mga kasambahay dito eh ang daming naging mother figure ang kapatid niya isama pa sina tay Carding, kuya Robert at Kuya Arnold bilang father figure nang dalawang bata.
"Pagod na daw si Ate Agatha eh." He said bago inakbayan ang asawa at pinaupo ito sa garden seat nito. "Here inom ka muna." He said bago abot nang juice dito. Agad din niyang tinawag ang dalawang bagets at pinakain nang snack na inihanda ni Ate Edna. "Do you want anything else?"
Tumango ito bago siya pinalapit. "Kiss ko hon." Sabi nito kaya yumuko siya para halikan ito sa noo dahil may mga bata sa paligid. "Mamaya na ang lips honey sama mo narin interes." He said bago ito kindatan.
It was actually sunday, at himalang hindi pumasok ang workaholics niyang asawa. While mamaya pa naman ang trabaho niya sa restaurant. Yes he's still working as a waiter though they're just waiting for the result of the bar exam dahil kakatapos lang niyang itake iyon.
"Pasyal tayo hon." Agatha said kaya bumaling siya dito. "Gusto kung mamasyal sa mga mall or yung quiapo tas mamili sa divisoria."she said kaya napangiti siya. "Tas pwede mag jeep uli tayo?"
"Nope." Agad niyang sabi. "Pwede tayong mamasyal at magsimba pero hindi tayo sasakay nang jeep. Magpapahatid tayo kay Kuya Arnold sa labasan tas mag tatricycle tayo."he said na agad iki na excite nito.
This is what he loves about his wife, napakadali nitong pasayahin. Tas game na game na itry ang mga gawain, pagkain o sasakyan nang mga pangkaraniwang tao. And for two months being with her, he notice na wala itong ka arte arte. Yes she wears designer clothes have jewelries na subrang mahal, mga bag na tinalo pa ang presyo nang jeep sa mahal. Pero hindi ito garbosa, kumbaga she knows how to blend in sa mga taong nakakasalamuha nito. Marunong makisama, well wag lang sa usaping negosyo dahil napatunayan niya na totoo ang mga sabi sabi dito.
She is a tough boss, a perfectionist at napaka workaholic. They even had a fight one time nang mag uwi ito nang trabaho sa bahay at halos inumaga na sa kakabasa nang proposal sa negosyo. So they made a compromise, walang dadalhin na trabaho sa bahay. Pag nasa bahay na dapat focus na sa pamilya. Dahil ayaw niya nang pati oras niya nababawasan dahil sa trabaho nito ano pa kaya pag nagka anak sila diba?
"Sama ba natin ang mga bata?" She ask pero agad siyang umiling. "Nope, tayo lang. Date tayo ganun." He said na agad nitong ikinangiti.
After having a rest and finishing their snacks ay agad niyang pinagbihis ang misis habang siya naman ay nagpatulong na umarkila nang tricycle sa mga guard sa labas nang subdivision. Then he change his shirt only at napangiti nang makitang terno sila nang asawa. Both of them are wearing white shirt and pants.
They got out at gusto niyang ivideo ang mukha ni Agatha nang makasakay ito sa tricycle. Tipong bata ito na subrang excited at palinga linga sa nadadaanan nila. When they reach to the church at nagsimba sila bago nagpunta sa divisoria.
"Hon ito oh matutuwa ang mga bata nito tas ang mura."
Tiningnan niya ang tinuro nito at halos mapatampal sa noo nang makitang 250 na laruan tas mura daw? "Mahal yan hon."
Tila nagulat ito sa sinabi niya bago pinakita ang laruan ulit sa kanya. "Hon mura to."
Umiling siya bago ito inakbayan. "Makinig ka hon, mahal yan. Pasok pa tayo dun mas maraming mura." He said bago sila pumasok sa loob at halos mapatawa siya nang tila ito batang nabigyan nang permiso na bumili nang laruan dahil hindi ito magkamayaw sa kakadampot nang mga laruang para kina Lara at Angela. At nung bayaran na ay mas natuwa ito nang tinuruan niya itong tumawad para maka save nang pera.
Suma total ang dami nilang nabila, hindi lang laruan kundi mga damit din nang halos lahat nang kasama nila sa bahay. Pati ito bumili din nang damit para sa sarili na ikinagulat niya pero ang rason nito eh maganda naman daw ang style at tela nang damit kaya bakit daw hindi.
Dahil may hinanda siyang surpresa sa asawa ay pinakuha nalang nila kay kuya Arnold ang pinamili bago niya ito dinala sa Mall of Asia hindi para mag shopping kundi para sumakay sa Malaking Perris wheel dun.
"Ang ganda." Bulong nito nang makasakay sila at makita ang magagandang ilaw nang syudad nang manila.
Huminga siya nang malalim bago tumayo sa likuran nito, he then grab the small box out of his pocket bago siya yumakap sa asawa mula sa likod.
"Mas maganda ka Agatha." He said bago hinalikan ang ulo nito. "Thank you for loving me and choosing me hon. Hanggang ngayon minsan hindi parin ako makapaniwala na asawa ko ang isang tulad mo." Bulong niya dito.
Ngumiti ito bago siya nilingon. "Mas thank you dahil araw araw masaya ang puso ko. I never thought love can make a person really happy. After my parents death nabuhay akong tila robot lang but then you came and you make me human again." She said bago siya dampian nang halik sa labi at tumingin ulit ito sa mga ilaw sa labas.
He sighed bago binuksan ang kahon at kinuha ang singsing doon bago iyon itaas na makikita nang asawa na agad nitong ikinasinghap.
"I know we're married already, pero gusto kong pakasalan ka ulit. Sapat na ang naipon ko para bigyan ka nang kasal na nararapat sa isang tulad mo." He said bago siya lumakad paharap dito, he then bend his one knee at sinalubong ang naluluha nitong mata. "So Agatha Dela Cruz Scott, Will you say yes for our road to forever?"
Tumango tango ito bago umiiyak na yumakap sa kanya. "I love you, god i love you Liam." Paulit ulit nitong sabi bago hawakan ang mukha niya at ito na mismo ang humalik sa kanya.
"Mas mahal kita hon, mas mahal."