Tabi

124 7 0
                                    

Chapter 15

Liam's POV

Naiiling na tumingin siya sa orasan nang cellphone niya. Gusto na niyang umuwi para matawagan ang nobya. Remembering Agatha ay ganun nalang ang ngiti niya.

 Damn at his age 28 feeling niya teenager siya eh. Sa lahat nang naging girlfriend niya mula highschool kay Agatha lang talaga siya kinilig tangina  na yan. Ibang klaseng babae.

"Oh di kapa aalis?" Tanong nang kasama niya sa restaurant. Umiling siya bago nagbihis nang damit. "Eh kanina pa sa labas girlfriend mo ah, nag away kayo?"

Sukat sa sinabi nito ay sing bilis ni the flash na naisuot niya ang damit at dali daling lumabas sa locker room nila. When he gets out sa restaurant ay agad niyang napansin ang sasakyan nang nobya pero nakapatay iyon  kaya agad siyang lumapit dito. When he tried to see inside ay agad siyang napangiti nang makita itong tulog sa driver seat. And by looking at her like that tila may humaplos sa puso niya.

Nang sinubukan niyang buksan ang kotse ay napailing siya nang makitang di naka lock iyon, buti nalang walang mga loko loko na sagala ngayon. He bends down at pinagsawa ang sarili sa pagtitig dito. Halata mong pagod ito pero di maipagkakailang ang ganda talaga. Simpleng ganda, na habang tumatagal nakakahalina. He kiss her smack on the lips at nang di ito nagising ay inulit ulit niya iyon hanggang sa maalimpungatan ito.

"Hon wake up." He said bago halikan ang talukap nito. Akala niya itutulak siya nito pero biglang pumaikot ang braso nito sa batok niya at umakap ito nang mahigpit. "Miss mo ko?" He ask.

"Hmm." Tanging sagot nito kaya humiwalay siya at nang tingnan ang mata nito ay agad siyang napangiti sa makitang antok na antok parin itong nakatingin sa kanya. So he unbuckle her seatbelt bago ito kinarga at nilipat sa passenger seat. Tas nang masigurong secure na ito ay siya naman ang umupo sa driver seat. He knows how to drive at may lisensiya din siya wala lang siyang kotse hahaha.

"Uwi na tayo?" Paos na sabi nito kaya lumingon siya dalaga at nahuli itong nakatitig sa kanya.

"Yes ma'am. Sana dimo nalang ako sinundo dito. Itinulog mo nalang sana yan sa bahay mo" He said.

Ngumuso ito bago umiwas nang tingin. "Gusto kitang makasama."

Napapikit siya sa sagot nito. Ang lakas nang kabog nang dibdib niya. Ngumiti siya bago dumilat sabay hawak sa kamay nito. "Saan kita ihahatid?"

"Can we sleep together?"

Nagpapasalamat siya at di pa niya inistart ang sasakyan dahil baka na aksidente na sila dahil sa sinabi nito. "Huh?"

"Tabi tayo matulog." Inosente nitong sabi.

Lord minsan lagyan niyo nga nang filter bunganga nang girlfriend ko. Ikakamatay ko mga hirit niya eh .

"Alam mo ba yang sinasabi mo?" He ask bago inistart ang kotse. "Ako ok lang, pero babae ka hon lalaki ako pag tabi tayo matulog hindi tulog ang magagawa ko sayo." Sukat sa sinabi niya ay isang tampal sa noo ang nakuha niya mula dito.

"Ang bastos ha. Gusto lang kitang makatabi sa pag tulog." Namumula nitong sabi kaya napatawa siya. "Ang dumi nang utak mo."

"Honey lalaki ako. Jusko ginulantang mo kaya ako sa can we sleep together mo. Alam kong patay na patay ka sa akin pero hon kalma mo hormones mo marupok na marupok ako sa ganyan." Nang aasar niyang sagot dito.

Aliw na aliw siya sa nakikitang pag pula nang mukha nito bago umiwas nang tingin sa kanya. He turn off the car again bago ito hinawakan sa kamay. "Hon." Tawag niya pero di ito lumingon. Kaya inilapit niya ang katawan dito. "Honey ko." Tawag niya ulit at agad napasunod ang tingin niya sa labi nito nang kagatin nito iyon. "Agatha." Halos pabulong na sabi niya.

And when she looks at him ay agad niyang hinawakan ang likod nang ulo nito at agad na sinakop nang halik ang labi nito. Hindi naglaon ay naramdaman niya ang pagsagot nito kaya mas nilaliman pa niya ang paghalik dito. When he let go ay napangisi siya nang tila hinabol pa nito ang labi niya kaya gigil na dinampian niya nang halik ang dalaga. He then grab her para mayakap ito. "Mahal kita." Bulong niya. "Damn Agatha hala uwi na tayo." He said bago halikan ang noo nito at umayos nang upo.

When he glance at her ay namumula parin ito pero nakangiti nang nakatingin sa kanya. She looks flushed halatang kagagaling sa halikan. At ibayong timpi ang ginagawa niya habang nakatingin dito para di ito hilahin para kandungin at halikan hanggang sa magsawa sila.

"Nagbago na isip ko." He said bago tuluyang pinaandar ang sasakyan at umalis na sa parking.

"Ano na?"

He glance at her at ganun nalang ang tibok nang puso niya nang makita ang masuyong sulyap nito sa kanya. Tangna normal pa ba ang mas lalong mahulog dito?

" iuuwi kita sa bahay mo at mag tatabi tayo."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon