Boyfriend

121 8 0
                                    

Chapter 9

Agatha's POV

Agad na kumunot ang noo niyang makita ang mga empleyado niya tila may pinapalibutan sa lobby. Kakapasok palang niya dahil kakagaling lang niya sa Thailand to attend some business conference.

"What the hell is going on here?" She said in a loud voice na nagpalingon sa mga empleyado niya. Halos mag atrasan ang mga ito nang makitang palapit siya kaya mas lalong tumaas ang kilay niya sa pagtingin sa mga ito.

When she reached in the middle of everything ay agad siyang napakunot noo nang makita ang receptionist niya na umiiyak habang may isang babae na nakapamaywang na nakaharap sa kanya.

"Who are you?" Tanong nang babae kaya mas lumapit siya dito.

"I should be the one asking you that. Who the hell are you?" She ask bago tumingin ulit sa receptionist. "What happen to you?"

Umiiyak itong lumapit sa gilid niya. "Wag niyo po akong tanggalin ma'am diko naman po sinasadya na matapunan ang bag niya nang tubig na dala ko para sa kanya." She said kaya napatingin siya sa babae at sa bag na dala nito.

"And? What did she do to you? Bakit mapula yang isang pisngi mo?"

Tumingin ito sa babaeng nakataas ang kilay na nakatingin sa kanila. "Sinampal po niya." Halos pabulong na sagot nang empleyado niya.

Bumuntong hininga siya bago tiningnan ang babae. Mukhang kaedaran niya lang ito and sorry to say her hermes bag is way outdated. Lumapit siya sa babae bago hayagang tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Who are you again?" She asks.

Suminghap ito at oa na napatakip sa bibig. "Dimo ako kilala?"

Tumaas ang kilay niya sa dito. "Dapat bang kilala kita?"

Nanlalaki ang mga mata nito sa sagot niya. "How dare you, ako lang naman ang anak nang Vice President nang kumpanyang to." Pasigaw na sabi nito.

Tumango siya. "Ahhh so You're the daughter of Mr. Lee. I didn't know he raised an uneducated daughter. Sa bait nang tatay mo talagang tinabla nang sama nang ugali mo." She said. Napatingin siya sa dalawang sekretarya niya ag nahuli niya ang dalawa na kagat ang labi Sa pagpipigil nang tawa.

"Sino ka ba?" Biglang tanong nang babae kaya dahan dahan siyang lumingon dito.

"Ako? Ako ang may ari nang kumpanyang to. Ang boss nang tatay mo at ang magpapakaladkad sayo paalis sa building ko." Malumanay niyang sabi at gusto niyang mapatawa nang makita ang pamumutla nito. 

"What now? Natakot ka?" She ask bago mas lumapit dito. "I guess your dad tell you about my reputation. Pinaka ayaw ko ang may umaagrabyado sa mga tauhan ko. You slap my employee dahil lang natapunan ang luma mong bag? How about I sue you for doing a physical assault to her? Dito pa talaga sa balwarte ko?" She said.

She look around at nakita ang mga empleyado niyang gulat na gulat na nakatingin sa kanila. "You." Turo niya sa babaeng may dalang kape. "Give me your coffee." She said na agad nitong binigay. She look at Mr. Lee's daughter and without blinking ay binuhos niya ang kape sa hermes bag nito na ikinasinghap nang mga nasa paligid nila lalo na nang babae.

"How dare you." Pasigaw na sabi nito na ikinangiti niya.

"What now? Sasampalin mo ako? Go ahead." She said bago tiningnan ang receptionist niya. "Call her dad." She said at agad itong tumalima.

"Next time alamin mo kung sino ang binabangga mo. Hindi porket anak ka nang Mataas na opisyal dito ay may karapatan ka nang maliitin o saktan ang mga empleyado ko." She said.

"Ma'am."

Napalingon siya sa nagsalita at agad napataas ang kilay nang makita si Mr. Lee na agad namutla nang tingnan niya. "Hindi mo ba tinuruan nang mabuting asal ang anak mo?" She said bago inirapan ang matanda at lumapit kay Rina. 

"Ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng anak mo dito sa kumpanya ko. And all of you." Pasigaw na sabi niya at tiningnan ang lahat nang empleyado. "Pag nakita niyo ang babaeng yan dito itawag niyo agad sa gwardiya. Ipadampot niyo bago ako pa ang bumaba at kumaladkad sa kanya." She said na nagpalaki sa mga mata ni Mr. Lee at sa anak nito.

Tumingin siya sa receptionist at tumigil na ito sa pag iyak instead tulala itong nakatingin sa kanya. "Ipa check mo yang mukha mo na nasampal nang bruha. Ipamedical mo para kung balikan ka mademanda mo ang babaeng yan. And you Mr. Lee pasalamat ka magaling kang trabahante pero hindi nangangahulugang abswelto na kayo nang anak mo sa akin. Her fault then you suffer. I'll be watching your move from now on." She said bago tumalikod na agad naman sumunod ang mga sekretarya niya. She was just bluffing to Mr. Lee though para lang matakot ito at mapagsabihan ang anak nito na atribida.

"Taray mo dun ma'am, wagi sa pag buhos nang kape sa hermes niya." Rina said bago ito tumawa kasabay ni Michelle habang napailing lang siya.

"Now I know." Michelle said bago siya ngitian sa salamin ng elevator na ikinataas nang kilay niya. "Iba ka nga." Sabi nito na di naman niya naintindihan.

—————————-

Rina's POV

Nang makapasok sa opisina ang boss nila ay agad silang naupo ni Michelle sa upuan nila.

"Grabe diko inexpect yun." Dinig niyang sabi nang dalaga kaya napatingin siya dito. "Yung ipagtanggol ni Ma'am at takutin ang anak ni Mr. Lee para lang ipagtanggol ang receptionist natin."

Ngumiti siya bago tumango. "Sabi sayo eh, magugulat ka nalang talaga."

Magsasalita pa sana ito nang biglang mag ring ang telephone niya.

"Hello?"

"Miss Dizon may naghahanap po kay Ma'am, Liam Scott daw po."

Napatingin siya kay Michelle nang maalala kung sino ang nag mamay ari ng pangalan na iyon. Huminga siya nang malalim bago  sumagot sa telepono.

"Ahm sige paakyatin mo dito." Sabi niya bago binaba ang tawag.

"Sino daw?" Michelle ask kaya napatingin siya sa pinto nang opisina nang amo nila.

"Boyfriend ni Ma'am andito."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon