Chapter 3
Agatha's POV
Nakasunod lang ang tingin niya kay Liam na ngayon ay iniistema ang ibang costumer, hindi niya alam kung bakit siya sumama dito pero hindi niya pinagsisihan dahil nakasakay siya nang jeep na isa sa mga pangarap niya. Napangiti siya nang maisip ang mga nakangiting mukha nang ibang pasahero na nagpasalamat sa kanya nang bumaba na sila kanina.
Maybe you guys wonder bakit siya ganito, well weird ba kung sabihin niya na nagbibigay nang kasiyahan sa kanya ang makatulong? Yes, she is heartless when it comes to work pero kinailangan niya ang maging ganun. Sa dumi nang paraan nang negosyo dapat maging matibay ka, lalo na sa kumpanya niya? Totoo naman na hindi niya binabayaran ang mga empleyado para mag tsimisan lang. They came to work so work they need to do, ayaw niyang may magkamali na mag reresulta nang ikakabagsak nang kumpanya niya dahil ang unang maaapektuhan ay ang mga taong nagtatrabaho sa kanya. She cares for her employee but work is work, she dont care if her employee sees her as a devil basta ang importante alam nang mga ito na hindi siya nakikipaglaro pag dating sa trabaho.
Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon.
"Hello Kuya Arnold."
"Ma'am nasa parking na po kami." sabi nito kaya agad niyang pinatay ang cellphone at dumukot nang pera para ibayad sa kinain niya.
"Bayad na yan."
Napatingin siya sa nagsalita only to see Liam standing next to her. "Uuwi ka na? Andito na ba ang driver mo?" sunod sunod na tanong nito.
Tumango siya bago hinawakan ang kamay nito at ilagay ang pera dun. "Tip mo." she said bago lagpasan ito at naglakad papunta sa pinto pero agad ding napatigil at binalikan ang binata na nakasunod ang tingin sa kanya. "Salamat ulit sa pag estema. Bye." she said bago tuluyan nang umalis.
Nang makapasok sa kotse ay agad niyang nilingon ang restaurant at napangiti sabay iling nang makita si Liam na nakatingin sa sasakyan niya.
"Bigla kang nawala ate Agatha."
Napabaling siya sa bata sa tabi niya at namula bago ginulo ang buhok nito. "Sa bahay na tayo Kuya arnold." she said bago sumandal nang maayos at kahit anong pigil niya ay napapangiti talaga ang labi niya.
------------------
"Dito po ang magiging kwarto niyo ate Edna. " she said habang pinapakita dito ang kwartong uukupahin nang mag anak. "Lahat ho ng kwarto dito sa unang palapag ay sa mga kasama natin sa bahay, nakilala muna man sina aling lucing at ang limang kasama nito kanina. Lahat ho kayo ay may nakatokang trabaho dito sa bahay." she said.
"Ma'am mga gaano ka rami po ang lulutuin ko?"
Ngumiti siya bago sumandal sa may pinto, "Yung kakasya ho sa ating lahat ate. Ako lang ho mag isa at kayong lahat dito sa bahay ang mga kasama ko kaya kung gaano tayo kadami dito kayo na po ang bahala na mag budget. At isa pa kasama mo po si Ate rosa sa pagluluto, palitan ho kayo."
Naiiyak na tumingin ito sa kanya kaya napangiti siya. "Salamat po ma'am. " magkasabay na sabi nang mag asawa.
Tumango siya bago nagpaalam. Nang makapanhik sa kwarto niya ay agad siyang nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan bago humiga sa kama, today is an eventful day. Masaya na naman ang puso niya bago matulog.
beep beep beep
Napatingin siya sa cellphone niya nang may message alert na tumunog. She grabs it bago napangiti sa nabasa.
"Tulog ka na? Si Liam pala to. "
She guessed na nakita nito ang papel na iniwan niya sa mesa na nilagyan niya nang cellphone number niya. Don't asked her why she did that dahil siya hindi alam kung anong pumasok sa utak niya para mag iwan ng numero niya nang ganun.
"Ano salamat sa tip na binigay mo. Talaga bang pag mayaman barya lang ang isang libo?"
Napailing siya bago bumanghon at lumabas sa teresa nang kwarto niya bitbit ang cellphone. She looks at the sky at napangiti nang makita ang madaming bituin doon.
Ring Ring Ring
"Hello?"
"Nagising ba kita?" Napangiti siya ng madinig ang boses nang kausap.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo Liam?"
It took few seconds bago ito sumagot. "Wala gusto ko lang magpasalamat. "
Ngumiti siya kahit di nito nakikita. "goodnight Liam."
"oi san----."
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito at agad na pinatay ang cellphone. When it rings again ay di na niya iyon sinagot.
Tumingala siya ulit sa langit bago tumingin sa buwan.
"Masaya po ang araw ko kahit na wala na kayo." bulong niya bago mapait na napangiti.